KABANATA 21

743 81 24
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na aking narinig. Nakapikit pa rin ako ngunit ang aking diwa ay gising na. Tila may nagsisigawan sa labas ng aming silid ni Kharim Celia. Magkahalong sigaw at pag-iyak ang naririnig ko. Idagdag mo pa ang bulungan ng ilang taong naroon.

Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi pa rin nawawala ang sigawan. Kung tutuusin, mas lumakas pa nga ito. Hindi natigil ang pagpapalitan nila ng mga salita.

Anong bang nangyayari?

"Ilang beses ko bang sasabihin? Wala nga akong kasalanan! Hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo sa akin. Paano ko magagawa ang bagay na 'yon? Isang hamak na taga-silbi lamang ako!"

Pamilyar ang boses na 'yon. Kilala ko kung kanino ang boses na 'yon. Sa araw-araw na magkasama kami, kabisado ko na ang boses niya. Hindi ako maaaring magkamali.

Si Ysabelle iyon!

Agad kong iminulat ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari at kanino nanggagaling ang mga sigaw na 'yon. Hindi pa man nahihimasmasan ay dali-dali na akong bumangon. Nahulog pa ako sa kama dahil sa labis na pagmamadali at agad-agad naman akong tumayo. Nakita ko si Kharim Celia na nakasilip sa labas ng aming bukas na pinto. Nakapaa lang akong tumakbo papunta sa tabi niya.

"K-Kharim Celia, bakit may mga kawal?"

Binigyan ako ni Kharim Celia ng space para makasilip. Sinilip ko ang nangyayari sa hallway, maraming kawal ang nagkalat. Ang ibang mga taga-silbi ay nakatayo sa tabi ng pinto ng kani-kanilang silid. Gaya namin ni Kharim Celia ay inaalam din nila kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon. Walang kamiing magawa kung 'di tumingin lamang. Hindi kami maaaring sumali at mangialam sa nangyayari sa pagitan ng mga kawal at sa isang taga-silbi.

Nag-focus ako sa pinakadulong silid dahil mas marami ang kawal na naroon. Hindi ako maaaring magkamali. Ang silid na 'yon kung saan nagkumpulan ang mga kawal ay tapat ng silid ni Ysabelle.

Tama ako, si Ysabelle nga ang taga-silbing iyon.

"Gusto nilang hulihin si Ysabelle dahil 'di umano'y siya ang naglason kay Haring Valor," mahinang tugon ni Kharim Celia dahilan para mamilog ang mata ko dahil sa gulat.

Bakit si Ysabelle?

"P-Paano?"

Imposible!

Hindi na ako muling sinagot ni Kharim Celia. Tinuon nito ang atensiyon sa pilit na paghila ng mga kawal kay Ysabelle palabas ng kaniyang silid. Doon ko rin itinuon ang paningin ko upang malaman kung ano bang pinaggagawa ng mga kawal. Ano ba itong sinasabi ni Kharim Celia?

Mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid.

P'wersahang hinila na ng mga kawal ang tinuring kong nag-iisang kaibigan sa mundong 'to. "Ikaw ay aming hinuhuli sa kasalanang paglason sa Mahal na Hari."

"Bitawan niyo ako! Walang katotohanan ang ibinibintang niyo sa 'kin," mariing b'welta ni Ysabelle.

Sinundan ko ng tingin ang pagkaladkad nila kay Ysabelle palayo sa silid nito. Nagsialisan ang mga taga-silbi na nakaharang sa daan para maki-chismis. Bumalik ang lahat sa kaniya-kaniyang silid sa takot na madawit o masita ng mga kawal.

Pumila naman sa gilid ang iba pang mga kawal upang protektahan ang pagdaan ng Heneral habang akay-akay si Ysabelle. Siniguro nilang walang makakalapit sa kanila ni isa. Mahigpit nilang siniguro iyon.

"Bakit ba ako ang pinagbibintangan niyo? Wala akong motibo para gawin 'yon sa Mahal na Hari! Parang awa niyo na, bitawan niyo ako!" Walang tigil sa pagsusumamo si Ysabelle habang kinakaladkadd siya. "May naghihintay na pamilya sa 'kin sa labas ng palasyo. Hinihintay ako ng aking Ina at ng aking kapatid. Nagsusumamo ako, 'di ako maaaring makulong. Ako na lang ang inaasahan ng aking Ina upang madugtungan pa ang buhay ng aking kapatid na may malubhang karamdaman. M-Maawa kayo sa 'kin." Tuluyan nang pumiyok si Ysabelle dahil 'di na niya napigilan pa ang mga luhang kumawala sa kaniyang mata. Humahagulhol ang kaibigan ko habang hawak-hawak ng mga kawal.

The Kingdom Of NorlandWhere stories live. Discover now