Chapter 29

13.5K 809 87
                                    

Chapter 29
Kulit

Damn it! Bakit nandito si Diego?!

"What are you doing here?!" Sikmat ko sa kanya. Wait. Bukod sa sugat niya sa noo ay may iba pa siyang galos?

May mga pasa siya sa labi at putok rin iyon. Napakurap kurap ako.

Ayos na siyang nakatayo sa harapan ko at lulugo lugong pumasok. Napasabunot na ako sa buhok ko na matantong lasing siya!

Hinabol ko siya ng sumalampak siya sa sofa kong may covered pa na puting tela.

"Hey! You are not welcome here! Hindi kita pinapasok dito." namaywang ako sa harapan niya. He looked wasted. Saan ba galing ang isang ito?

"At bakit ka ba ganyan?!" tanong ko ulit. He just closed his eyes. Sa pag pikit niyang iyon ay natahimik ako ng makita ko ang sakit na emosyong nananalaytay sa kanya.

"I did everything.. Bloom. I protect everyone who's important to me. I did everything but why?" he muttered huskily.

Huminga ako ng malalim. Bakit ba ganito? Bakit kahit anong layo ko, tinatapon naman sakin ng pagkakataon itong si Diego.

Kinuha ko ang dala kong emergency kit sa kwarto at bumaba ng hagdan. Tila minamalas talaga ako dahil hindi ko nakita ang sirang baitang nito kaya natapilok ako at nahulog!

"Fuck!" Napadaing ako nang ako'y kumalabog na parang punit na saging sa baba ng hagdan!

"Ang sakit ng tuhod ko...." ang sakit talaga. Tumama sa kasunod na baitang ng hagdan! Mukhang mababali yung boto ko.

Hindi nagtagal ay may nalanghap ako na amoy alak at may bumuhat sa akin. Seryoso si Diego nang binuhat ako at nilapag sa sofa. Lulugo lugo pa rin sya! Parang napamulat lang siya nang mahulog ako sa hagdan!

Mamasa masa naman ang gilid ng mata ko dahil sa sakit ng aking tuhod.

He squatted on my front habang nakaupo ako sa sofa. Hinimas niya ang tuhod ko na namumula.

"Stay..still. Gagamutin ko."

Kinagat ko ang labi ko. Kahit sobrang lasing niya ay nakuha niyang ganituhin ako. Parang pinipilit niya ang katawan niya. Hindi nga ako nagkamali dahil pumunta siya doon sa sink ng kusina at nagsuka.

Pumikit ako ng mariin at napadaing sa sakit ng tuhod ko.

Oh my goodness Bloom! Ano bang katangahan to?

Dapat gagamutin mo siya at pauuwiin na e!

Pagbalik niya ay mukhang naghilamos na siya at kinuha ang mga nagkalat na kit sa sahig. He's not fine. Lasing pa rin siya.

"Hindi mo ito kailangang gawin. Let me cure you and you can leave."

Nagkatitigan kami habang naka squat siya sa harapan ko.

"Hindi porke lasing ako papabayaan na kita."

I scoffed. Wow.

"Pinabayaan mo na ako Diego. Nalimutan mo na ba? Bakit ba kasi nandito ka? You supposed to be with my twin. Mamamatay na iyon kaya kailangan ka niya."

Kumunot lang lalo ang noo niya habang naglalagay ng betadine sa sugat ko.

"Tsaka, dapat alcohol!" saway ko sa kanya.

"Alcohol will irritate your scar. Betadine dapat ang sa sugat Bloom."

"Aw. Dapat palang lagyan ang puso ko ng betadine."

Huminga siya ng malalim. Hindi pinansin ang pag aasal bata ko.

"After this.. you can leave. Gagamutin rin kita para kwits tayo." nakita kong dumudugo talaga ang noo niya. Naguilty ako.

"I'm fine.. I just really want to talk to you."

Tapos na ang pag gamot niya sa sugat ko at umupo na siya sa aking tabi.

"Who did this to you?" tungkol sa mga pasa niya ang tinutukoy ko.

"Just...Underground battle."

"Huh?"

"Mafia thing.."

Okay. Kung gusto niyang saktan ang sarili niya tapos magpakalasing.. wala na ako doon. Malamig ko siyang tinitigan.

"Then, why are you here?" ang daming bakit na gusto kong itanong. "Bakit ganon? Bakit mo'ko pinapasuot ng katulad kay Melissa? Bakit moko pinapabago para maging siya ako?"

Nangunot ang noo niya. Tila ba hindi niya maintindihan ang sinabi ko.

"What? What do you mean?"

"The shoes! The t shirts! The jeans! Those are not my era! Not my things!"

"That's not it Bloom." mahinahon ang boses niya. Umiling naman ako. "Gusto kong ganun ang suotin mo dahil ayokonh nakabalandra lagi ang katawan mo."

"Mambobola kapa! Lasing ka na nga, nambobola ka pa! You know what? Umalis ka na. Doon ka na sa kambal ko dahil ayoko nang maranasan pa ulit ang sakit na naramdaman ko noon!"

He closed his eyes and stood up. Natahimik ako nung ginawa niya iyon. Hindi ko alam na agad agad..aalis siya. Damn! Ano ba talaga itong nararamdaman ko?


"Space Bloom.." yumukod siya para himasin ang baba ko. "Hindi tayo maghihiwalay. Kung ayaw mong pakinggan ang side ko.. I will give you space. Hindi ibig sabihin na wala ako sa tabi mo.. puwede ka na sa ibang lalaki..No.. Bloom."


I do not know but I think.. That night I slept so well. Yung tulog na puro magagandang panaginip pero pag gising ko.. wala naman akong maalala.

Nasa kondisyon ang katawan ko. Hindi ko na rin inisip pa ang kagabi. Ni hindi ko na gamot ang sugat niya, bumaliktad pa, ako sana yung gagamot pero ako ang ginamot niya. Nice.


I took a bath. Doon palang narealize ko na kailangan ko na talagang mag grocery, lalo na nang pagkain.



Pagkababa ko sa hagdan.. nakita ko na naman ang sira na baitang. Naiwasan ko iyon at napag desisyunang tapos kong kumain ay papaayos ko ito. Pero ganon ba talaga kasarap ang tulog ko dahil lampas alas nuebe na ako nagising?

Pagkababa ay nagtaka ako kung bakit may naririnig akong ingay ng mantika at may naaamoy akong masarap na pagkain.

"What? Nanakawan ba ako?" bulong ko sa sarili tsaka tumakbo patungong kusina at nakita ang hindi ko na naman inaasahan!

Teka.. kala ko..bibigyan niya akong space?!

Napahilamos ako ng mukha. Buset.

"What the fuck are you doing here Dan Geigo Maxima?!"

Hindi siya nag react. Nilingon niya lang ako at doon ko na napansin ang napakaraming box, at plastic na pinamili niya.


"A-Ano ito?" nilapitan ko iyon at nakitang mga fresh milk, eggs, at bread. Tsaka yung ibang boxes ay mga napkin at sabon ko? The heck.

Ang niluluto niya ay beef steak at nag steam siya ng gulay.

"Hindi mo na lock ang pintuan mo Bloom. Do not do it again." sabi niya, binabalewala ang pag mamangha ko.

"Wala akong pakealam sa lock na iyan." napapikit ako. Ang kulit niya! "Sabi ko wala na tayo diba? Sabi mo bibigyan mo akong space? Tapos nandito ka na naman?"

"I already gave you space.. Uh.. seven hours already.And that's enough. "Dito na rin ako titira.." aniya na mas nagpahina sakin.

"I.. gave up my position, and my work. I chose to be here with you. Wala man akong trabaho ngayon may ipon naman ako." aniya ulit na nagpasakit ng ulo ko.




Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now