Chapter 18

13K 725 89
                                    


Chapter 18
Meant



Lumipas ang linggo na wala akong Diego'ng nakasalamuha o nakausap. Ganito ba kapag magmahal? Ganito ba talaga iyon ka emosyonal? Ka sakit?

Kailangan bang magbulag bulagan?

Sumapit ang lunes at bukas na ang ika 60th birthday ni Don Cleo. Nakaupo na ako sa library, mag isa. Inaabangan ko nalang na dumating si Felix.

Nagtaka ako dahil halos mag isang oras na siyang late! Hmm..why kaya?

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang taong inaasahan ko. Binagsak ko ang katawan paupo ulit at umirap.

"You’re late.." puna ko at tinitigan ang aking kuko. Hm, I think, I need to cut my nails na.

"Sorry. So, let's start?"

I lazily nodded. "Absent yung kasama ko." I stated. Tumango lamang siya, tila balewala lang sa kanya.

Nagsimula na siya sa leksyon niya pero hindi ko siya masyadong marinig. Humalukipkip ako.

"Dito ka nga sa tabi ko sir..hindi kita marinig. " humalakhak ako. "Why you're so shy ba? Naghalikan na nga tayo noon e."

Umirap siya sakin at sinunod ang gusto ko. Ngumisi siya bago umupo sa aking tabi.

"Shut up your pretty mouth Bloom..." saway niya ngunit nangingiti.

"Bakit? Hahalikan mo' ako ulit?"

"Tsss...Baka hindi na ako dito makaapak. Papatayin ako ni Cleo?"

"Hindi rin. Boring ma boring na nga ako dito. Samahan mo naman ako. Dala tayong body guards para payagan ako."

He smirked. "Do I look like need a  fucking bodyguards?"

Napatingin ako sa braso niyang mapipintog. Umirap ako.

"Wow huh? Proud na proud ka talaga sa maskulado mong katawan? Mas maskulado pa sayo si Diego kaso gago.  Nakakainis! Bakit ko ba siya bigla bigla nalang naiisip? Nakakainis!"

Humalakhak si Felix at kinurot ang pisngi ko, tulad nang nakaugalian niya.

"Don't pout like that...focus on your lessons!"

"Hmm..bakit? Natetempt ka na naman sakin?"

"Shut up Bloom. Baka may mangyari sa atin dito mamaya kakasalita mo nang ganyan..."

"Hm!" I mocked. "May nagbago na nga e. Ewan ko kung ano. I cannot figure it out. You're my friend since I'm a kid. Feeling ko, lalayo kana sakin. What ever it is..kung ikakasaya mo iyon...hindi kita pipigilang lumayo Felix.." malamlam niya akong tinitigan at hinalikan sa noo, napapikit ako.

"Kahit malayo ako Bloom, kung kailangan mo ako..nandiyan ako.Tandaan mo yan."

Gusto kong maiyak dahil sa halo halo kong naramdaman. Una, namiss ko ang kalinga ng inang nagpalaki sa akin. Pangalawa, hindi ko alam kung ano ba kami talaga ni Diego. Pangatlo, pakiramdam ko, nag iisa ako.

'Yung tipong, may gustong kumaibigan sakin ay papatulan ko na para lang maging masaya.

Sa isang pitik lang, kaya kong bilhin ang isang napakamahal na bagay. Kaya kong paluhurin ang sinuman. Mga bagay na inaasam ng mga tao na mayroon ako. Hindi pala masaya. Hindi masaya ang maraming pera kung walang ligaya. Kung walang nagmamahal walang silbi ang pera.


Natapos ang oras ng aking pag aaral nang gusto kong ipaalam na sasama ako saglit kay Felix. Nasa veranda si Don Cleo at may katawagan. Kakababa lang nang kanyang tawag nang harapin niya kami ni Felix.

"Felix Mondragon..." nakangisi si Don Cleo at tumitig sakin. "Anong atin? Maupo ka. Naging sutil ba itong anak ko?"

Umiling si Felix. Seryoso at matigas.

"Maayos naman si Bloom Don. I'd just like to invite Bloom for a lunch kung papayag po kayo.."

Tumawa si Don Cleo at tinapik pa ang balikat ni Felix.

"Bakit ako tatanggi sa angkan ng mga Mondragon? The highest rank of the Mafia organization...Yes, alam ko namang iingatan mo ang anak ko. Alam ko ang mga abilidad mo kaya panatag ang aking loob."

Ngumuso ako sa mga narinig. I already thought about this. Hindi hihindi si Don Cleo kay Felix. Hmp!


Inantay ako ni Felix doon kasama si Don. Naligo ako at nagbihis para sa aming lakad. Nagsuot ako ng black tube croptop and a highwaist black pants. Pinuyod ko ang buhok.

Dala ni Felix ang kanyang Benz at iyon ang aming sinakyan.

Ngumisi ako habang lulan ng sasakyan.

"Grabe. You're a teacher na may service na Benz..Wow." umiling ako.

"Shut up. Inipon ko sahod ko para sa sasakyang ito."

"Weeeh? Sa dami dami nang sasakyan niyo. Si Marco nga papalit palit ng sasakyan.."

"Kuripot yun. Kay Maria Isabella lang siya nagwawaldas ng pera."

"Natural..asawa niya e. Kapag ikaw nag asawa ganon karin."

"Ofcourse. Lahat ibibigay ko.."

Pareho kaming natahimik nang mapunta sa topic na iyon. Hindi pa kami nakakaabot sa pupuntahan pero umingay na ang cellphone ko dahil sa tawag ni Diego.

Kumirot ang puso ko. Hindi ko iyon sinagot.

***

Ang aming lakad na napasarap kaya inabot kami ng gabi. Alas siyete na nang ihatid niya ako pauwi. Hindi lang iyon. Napilit ko siyang uminom! Yes, uminom kaming dalawa kaya ang ingay ingay ko! Maging siya ay pulang pula na at tawang tawa na rin!


"Naalala ko noon nang pinasakay mo ako sa bike mo! Tapos na out balance ka at natumba tayong dalawa! My gosh! Yung mukha ko sa tae ng aso tumama! Tapos tinawanan mo lang ako!" Hinampas ko siya ng hinampas dahil naalala ko na naman iyon.

"Hey! Stop..baka mabangga tayo.." halakhak niya.

Umirap ako at umayos.

"Ang init!" reklamo ko.

Inayos ko ang aking buhok. At hinarap siya.

"Felix..paano kaya kung ikaw yung naging boyfriend ko? Di'ba nung kelan...gustong gusto mo ako. You made me feel so special. Kahit ano ang nangyari, nandiyan ka parin. K-Kung bibigyan ako ng pagkakataon na maulit lang sana ang lahat..ikaw nalang ang pipiliin ko. Siguro hindi ako masasaktan ng ganito." tuloy tuloy ang pagkakasabi ko. Dahil pakiramdam ko,kapag hihinto ako..maiiyak ako.

Umiinit ang gilid ng aking mga mata.

Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng daan.  Nabigla ako ng punasan niya ang luha sa aking pisngi na hindi ko namalayan.

Nagtitigan kaming dalawa.

"B-Bakit ganito? Pakiramdam ko...binalewala ko ang taong magpapahalaga sa akin?"

"I gave my self with someone else. Sa taong hindi ko alam kung akin..." dagdag ko.

Lumapit ang mukha sa akin ni Felix. Ramdam ko ang hinagpis niya. He licked his lips. Kaunting hibla nalang, maghahalikan na kami pero hindi niya iyon ginawa.

"I will cherish you Bloomeria." his voice was husky. "Yeah..." mapait siyang ngumiti. "I loved you before but I know you're not meant for me.."

"Ako ang simula...pero siya ang wakas..."

He buried his face on my neck and suckled my flesh there. He never kissed me but he kissed my neck gently as I closed my eyes and feel his kisses there. 






Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now