Chapter 15

13.8K 706 39
                                    

Chapter 15
Pagkatao


“I'm not favor to this Mystique.." sikmat agad sakin ni Diego nang mapag isa kaming dalawa.

Nakapamaywang siya sa aking harapan at ako naman ay nakatingala sa kanya. He's so fucking tall!

"Diego...si Don Cleo ang nagset ng magiging guro ko. Sa English lang siya at tsaka we've been a good friends!"

"Friends don't kiss Mystique.." diin ang kanyang boses. Pumikit ako ng mariin. Nahirapan ako sa pag explain sa kanya lalo na't ang isipan niya ay napapalibutan ng kaselosan!

Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis. Tinahak ko naman pabalik sa library at nakitang nakaupo si Felix sa kanyang upuan. Bahagya niya pang pinagalaw galaw iyon habang nagbabasa naman ng kung ano ano si Addelyn.

Nagliwanang ang mukha niya ng makita ako.

"Senyora! Ahmm..maupo kana po!" naghila si Addelyn ng upuan para sakin. Ngumiti ako lalo na kay Felix.

He did'nt smile back. Tila nabadtrip siya.

"Let's start. We only have two hours and then..wednesday is my next schedule. Are you okay with it?"

He asked.

I nodded. "Yes sir!"

Tinitigan niya si Addelyn dahil hindi ito sumagot. Nanlaki ang mata ni Addelyn. Nagpakunot iyon ng aking noo.

"Y-Yes po.."

"Sir...Addelyn..."

Napalunok si Addelyn. "Y-Yes s-sir.."

Lumagapak ang hawak na libro ni Felix sa mesa at inayos niya iyon bago nag discuss. Shit!

May hindi ba ako alam? E, ngayon lang naman sila nagkakilala at mainit na agad ang ulo ni Felix sa kanya! Addelyn is fine for me!

Hindi ako nagkamali dahil naging terror si Felix bigla!

Unang araw...napasabak agad kami sa isang long quiz! Wow! Parinig ako ng parinig kay Felix pero mukha talaga siyang seryoso sa biglaang quiz niya! Ni walang klase at pag review!

Attitude ka sir? Attitude? ok.

Normal ang paalam niya sa amin matapos ang dalawang oras. Ayos naman sakin.

Nilingon ko si Addelyn na nagliligpit ng binigay ko sa kanyang notebook at ballpen.

"Ayos kalang?" tanong ko. Ngumiti siya sakin at pinahiran ang kanyang pawis.

"Grabe..kinabahan ako."

Sabay kaming tumawang dalawa dahil doon. Naging pormal ang araw ko hanggang sa sumapit ang gabi. Busy rin si Diego sa mga ibinilin sa kanya ni Don Cleo bago umalis.

Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam.

Hindi ko nalilimutan ang aking misyon at obligasyon. Kailangan ko paring kausapin si papa tungkol sa lahat. Pakiramdam ko kasi mayroon siyang alam na importante para sakin.

Nakaayos na ako at handa nang bumaba ng tumunog ang aking cellphone sa isang call ni Diego. Tumaas ang kilay ko.

"Hello?"

"Nakakain kana? I'm out for a mission today."

Napamulagat ako. "B-Bababa palang ako ngayon. B-Bakit? Saan ka?"

Humalakhak siya na nagpairap sakin. "Basta..babalik rin ako mamaya. Nasa Batangas port ako. I love you baby.."

Halos ihagis ko ang cellphone sa dingding!

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now