Chapter 28

13.1K 821 124
                                    

Chapter 28
Daing


I cannot think straight. Hindi mabura sa isipan ko ang mga nakita ko. Nakakakonsensya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Para naman sa salita ay masaktan ko sila kahit paano. Kahit paano makaganti ako sa pang iinsulto ko sa kanila. Gusto ko doong bumawi. Kahit na alam ko sa sarili ko na.. lugmok na lugmok ang aking nararamdaman.



Wala akong mapuntahan. Ni wala akong balak pumunta sa Unibersidad na pinagtuturuan ni Felix. Nandito lang ako sa labas, wala namang balak pumasok.

Bumuntong hininga ako para maalis lahat nang bigat na aking nararamdaman at pinaandar na ang sasakyan. Inikot ko ang dala kong sasakyan sa Unibersidad hanggang sa madako ako sa backgate nito.

I frowned when I saw someone. Mas nilapit ko pa ng sakto ang kotse ko. Yung tipong hindi masyadong halata pero makikita ko ang ginagawa nila. Nandoon kasi ang kotse ni Felix e.

Natapon sa daan ang mga dalang papel, siguro, ni Addelyn habang pinapagalitan siya ni Felix. Itong si Felix naman..mukhang na gangbang ng mga bakla sa eskinita.

Putok ang labi niya at maging ang kilay. Heck! Mukha siyang gangsta. Yung parang mabaho pero hindi naman! Basta!

Alam ko naman. Isang tingin ko palang sa katawan ni Addelyn, mukhang nabombahan na nang todo ni Felix noon pa. Yan siguro ang instinct mo kapag hindi ka na virgin kasi.. parang alam mo na rin kung virgin pa ang isang girl.

Mutual? Oo,parang ganon.

Humilig ako sa sandalan ng kotse at nanood sa kanila. Kay tagal ko na palang hindi nakakapanood ng sineng, sweet.

Nakahawak sa batok niya si Felix at kinabig siya nito para halikan. Sarap na sarap si Felix pero ang higpit ng hawak ni Addelyn sa kanyang  t shirt. Bakit kaya napadpad si Addelyn dito?

Natapos ang halikan nila ng buksan ni Felix ang sasakyan niya at pinasok doon basta basta si Addelyn.

Bumuntong hininga ako lalo.

"Hay. Kung hindi moko niloko Diego siguro ganyan rin tayo ngayon. " umirap ako at pinaandar na ang kotse.

Hindi ko alam kung bakit ang lungkot lungkot ko bigla. Yung taong.. comfort zone ko.. hindi ko puwedeng masandalan.

Paano kaya pag si Felix na ang umiwas sakin? Paano kaya kung magkaayos na sila ni Addelyn? Syempre, may limitasyon na sa amin. Iiwan niya rin ba ako?

Saan nalang kaya ako?

Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak ng maisip iyon. Masaya naman ako para sa kaibigan ko. He deserved to be happy. At bilang kaibigan niya, susuportahan ko siya. Ang bait niya noon pa man sakin.

Malapit lang dito sa Manila ang probinsyang tinirhan namin noon ni mama at papa. Susubukan ko iyong puntahan at magbakasakali na doon muna. Baka lang puwede pa iyong rentahan.

Pinuntahan ko iyon at halos magutom ako dahil sa tagal ng biyahe. Naalala ko pa ang mga panahong binaril kami sa daan at nawalan ng buhay dito si mama.

Maraming nagbago. Marami nang nagtitinda ng ulam sa mga daan. May mga traysikel narin na naglalabas pasok. Napangiti ako ng makita ang mansyon namin na niyayakap na nang malalaking halaman pero malinis pa rin.

May mga nakatingin sa aking sasakyan at nakikiusyuso ng bumaba ako. Ang tapat naming tindahan ay nakilala agad ako.

"Bloom!"

Ngumiti ako. "Tita Bet."

"Kamusta?! Akala ko hindi kana babalik!" may dala pa itong pamaypay niya sa kanyang ihaw ihaw.   "Nabalitaan namin yung ambush sa inyo! Nakaligtas ka raw. Kaya naisipan kong linisan lagi ang mansyon niyo pero siguro may alikabok parin! Alam mo na.. nagkakasakit rin kasi ako-"

Nilahadan ko siya agad nang limang libo para sa pag aalaga niya nang aming mansyon.

"Maraming salamat tita Bet. Sayo na yan, pampagamot niyo po."

Tinanggap niya iyon. Parang maiiyak pa siya.

"Hulog ka talaga ng langit Bloom! Hindi ko talaga ito inaasahan! Ang bata mopa noon pero ang laki na nang pinagbago mo ngayon. Dalagang dalaga kana talag! Ang sexy mo!"

"Binobola mo ba ako tita?"

"Hindi no! Ay teka, lulutuan kita ng ihaw ihaw para may ulam ka mamayang gabi."

"Sige tita Bet."

Si Tita Bet ang pamilyar sa akin sa masukal na lugar na ito. Ang mansyon lang namin ang tanging malaki rito at ang iilang bahay ay payak na lamang. Binili to ni papa noon dahil sa masyadong liblib pumasok dito noon. Ngayon naman, sementado na ito at may iilang pagbabago na rin.


Nang makapasok ako sa mansyon ay may iilang alikabok na gamit akong nakita. Nandiyan pa ang tv namin na luma na. Nakacover ang aming sala set. Nagmukhang haunted mansion ito pero hindi para sa akin. Dito na yung mansion na medyo tumagal ang pananatili namin noon.



Hanggang tatlong palapag ang mansion. Nakita ko pang, sira na ang iilang baitang nang hagdanan. Papaayos ko ito bukas rin mismo.


Nilagak ko ang mga dala ko sa dati kong kwarto. Napangiti ako dahil ganito pa rin. Walang nagbago. Nandoon ang luma kong teddy bear, sapatos, at marami pang iba.



Naalala ko si mama. Ni hindi ko alam kung saan siya nilibing ni papa nang mamatay siya. Don Cleo ruined our family. Kahit na ang rason niya ay gusto niyang ayusin ang buhay ko..pero hindi. Sinira niya.




Nandito pa rin lahat ng gamit. Hindi rin nasira. Kaya nang makaligo ako ay bumaba ako para makasaing. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos nang may kumatok na sa pintuan.

Ang katok ay umecho sa buong paligid ng mansion. I am alone and it's a bit creepy. Naka bukas na ang ilaw sa labas at nalimutan kong ilock ang main gate.

"Tita Bet. Salamat!" pasasalamat ko kay tita Bet nang abutan niya ako ng ihaw ihaw niyang isaw at baboy.


"Masarap yan. Tsaka nakakamis ka ring bata ka. Bukas aayusin ko ang ibang gamit dito. "

Tumango ako at ngumiti. "Pasok ho kayo!"

"Naku, wag na. Magsasara narin naman ang tindahan. Gabi na kasi."

Umalis rin si tita Bet at hindi nagtagal. Marami ang isaw at baboy na ihaw ihaw ang binigay niya sakin. Saktong naluto na rin ang sinaing ko kaya kumain na ako.



Sobrang tahimik nang mansyon. Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan ng makarinig ako ng kaluskos sa labas ng pintuan.

Kinabahan ako. Masyado nang madilim sa labas at gabi na. Wala naman akong inaasahang tao lalo na at kung si Tita Bet yan e tatawagin na ako niyan.

I grabbed papa's baseball bat sa gilid nang pintuan at dumapa sa sahig para makita ang sapatos nang kung sino man ang nasa labas.

Nanlaki ang mga ko dahil isang sapatos nang lalaki!

Tumayo ako at todo na ang kalabog ng puso ko. Baka isa sa mga kaaway ni Don Cleo?! Sinundan ako?

Kumaluskos ulit sa labas ng pintuan kaya mabilis ko na hinampas sa lalaking nasa labas!!


"Ahhhhhhh!!!" sabay hampas ko ulit at doon ko na narinig ang daing niya.

"God Dammit!!!" sapo sapo ni Diego ang ulo at sikmura nang dumilat ako.

Nabitawan ko ang baseball bat at parang tinakasan ng dugo sa buong katawan.

Why the fuck he's here?!

"Ohh.. Baby...ang sakit. Shit!" daing niya ulit sapo ang kanyang ulo na may dugo.






Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now