Chapter 7

17.6K 910 70
                                    

Chapter 7
Underground



I could not sleep that night. How can I sleep if I am not safe in the place where I am? Even my father I can not trust.

Tahimik na dumaloy ang aking luha sa madilim na silid. I miss papa and mama. Namiss ko 'yung dati na kahit nasa panganib ang buhay namin pero mapagkakatiwalaan ko sila. Hindi 'yung ganitong ama ko nga pero kayang kaya akong patayin ng walang pag iisip kung gugustuhin niya.

Sumagi rin sa aking isipan ang mga nangyari sa amin ni Diego. Napapikit ako ng mariin. I just gave in. Binigay ko sa lalaking hindi para sa akin ang aking iniingatan.

My life is very complicated.

Kinabukasan pag gising ko ay may pagkain na nakahain sa mesa. Nangunot ang aking noo. Bakit may breakfast ako dito sa kwarto? Ayaw na ayaw ni Don Cleo na hindi kami sabay sabay na kumain.

Bumangon ako at binuksan ang pintuan pero hindi iyon mabuksan!

"Buksan niyo 'to!" kinalampag ko ng husto ito pero walang sumasagot sakin!

"Buksan niyo 'to!!" Sigaw ko ulit. Kinakabahan ako ng husto. Bakit ako dito nilock at bakit ayaw akong palabasin?

Nagpabalik balik ako ng lakad. Wala rin dito ang cellphone ko! Malakas ang loob ko na kagagawan ito ni Don Cleo!

Sinilip ko ang bintana at nakitang hindi ko kayang talunin ito. Mukhang nilock ito mula sa labas at hindi ko rin mabuksan!

"Fuck!" halos sabunutan ko ang sarili. Nagulat ako ng bumukas bigla ang pintuan at pumasok ang isang tauhan ni Don Cleo.

Nakasimangot ito na tumingin sakin at ngumiti kalaunan.

"Senyora Mystique magbihis na raw kayo at ipapasok ka sa under ground." ngumisi ito tsaka umalis.

"Teka lang!" pigil ko dito.

"Yes?" Tumaas ang dalawang kilay niya. Naka all black siya.

"Bakit nakalock ako dito? N-Nasan si Diego?"

Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "Bawal kang lapitan kahit nino. Goodness! Napapahamak si Diego dahil sayo. Hindi mo yata alam ang mundong pinasukan mo. Batas ang bawat salita ni Don Cleo but you betrayed him. Goodluck sayo mamay. Oras na makapasok ka sa underground, walang makapangyarihan, walang anak ni Don Cleo, lahat kayang kaya nilang gawin sayo." Inirapan ako nito bago siya tumalikod at umalis.

Halos gumuho ang mundo ko sa mga narinig. Nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Nakita kong may apat na tauhan na nagbabantay sa labas ng kwarto ko kaya hindi rin ako makatakbo.

Lutang akong naligo at nagbihis. Dahil sa takot ko ay nagsuot ako ng pantalon at jacket.

Ibig sabihin...pinapasok ako ni Don Cleo sa underground para parusahan? Hindi niya ba naisip na pwede ako doong mamatay? Wala siyang puso!

Nang lumapit ako sa pintuan ay agad akong pinalibutan at ginaya ng mga tauhan. Napapalunok ako bawat apak ko sa sahig. Pakiramdam ko katapusan ko na. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan. Hindi ko alam kung ano ang laman ng underground na iyon!

Pumasok kami sa pintuan na tila sinunang panahon pa. Pagbukas nila ay tumambad sakin ang hagdan pababa at ang dulo nun ay sobrang dilim na.

"Pasok na!" tinulak ako nung isa na ikinabigla ko.

"Teka!"

"Sabing pasok na!" tuluyan akong nahulog at tumama ang aking pisngi sa hagdan dahilan na maramdaman ko ang pamamaga at sakit nito.

Nanginginig akong kinapa iyon at napakislot sa sakit. Dumaloy ang aking luha. Sinubukan kong tumayo at narinig ang tawa ng mga tauhan ni Don Cleo at pagbagsak ng pintuan na pinagmulan ko kanina at muling naging madilim ang paligid.

May mga daga at ipis akong nakita dahilan na tumayo ako ng tuluyan dahil sa takot. Pinatatag ko ang sarili at sinundan ang munting liwanag na nasa dulo. Hindi ko mawari kung anong klaseng baho ang aking naamoy.

May narinig akong ingay ng makalapit na ako sa liwanag. Mga ingay ng nag uusap at mga ungol.

Nang tuluyan ko nang narating ay nakita ko ang malawak na underground. May mga selda sa gilid,marami ang mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Maraming nakakulong sa mga seldang iyon! Halos hindi na sila magkasya doon! Sila ba'tong mga nahuli nila Diego? Mga drug dealer ? At kung ano ano pang ginawang krimen sa bansa? May nakita rin akong mga banyaga! Sa dulo ay nakita kong nagtetraining na mga nakakulong rin dito!

Halos manlambot ako ng halos lahat sila ay napatingin sa akin.

"Woah! May bagong hinain sa'tin ang hangal na si Cleo?!" ngumisi ang lalaking maraming sugat at tila nagmamarijuana. "Kita mo nga naman sa dami daming underground na kulungan dito kapa sa amin nilagay? Gusto mo bang mamatay?!"

Napakislot ako sa kanyang sigaw. What? Hindi lang ito ang underground dito? Marami pa?!

"A-Anak ako ni Don Cleo." pilit kong tinapangan ang aking boses. Lumabas ang iilang nasa ring na nagtetraining at lumapit sa akin.

May nakita akong mga babae na lumapit sa akin. Punit punit ang kanilang damit pero matatapang ang mga tingin.

"Anak niya pero pinatapon ka dito?" tumawa siya ng malakas at sinabayan rin ng iba.

Palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Ako si Mystique," I declared. I hid the fear in me.

Napawi ang kanilang tawa pero may ngisi sa labi. Nilapitan ako ng tatlong lalaki. Kanila akong inenspeksyon at napapikit ako ng hawakan ng lalaki ang aking buhok. Inamoy niya iyon.

"Hmmm,bata pa. Sariwa pa at may sarsa!" malutong silang tumawa ulit at nag apiran!

"Dito!! Kami ang batas!!" sigaw nito.

Unti unti akong umatras.

"Dito! Kapag ikaw ay tinapon na! Walang anak anak! Walang kapangyarihan! Lahat tayo ay patas!"

"Woah!! Ang kinis!! Baka naman!"

"Yariin na yan Guara!"

Nanginig ako sa kanilang malademonyong tawanan. Isang atras ko pa ay nabangga na ako sa isang mabahong lalaki.

Nahawakan ako nito sa dibdib at isang hila lang ang aking itim na jacket ay napunit!

"Ano ba!!" hinawakan ko ang sarili at pilit na pinagtagpo ang nahating jacket sa aking dibdib. Mas lalo lang lumakas ang kanilang tawanan!

"Arte pa!" sabi nito. Nanginig ako sa inis at galit. Nilapitan ko siya at sinuntok sa ilong! Sapol na sapol ko iyon at lumipad ang dugo mula sa kanyang ilong!

My papa trained me before. May mga alam ako kahit papano. Sa mga oras na'to ay hindi pwede ang salitang mahina.

Humiyaw ito sa sakit at sinapo ang ilong! "Putang ina!" mura nito.

Nagsitigil sila sa tawanan sa nakita. Matalim ko silang tinitigan.

Ngumisi ako at nilabas ang bomba na nasa bulsa ng aking pantalon.

"Sabay sabay na ba tayong mamamatay dito?" Ngumisi ako sa kanila. Isa isa ko silang nakitaan ng takot sa mata.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now