Chapter 32

15.2K 870 160
                                    


Chapter 32
Sabog


Everything went so fast. Kung gaano kabilis ang pangyayari ay siya rin ang bilis ng aking kaba.

Diego answered some phone calls. Nakaupo naman ako sa sofa at dinadamdam ang sakit ng aking ulo.

Isa raw itong hideout nilang magkakaibigan at lihim ito bukod sa kanilang tatlo. Kumpleto ang lugar na ito at maganda. Mayroong swimming pool sa labas na makikita ang ibabang view.

Agad na nandito sina Marco at Diego. Pinag uusapan nila ang pag tatraidor ni Don Cleo sa Organisasyon.

"Hindi ito nagustuhan ni papa," aniya ni Leon Monasterio.

Tumingin ako sa kanila at bumuntong hininga. I feel dizzy and hungry. Kahit ilang cake na ang nakain ko parang may gusto pa rin akong kainin.

"Alin doon?" si Marco. Si Diego naman ay lumapit na sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Ang pagpaslang ni Cleo sa ama ni Diego."

"Ano pa ang gusto mo?" tanong sakin ni Diego. Nasa amin na agad ang tingin ng dalawa.

I cleard my throat. "Ayoko nitong strawberry. May cake pa ba?"

"Meron naman. Wait." si Marco at agad tumawag ng katiwala nila.

Ngumisi naman si Diego sa akin. "Gutom talaga ang baby ko. Ano pa ang gusto mong kainin?"

"Ikaw," sagot ko na ikinasipol ni Leon. Sisipol sipol lang ito pero hindi nakatingin sa amin.

Humalakhak si Diego at hinalikan ako sa labi. Natahimik rin siya dahil alam niyang sinusubukan ko lang gawing masaya kahit na nasa ganitong sitwasyon.

Parang may sariling mundo kaming dalawa kahit na nilapag na ni Marco ang cake sa harapan namin. I am glad that his friends care for me. They are so great. Hindi nagkamali si Diego na pinili niyang maging kaibigan ang dalawang ito.

Marami akong iniisip. Ito.. yung sitwasyon na kung saan kami ngayon. Si Don Cleo ba ay may alam? Kung mayroon man bakit niya hinayaan nalang na balak akong patayin ng kambal ko.


Pinatulog ako ni Diego habang nag uusap sila ni Marco at Leon. Hindi ko masabayan ang usapan nila lalo na ang iba ay hindi ko naman alam.

Palubog na ang araw nang magising ako at biglang nasuka. Nasapo ko ang labi at tumakbo sa banyo para doon masuka. Lahat nang kinain ko ay naisuka ko. Pakiramdam ko ay nagkasugat ang aking lalamunan sa sobrang pagsusuka.

Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at   ako ay pawisan. Parang nawalan ako ng lakas ng bumalik ako sa kuwarto at may kumatok sa pintuan.

Lumapit ako doon upang buksan at bumungad sakin ang tauhan nila Diego at Marco.

"Madam. Kailangan na nating umalis. We're ambush!"

"W-What-"

Hindi pa natapos ang aking reaksyon nang may magpaulan sa amin ng putok.

Hinila ako ni Tres padapa para hindi matamaan.

"W-Where's Diego?"

Sobra ang kaba ko at nahihilo.

"Madam, wala nang oras!"

"Don't shout at me! Nasan si Diego?!"

Pinagpawisan si Tres at napapikit. "Madam..ung kapatid niya binaril ni Don Cleo. Hostage nila ngayon si D-Diego- Madam!"

Bigla akong nahilo at napahawak sa braso ni Tres.

"No..." gusto kong umiyak ngunit gusto ko ring manakit. Sinapo ko ang aking tiyan ng kumirot iyon.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now