Chapter 25

12.5K 779 106
                                    

Unfair






Pagka gising ko kinaumagahan ay papadaong na ang yacht sa Batangas.

Lumabas ako ng kuwarto at nakitang nakaantabay na sila ni Felix sa pagdaong ng Yacht sa pantalan.

Hinihipan ng malakas na hangin ang aking buhok. Nang maramdaman ni Felix ang presensya ko ay nilingon niya ako.

"You should sleep more." Utos niya.

Umiling ako at tumitig sa Pantalan na malapit na.

"Malapit na tayo kaya hindi na ako matutulog. Saan tayo mamaya?"

He crawled his hand on my waist.

"Uuwi kana sa daddy mo. He called me earlier today. Alam niyang magkasama tayo."

Natigilan ako. Wala akong maramdaman na kahit ano. Walang takot o kaba. Hindi ako ang taong nagsinungaling kundi sila kaya bakit ako matatakot at kakabahan?

Tapos na ako sa ganoong pakiramdam. Kapag nakakaramdam ka ng takot ay madali kang matatalo. Ayoko maging talunan.

"Okay." simpleng sagot ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Nililipad rin ng hangin ang kanyang buhok. Ngumisi ako. Ang guwapo niya.

"Why you are smiling? Hindi ka nababahala?"

"Bakit naman ako mababahala? Kay Don? No way. Kung ako sa kanya itakwil niya na lang ako para sa ganon ay mamumuhay na lang ako ng tahimik."

Speaking of Don.

"Where's your mom and dad by the way?" I asked him. It's been a long looong time since I saw his parents. Tingin ko bata pa ako noon.

Umiwas siya at mas lalong nangunot ang noo.

"They were ambush."

Nangilabot ako nang marinig iyon. Nagkumahog ako kung ano ba ang puwede kong sabihin upang mapagaan ang kanyang loob.

"Namatay silang dalawa. Ako lang nakaligtas. Marco was furious that time.."

"Nasaan na ang mga kriminal?"

"I killed them." he drawled slowly. Hindi siya tumingin sakin kundi sa madilim na dagat. Tila ba doon tinutuon ang kanyang galit. His arms corded,kaya hinawakan ko iyon at hinimas para kumalma siya.


"Calm down." sabi ko  habang nakatingala sa kanya. "Everythings happened for a reason."

Tila tinanggap niya naman ang sinabi ko at kumalma siya. Umawang ang labi niya at kinabig ako upang yakapin.

Hindi pa rin ako makapaniwala.


Nakadaong na kami sa pantalan sa Batangas pero hindi ko parin maipinta ang mukha ni Felix. Basta parents niya ang pinag uusapan nag iiba agad ang timpla niya. Hindi niya ito nasabi sa akin. Minsan ko na nakasalamuha ang parents niya noon!



May nakaabang nang itim na sasakyan at sumakay na kami doong dalawa.

"Tayong dalawa lang?" I asked him. Napansin ko kasi na hindi sumama ang mga tauhan niya.

"I can protect you without my men, Bloom."

I nodded. Syempre naman alam ko iyon.

"Hanggang kailan kaya Felix?"

Nasa daan na nakatuon ang kanyang tingin. Puro burol na ang nakikita ko sa gilid ng daan at sa kabila naman ay dagat.

"As long as you are with me."

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now