Chapter 6

18.3K 823 51
                                    

Chapter 6
Warned

Maraming nagbago. Sumunod ako sa mga gusto ni Don Cleo. Ang mga nangyari sa amin ni Diego ay naging sekreto. Hindi narin iyon nasundan pa. Kasi pakiramdam ko, sa ganitong sitwasyon ay wala kaming maililihim.

Brutal ang ama ko. He killed some foreign drug dealers. Tuwing gabi na nagigising ako at nauuhaw ay nakikita ko silang umuuwi na may sugat. Bihira ko makita si Diego na may sugat.

Kung kami lang dalawa, ay nagiging mainit kami sa isa't isa. I tried to ignore it, alright? I tried to act cool and it's like nothing for me but i know my insides were melting.

I also become more careful with my actions and reactions. We've been invited on some occasions. And it is inevitable that we will meet someone.

Dan Geigo Maxima, as the third Mafia Leader will inevitably attract the attention of women.

Matik na iyon. Siya iyong tipo na luluhuran at papaligayahin ng mga babae para lang makapiling sa isang gabi.

I also admit, that even me like him too. Who wouldn’t be obsessed with a Dan Geigo?

Pero hindi ibig sabihin ay magiging alipin ako ninuman. Sa lumipas na isang linggo ay palihim rin akong napapadalhan ng sulat ni papa. Gustong gusto ko na siyang makausap. May mga gusto akong malaman. Kung totoo ba ang lahat na sinasabi sa akin ni Don Cleo? O baka isa ako sa kanilang ginagawang pain?

Ngayon ay mas nagiging maingat ako. Wala akong pinapaniwalaan. Alam ko rin na hindi ako sasaktan ni papa.

"Bye Felix! Thanks for the food." sabi ko nang matapos kami sa aming lunch. The same place.

Nanunuri ang kanyang mga tingin sa akin. "Saan ka na naman pupunta?"

Natigil ako sa kanyang tanong.

Hindi ako nagpahalata na nagulat ako. Isang mafia nga rin pala 'to kaya lahat nalang napapakiramdaman.

I smirked. "Don't you dare tell about it to Don Cleo."

"Why would I? Hindi kami close."

Alright. I pouted. Sa lumipas na linggo mas naging mabuti kami ni Felix. He's been caring and thoughtful. Despite of his cold personality, ay nagiging malambot siya sa akin. Hindi rin ako sanay na hindi kami magkasama araw araw.

He's a good friend. Ang nag iisang masasabihan ko ng aking mga problema.

Kikitain ko si papa noong araw na iyon. Hindi na ako nahatid ni Felix sa gate dahil may tumawag sa kanya sa faculty. Kinakabahan ako sa mga gagawin ko...I know, na lihim akong pinapasundan ni Don Cleo.

Habang nasa alley ay nagdalawang isip ako. Pinamatyagan ko ng mabuti ang paligid. Hindi nga ako nagkamali. I pretend to fix my bag at kunwari bumalik sa loob. I ran as fast as I could.

Mayroong back gate ang paaralan namin at doon ako lumabas. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag at dinial ang sauladong numero ni papa.

"Papa," I was catching some air. "Nasa back gate ako." sabi ko agad ng sagutin niya ang aking tawag.

"Alright hija.Patungo na ako."

Kinagat ko ang labi at sinilid ang cellphone sa aking bag. When I was about to look who's coming ay nanlaki ang mga mata ko.

"D-Diego?" he hurriedly scoop me from where I was standing at sunod sunod na putok ng baril ang aking narinig. Napatili ako at napatingin sa aking pinanggalingan!

Kung hindi ako binuhat ni Diego ay malamang...malamang duguan na ako..o patay na!

I shivered.

"Fuck!" napamura si Diego at mabilis akong sinilid sa kanyang kotse at pumasok narin. Doon ko na nakita na sugatan siya!

"Y-You're bleeding!" I stammered. Shit. Napaface palm ako. Parang katulad lang rin noon. Noong maraming naghahabol sa amin at sa tuwing natatamaan ng baril si papa!

Hindi sumagot si Diego. Ang kanyang sasakyan ay mabilis na humarurot paaalis doon at hindi na nasundan ang putok.

Nanginginig ako sa bigla at takot.  Ang puting polo niya ay napuno na nang dugo.

Napalunok ako. I'm afraid to touch him. Maski siya ay hindi rin nagsasalita.

"W-What h-happened?" gumaralgal ang boses ko.

"Ask yourself Bloom. I told you before not to talk sa kinikilala mong ama. Shit!" sinapo ulit nito ang sugat.

Napalunok ako. Sino ang bumaril sakin? Si papa?

Nang makarating sa mansyon ay naunang lumabas is Diego. May mga gustong lumapit sa kanya dahil sa nakitang sugat pero binalaan niya ito.

Mabilis akong sumunod sa kanya. Nang makapasok ako ay sumalubong sa akin ang iilang tauhan ni Don Cleo. Umiwas ang mga ito.

Kinabahan ako. Bumaba si Don Cleo mula sa hagdan at may kung anong sinabi sa kanya si Diego pero hindi niya pinansin at dumiretso sa akin.

Wala kong ka malay malay na isang malakas na sampal ang sasalubong sa akin.

"You traitor!!" Don Cleo thundered.

Napamura si Diego at agad siyang pumwesto sa harapan ko, pinoprotektahan ako. Namalisbis ang aking luha sa sakit ng aking pisngi.

"You!!" tinuro nito si Diego, si Diego na kasing lamig ng gabi ang binigay na tingin kay Don Cleo. "Wag na wag mong ipagtanggol ang traidor na ito! Kailangan niyang maturuan ng leksyon! Kung hindi ka dumating e'di sana ay siya ang nabaril ng tauhan ko!"

My eyes widened! What?! What?!

"I-Ikaw ang nagpabaril sakin?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Lalong gumuho ang buhay ko. Pakiramdam ko, wala akong makakapagtiwalaan. Pakiramdam ko ,hindi ako safe kahit saan!

Kahit dito! Kahit dito sa mga taong nagsasabing pamilya nila ako!

"Yes! You deserved it! Lahat ng traidor ay dapat pahirapan! Kahit anak ko pa!"

"You crazy! You know what? Kahit ano pa sigurong suyo niyo sa akin para makuha ang loob ko...kakamuhian ko parin kayo!"

"What?!" napapikit ako ulit dahil sa pag angat ng kanyang palad para ako'y sampalin ng pumagitna si Diego at lumagapak ang palad ni Don Cleo sa kanyang mukha.

Umawang ang labi ko. Kahit si Don Cleo ay namutla sa nagawa. Umatras ito at umiwas.

Sa kabilang palad naman ,si Diego ay tumingin lang sa akin sa malamlam na paraan.

"Are you okay?" tanong nito. Umiling ako at tinitigan ang pisngi niya na pulang pula at ang kanyang sugat.

Bakit ako pa ang tatanungin niya niyan?

"Isang kamalian pa Mystique. Isang mali pa at hindi ko na papalagpasin!" Don Cleo warned bago ito umalis sa aming harapan. Sumunod sa kanya ang kanyang mga tauhan.


Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now