Chapter 26

12.6K 800 151
                                    


Chapter 26
Pinatay


Tawanan at usapan ang aking narinig sa pa-party na ito ni Don. Halos hindi ko makain ang aking pagkain na masarap. Parang nawalan ng halaga ang masarap na pagkain na ito para sa akin.

Alam nang lahat na si Diego pala ay kanyang inalagaan. Si Diego na gusto ni Don dahil hindi siya nagkaanak nang lalaki. At gusto niya si Diego para kay Melissa.

Gustong gusto nila pala si Melissa.

"Oh.. kita mo naman. Pinangalanan ni Melissa ang anak namin na Melissa dahil mahal na mahal niya ito. Alagang alaga niya bago namatay.." kwento ni Don sa kausap. Tila lasing na.

Oh. Magkapangalan rin pala si Mama at Melissa. How ironic.

Tumaas ng husto ang kilay ko. That's it huh? Naalala ko ang Toronjil na nakalagay sa picture frame ni mama. Ibig sabihin nun ay Melissa. Pinalagay talaga doon. Ni wala akong nakitang pangalan ko doon.

Kinuha ko ang flute ng wine at ininom iyon. Hindi sadyang sumagi ang tingin ko kay Diego at nakatitig siya sakin ng mariin. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan.

Inubos ko ang wine at nilapag sa mesa iyon. Dinilaan ko ang aking labi at kinuha ang kutsara tsaka dinilaan iyon. Nilabas labas pasok ko sa aking bibig.

Diego shifted on his seat and crossed his arms. Nangangalit.

Nangunot ang noo ko nang makita sa tabi niya si Melissa. Nakatitig sa kanya, kunwa'y sa akin.

Ngumiti siya ng marahan at hinawakan ang braso ni Diego at hinimas iyon. Tumikhim ako at pinagpatuloy ang pag inom ng alak sa kanilang harapan.

They are all enjoying their company habang ako? Wala. Buryong buryo na ako.

"Stop drinking..." saway sakin ni kamahalang Diego. Wala siyang ginawa kundi ang titigan ako.

Inubos ko muna ang laman ng wine at nilapag iyon sa mesa. Ngumisi ako sa kanila ng kambal ko.

"Hi ex..finally." humagikhik ako. I licked my lips and leaned on the table.

"Hindi pa nga kita sinasagot... iniwan mo na ako. Isa kang taong Asshole." patuloy ko. Nagsitahimikan ang lahat. Tila nagulat sa aking sinabi. Titig na titig ako kay Diego.

"Pareho nga kayong bitch ng kambal ko. Same feather...flocks together." I smirked. "Magkatulad kayo nang kalbong Don Cleong uugod ugod-"


"Blooom..." saway sakin ni Diego. Kahit si Melissa ay tila ba natakot na makita na lumapit ang aming ama.

"Oh. Sorry, about that. My daughter is sick." pagpaumanhin niya sa mga bwisita.

Umiling ako at umirap. "Ngayon.. natatandaan mo na na may anak kang si Mystique? Bravo!"

Nagkakatensyon na lalo na sa tingin sa akin ni Don Cleo. Ngumisi lang ako at matalim na tinitigan si Melissa at Diego.

I crossed my arms. "Hindi ko alam kung ano pa ang rason kung bakit ,pinatay niyo ang kinagisnan kong magulang at kinukulong niyo ako sa organisasyon niyong bulok kung....Magmumukha ako ditong pulang rosas sa gilid. Maganda man, walang pumapansin."


"Stop it now daughter. We will talk about your concerns after this."

"No.." ngumiti ako kay Don Cleo. "I got it. I am okay. I mean..more than okay! Maganda pa rin ako. Gusto ko lang gawin ay umalis sa mansyon niyo at mamuhay mag isa. Puwede na rin na kalimutan niyo na lang ako ,puwede ba iyon? It will benefit me more ,that way."

Bulongan sa paligid ang namayani. Nang makuntento ako ay kinuha ko ang flute nang wine at dinala ko ito paalis doon.



Ang totoo.. My heart shattered into pieces. Pakiramdam ko, nasa isang lugar ako na walang kakilala. Walang mapagkakatiwalaan kahit sino man.

Kung sino pa ang mga taong dapat kong takbuhan ay sila pa ang mga taong hindi ko mapagkakatiwalaan.

Patuloy sa pagbuhos ang aking luha habang paakyat ako ng aking kuwarto. Naninikip ang dibdib ko.

Bago pa ako makabukas ng aking kuwarto ay may humila nang aking braso.

"Let me explain-"

Isang sampal na agad ang pinalasap ko sa kanya.

"How dare you!!" sigaw ko. Nanginginig ako sa pagod, sa iyak, sa galit ko sa kanilang lahat.

"Baby..." pagod na pagod na tumingin sakin ang lalaking.. pinagkatiwalaan ko.


"I am tired Diego. Okay. Niloko niyo akong lahat. Fine! Tapos na! Kayo na ni Melissa! Magpakasaya kayo rito! Gusto ko lang umalis!! Malayo sa inyo dahil baka ako pa mismo ang papatay sa sarili ko kapag tumagal ako dito!"

Nanlaki ang mga mata niya. Nakita kong natigilan rin si Don Cleo at Melissa na kakadating lang. Napatigil sila nang marinig ang aking sigaw.

Tumango tango ako.

Kinuha ko ang maliit na baril na kanina ko pa tinatago sa gitna ng aking dibdib at itinutok iyon sa aking dibdib. Mismong sa puso ko.

"My G-God Mystique..N-No.." naiiyak na ang aking kambal.

"Shut up.." I hissed. Nakatulala na rin si Don Cleo habang titig na titig sa akin si Diego.

"What do you want daughter? I- I will give it to you.."

"Dalawang bagay lang po.." mapait akong ngumisi. Unti unti kong tinutok ang baril kay Melissa.

"Isa lang ang mananatili Don Cleo."

"Dont do this baby..please." Diego begged. Nagsusumamo ang kanyang mga mata. Gusto niya akong hawakan.

"Bitch...Andiyan na ang kambal ko oh. Baby ka pa sakin? Malandi.." nilingon ko si Don Cleo.

"Choose father. Me or Melissa?"

Napalunok si Don Cleo. Wais siyang tao ay malalaman niya sa mga mata nang tao kung nagsisinungaling o hindi. Ngayon, nakikita kong binabasa niya ang aking mga mata.


Umiling si Melissa at kinagat ang labi.

Ilang sandali kami naging tahimik.

"Leave Mystique." Utos ni Don Cleo. Now, he chose his decision.

Unti unti kong binaba ang baril. Nanlaki ang mga mata ni Diego at galit na tinitigan si Don Cleo.

"Your sister is sick." yumuko siya. Tila,pinapalubag pa ang loob ko.

"Kakabahan na ba ako?" sagot ko.

"Mystique. I am serious. Hindi na siya magtatagal sa mundong ito."


Narinig ko na ang tuluyang pag iyak ni Melissa.

That's why she's pale and skinny huh? Bakit ganito?


"I am so sorry.. daughter but your sister is important for now."


See that?


Lasog lasog na ang nararamdaman ko. Walang pakealam si Diego sa mga sinabi ni Don Cleo dahil nakatitig lamang siya sakin. Na tila ba gusto niyang pawiin lahat nang sakit na nararamdaman ko.


"Sana nga ako na lang e. Kasi ngayon.." tinitigan ko si Diego, pabalik kay Melissa at Don Cleo. "Parang pinatay niyo na rin ako." pinalis ko ang aking mga luha.

"Wala akong dadalhin kung ano man mula sa mansyon mo Don Cleo. All I need is my share. Even just a little bit. Siguro karapatan ko iyon? Send it to my account and thank you for that." sabay sarado ko nang pintuan at umiyak sa loob ng kuwarto.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now