KABANATA 29

824 77 26
                                    

"Hala! Tanghali na pala!"

Napabalikwas ako mula sa aking higaan nang tumama sa aking mata ang sinag ng araw mula sa maliit na butas ng bintana, dahilan din kaya ako nagising.

Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa araw.

Kahit inaantok pa, mas pinili kong bumangon na. Mamaya na lang ako babawi sa tulog. May mga trabaho pang naghihintay sa akin sa loob ng palasyo.

Dali-dali kong hinanap ang tsinelas ko at agad itong sinuot. Nagdiretso na ako sa banyo para makaligo't makabihis na. Hindi na rin ako nag-abalang buksan pa ang iniwang pagkain ni Kharim Celia sa lamesa. Kailangan ko nang pumunta sa kusina para tumulong na maghanda ng agahan para sa mga Prinsipe.

Lumabas na ako sa aming silid. Lumingon muna ako sa pinakadulong bahagi ng silid bago tumuloy sa paglalakad palabas, dahil 'yon ang rason kung bakit ako bangag ngayon. Napuyat ako kakaisip kung tama ba ang hinala ko na may nakasunod sa amin ni Prinsipe Arsh. Kung totoo nga, sino naman?

Hindi kaya si...

Prinsipe Cozen?

Huminto ako sa paglalakad at napatakip ng bibig na tila nagulat sa sinigaw na pangalan ng aking isip. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng aking puso dahil sa kaba. Ito na naman ako sa mga tamang hinala ko. Kapag ako ang kinutuban, siguradong tama na ang mga hinala ko. Iba talaga ang instinct naming mga babae, madalas ay nagkakatotoo.

Hindi imposible na si Prinsipe Cozen nga 'yon dahil maging siya ay nakipag-sabwatan na sa Kaharian ng Lacandia. Pero may posibilidad din na hindi siya dahil marami pa ang tao sa palasyo na nagkukubling tapat sa Hari. Gaya ng sinabi ni Kharim Celia, hindi namin makikilala kung kalaban oo kakampi ang mga taong nakaharap sa amin. Masyadong mapaglinlang ang mga kampon ni Reyna Emily. Madali kang mapapaniwala na siya ay isang tapat na naninilbihan sa palasyo. Hindi sila nahihirapan na itago ang kanilang mga sungay.

Mahirap magtiwala sa mga nakakasalamuha ko araw-araw. Hindi ko kilala kung sino ang mga totoo sa kanila.

Akmang hahakbang na sana ako nang mapahinto rin ako agad dahil naramdaman kong tumama ang noo ko sa medyo matigas na bagay. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko si Prinsipe Dern sa harapan ko. Nakaharang siya sa daanan, dibdib niya rin pala ang tumama sa akin.

"Mukhang malalim ang iyong iniisip," sita niya sa akin.

Hindi ko maipagkakaila na lutang nga ako dahil pati sa paglalakad ay lumulutang ang isip ko. Hindi ko man lang naramdaman ang paparating niyang presensiya. Maging ang hitsura ko ay hindi maipagkakaila na lutang na lutang nga ako.

"Ah-- eh... oo nga," wala sa wisyo akong sumagot.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, e'. Hindi talaga gagana nang maayos ang pag-iisip ko kapag bangag. Idagdag pa na walang kain at hindi sapat ang tulog ko dahil sa mga kutob ko na patuloy na gumagambala sa akin.

"H-Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil..." Nag-isip ako saglit ng gagawing palusot. "Dahil sobrang init!" pagdadahilan ko.

Napatango-tango lang siya. Hindi siya nag-alinlangan na paniwalaan ako. Ngumiti pa nga ang Prinsipe. "Dapat ay sinabi mo kay Arsh. Hindi lang malaking abaniko ang dadalhin niya, kung 'di limang taga-silbi na may tig-iisang pamaypay ang ibibigay niya upang makasigurong mahimbing ang tulog ng binibining nagugustuhan niya." May halong pang-aasar ang kaniyang tono na sinabayan ng mahinang halakhak.

Inaasar niya ako.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Marahil ay namumula na naman ito. Traydor pa naman ang pisngi kapag ganitong usapan. Kahit anong tanggi kong hindi kinikilig, mahuhuli pa rin ako dahil sa pamumula ko. "Ano bang sinasabi mo, Prinsipe Dern?" Pagma-maangan na sagot ko na 'di tumitingin sa kaniya. Ayokong magtama ang mga mata namin dahil mababasa niya roon ang totoong nararamdaman ko ngayon.

The Kingdom Of NorlandWhere stories live. Discover now