KABANATA 14

923 96 21
                                    

"Hayaan mong samahan kita, Zariya. Delikado para sa isang Haya na pumunta sa kagubatan na mag-isa lamang," pagpu-pumilit ni Prinsipe Ravi.

Palabas na sana ako sa gate ng palasyo upang magtungo sa kagubatan para kumuha ng mga halamang-gamot na inutos sa 'kin ni Kharim Celia nang makasalubong ko si Prinsipe Ravi at pinigilan ako nitong magpatuloy hangga't wala akong kasama.

Dalawang beses ko nang tinanggihan ang offer niya na samahan niya ako dahil naalala ko ang sinabi ni Haya Kaira sa 'kin kahapon. Layuan ko raw si Prinsipe Ravi. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi 'yon. Ang dating nang sinabi niyang 'yon sa 'kin ay parang hinaharot ko ang fiancee niya. Wala naman akong balak na agawin sa kaniya si Prinsipe Ravi. Kailan man ay hindi ko pinangarap maging kabit o 'di kaya'y manira ng relasiyon. Tumanda na lamang akong matanda kaysa gawin ang bagay na magpapahamak lamang sa akin.

Bago sagutin si Prinsipe Ravi ay napasadahan ko ng tingin ang taong nasa terrace ng kaniyang silid, si Haya Kaira. Nakatingin siya ngayon rito sa direksiyon namin ni Prinsipe Ravi. Baka kung ano na naman ang isipin niya. Nakakapraning ba talaga ang magkaroon ng fiancee or boyfriend? Kung oo man, parang ayoko na lang subukan. Stress at mentally unstable lamang ang dulot nito sa akin.

Binaling ko ang atensiyon ko kay Prinsipe Ravi na nasa harap ko ngayon. "Hindi na, Prinsipe Ravi. Hindi naman ako magtatagal do'n kaya huwag kang mag-aalala."

Dalawang uri lang naman ng halamang gamot ang ibinilin sa 'kin. Pagkatapos kong makuha 'yon ay babalik na ako rito agad. Wala na akong ibang gagawin sa labas.

"Kung ayaw mong samahan kita, mag-uutos na lamang ako ng dalawang kawal upang samahan ka." Matigas talaga ang Prinsipe na bigyan ako ng kasama sa labas.

Akmang maglalakad na siya papunta sa mga nakahilerang kawal na naroon sa gilid ng malaking gate upang mamili ng uutusan nang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Hindi na kailangan, Ravi. Ako na ang bahalang samahan si Zariya."

Sabay kaming napalingon ni Prinsipe Ravi sa taong nagsalita. Walang emosiyon ang kaniyang mukha na nakatingin sa amin. Tila kanina pa siyang nakikinig sa usapan naming dalawa.

"P-Prinsipe Cozen?" Yumuko ako para magbigay respeto.

Hindi ko inaasahan na narito siya ngayon sa palasyo. Mula noong dumating ako, 'di ko pa nakitang nasa palasyo si Prinsipe Cozen ng ganitong oras. Lagi lang siyang nasa labas ng palasyo at madalas na napapa-away kaya nga napapadalas din ang sermon ni Haring Valor sa t'wing kakain sila ng hapunan. Dahil sa pakikipag-away niya, lumalayo ang loob ng kaniyang Amang Hari sa kaniya. Maghapon na nga raw na wala siya sa palasyo ay puro away pa ang inaatupag. Pinipilit pa ng kaniyang Amang Hari na manatili na lamang siya rito at tumulong sa pamamahala ng kanilang Kaharian. Ngunit tila iba ang nais na gawin ni Prinsipe Cozen sa kaniyang buhay. Ang kaniyang nais na buhay ay nasa labas ng palasyo.

"Ngunit--" Hindi na naituloy ni Prinsipe Ravi ang kaniyang sasabihin dahil hinila na ako ni Prinsipe Cozen palayo kay Prinsipe Ravi habang hawak-hawak ang aking kamay.

"Wala kang dapat ikabahala dahil hindi ko ipapahamak si Zariya," habol na saad ni Prinsipe Cozen.

Nauunang maglakad si Prinsipe Cozen hanggang sa makalabas na kami nang tuluyan sa palasyo ay 'di pa rin niya binibitawan ang aking kamay. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang lalo pa't napapatingin sa amin ang mga nakakasalubong namin sa daan. Baka pati rito ay judgemental ang mga tao at kung ano pa ang isipin nila. Gawan pa nila kami ng issue.

Ginalaw ko ang aking kamay na hawak niya kaya't napalingon ito sa 'kin. Napansin niya naman ang nais kong mangyari kaya dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Mabuti na lang at marunong siyang makaramdam.

The Kingdom Of NorlandWhere stories live. Discover now