Chapter 16

13.1K 699 63
                                    

Chapter 16
Name

“Senyora Bloom!” kumalampag ang pintuan ng CR dahil kay Addelyn.

Nataranta ako bigla dahil mabubuksan na niya iyon!

"D-Dad!"

"Shit! Napamura si daddy at pumasok sa isa sa cubicle na nandoon.

Napapikit ako at napapunas ng pawis. Nabuksan ng tuluyan ni Addelyn at pintuan at ginala niya ang tingin sa loob. Halos malagutan ako ng hininga.

"A-Addelyn bakit?"

Hinila niya ako palabas. Ramdam ko ang tensyon!

"May nagpaputok kanina sa mesa natin!"

"What?!"

"Hinahabol ng tatlong guwardiya ngayon..umuwi nalang tayo Senyora."

"Fuck.." I nodded without hesitation. Kahit may bodyguard o wala, may banta talaga sa buhay ko?

Pagkauwi sa mansyon ay nagkulong ako sa kwarto. Gulong gulo ang aking isipan. Parang gusto ko nalang baguhin ang kapalaran ko at mamuhay ng payapa at walang gulo!

Hindi parin nakakauwi si Don Cleo. Balik sa normal ang lahat dahil hindi na ako lumabas. Patuloy ang pag tuturo samin ni Felix sa English. Every lesson, is getting worst.

"You're wrong again! I thought you already study about it?" nakapamaywang si Felix kay Addelyn. Napapalunok naman ang pangalawa at parang maiiyak.

"Opo...kaso may trabaho ako dito-"

"Oh really? That's why your phone is busy?-Oh fuck...it! We're done today.." aniya at nagwalk out.

And I am here...dumbfounded! Handang handa na ako para pigilan si Felix sa paggalit niya kay Addelyn, tapos biglang ganon?

Nakatayo ako at nagkatitigan kami ni Addelyn...

"What the hell...." I aftershock.

Umiling si Addelyn. "Senyora...may lilinisin pa ako. Paumanhin po.."

Ramdam kong ayaw niyang tanungin ko siya! Nagmamadali itong kunin ang mga notebook at lumabas ng library.

I sigh and fix my things. Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nun si Diego! Ang last ko na usap sa kanya ay ang pagpunta niyang Batangas. Hindi na kami nakapag usap nun dahil sa sunod sunod nila na Misyon.

He's wearing a white t shirt and a black pants. Maskuladong maskulado siya sa suot niya. Nga lang, may dala siyang bulaklak na may choccolate sa gitna.

"You like it?" ngumisi siya sakin. Kinuha ko ang bulaklak at inamoy ito. Ang bango!


"Yep. Where have you been by the way?" I asked as he closed the door of the library. Napapitlag ako ng hawakan niya ako sa baywang at nilapag sa mesa!

His muscles flexed! Napalunok ako ng makita iyon. He's so damn hot! Naalala ko tuloy ang mga nangyari samin na medyo hindi na nasundan pa.

"Just mission." I saw some bruised on his arms and lips.

Hinimas ko iyon. "You should rest then? Mukhang wala kapang tulog.."

He frowned mas nilapit pa niya ang mukha sa akin.

"Later. Nakaabot sakin ang mga nangyari. Hindi kana dapat lumabas labas pa na hindi ako ang kasama mo.”



Huminga ako ng malalim. Naisip ko ulit ang aking kalayaan kaya natahimik ako saglit.

Hinawakan ko ang leeg niya. Nakayukod siya para maabot ang aking lebel.

"Nalulungkot ako dahil nawalan ako ng kalayaan ngayon Diego. Hindi na tulad ng dati na, oo nalalagay kami noon sa delikadong sitwasyon pero hindi iyon ganito ka lala. Pero handa ko itong lahat tiisin para sayo. Alam kong napakadali lang lahat pero ito na iyon e. Nararamdaman ko ito sayo.."

Lumalam ang titig ni Diego sakin at hinaplos ang aking pisngi. Napapikit ako at kumalabog bigla ang pintuan kaya ako'y napaigtad.

Si Addelyn!

Nanlaki ang mata nito at napatingin kay Diego. Naitulak ko si Diego dahil syempre!! Napakaeskandaluso ng aming posisyon!

"Ah..Addelyn..bakit?"

Napalunok ito at umiling,nanatili ang tingin kay Diego. Si Diego ay umiwas. Umiling si Addelyn at tumakbo palayo.

What? What was that?

"Addelyn!"

"Hayaan mo siya.." naging seryoso ang boses ni Diego. Kumalabog ang dibdib ko.


Nang magagabi ay pinili kong manatili sa kuwarto at tingnan ang litrato ng tunay kong ina. Napakahiwaga.

Kaginhawaan ang nararamdaman ko sa tuwing hawak ko ang larawan na ito. Palaga'y ko..may bagay ako na dapat tuklasin. Palaga'y ko..may nawawalang parte sa akin.




Nang gumabi ay pinatawag na ako para sa hapunan. Nakahilata ako sa kama at gumagawa ng facebook account. Hindi ko na dinalaw ang luma kong facebook.

Hindi Addelyn ang tumawag sakin,kundi ibang katulong. Why? Bakit iba ang pakiramdam ko? She's a friend but...damn! Di ko siya dapat pagkatiwalaan!

Marami ang ulam sa aking harapan pero ako lang ang kakain? Seryoso? Where's Diego? Nang titigan ko ang mga nakahilerang mga katulong ay wala doon si Addelyn!

Kumalabog ang puso ko.

"Ya..nasaan si Addelyn?" tanong ko sa unang nakahilerang katulong.

"Nasa kuwarto niya po. Gusto niya raw matulog ng maaga."

Tumango ako. Okay.

So where's Diego?

Kumain ako ng dahan dahan. Pinapatahan ko ang aking dibdib sa walang pakundangang pagkabog. I am expecting Diego presence but nothing...hindi siya kumain.

Nang matapos ay dahan dahan kong tinungo ang aking kuwarto. Ang ikalawang palapag na ito ay maraming kuwarto. Mayroon pa akong kuwartong hindi pa nabubuksan. Mahiwaga parin sakin ang nilalaman ng mga kuwartong ito.

I am wearing a white sheer sleeveless sleepwear. Nakalugay ang aking buhok at isang pangbahay na tsinelas na maraming balahibo.

Bumaba ako ulit para sa isang desisyon. Alam ko ang kuwarto ni Addelyn at iyon ang balak kong puntahan.

Mabilis maglinis ang mga katulong dahil patapos na sila at patay na ang iilang ilaw. Ang pasilyo na tinatahak ko ay madilim. Tumigil ako sa kulay cream na pintuan at binuksan iyon.

Wala sa dito si Addelyn. Fuck!!

Bumalik ako sa ibabaw para buksan ang kuwarto ni Diego pero wala rin siya? Hindi ba siya aware na baka hanapin ko siya? God!

Napaparanoid na ako! Pero hindi ako titigil!

Bumaba ulit ako at hingal na hingal. Sa likod ako dumaan patungo sa likod na bahagi nang mansyon kung saan ang daan papunta sa piitan ,mga puno at fountain.

Mabagsik ang hangin na bumungad sakin. Niyakap ko ang sarili at hinanap ang aking pakay.


Isang eksena agad ang bumungad sakin. I hide in a large tree para hindi ako makita!

Si Diego! Nanlaki ang aking mata. Si Diego at Addelyn?!

What the hell! Lumipat ako sa isang puno para mas marinig sila!

"Sinabihan na kita Lyn! Ilang beses na pero hindi ka nakikinig sakin! Hanggang kailan pa kita ipagtatanggol? Pagsasabihan?" The way Diego pronounce her name tila ay matagal na niya iyong binibigkas.

Hindi ko na nasundan ang iba pa dahil napatakip na ako ng labi. Gusto kong umiyak at barilin silang dalawa!

Nang balikan ko sila ng tingin ay niyakap ni Addelyn si Diego.




Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now