KABANATA 38

786 74 42
                                    

"A-Aray!"

Puro sigaw ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.

"Hala! Ano ba 'yon?"

"Manong, dahan-dahan naman sa pagpreno!"

Narinig ko ang malalakas na reklamo ng iba't-ibang taong nasa paligid. Ilang saglit lang din ay napadaing na rin ako dahil sa biglaang pagkauntog sa upuang nasa harap ko. Ang kaninang kamay na nakasuporta sa noo ko ay binawi kaya ako nauntog nang tuluyan.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung anong nangyayari.

Hawak ko pa rin ang noo kong nauntog habang inilibot ang paningin sa buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang...

Nasa bus na ako!

Nasa modern world na ba ako?

Nakita ko ang Class Mayor namin na si Shane sa gitna at isa-isang sinusuri ang mga kaklase ko kung may nauntog ba nang malala. Sina Isagn at Kaleela naman ay nanatiling nakatayo at tila sumasagap ng chismis kung anong nangyari sa bus na sinasakyan namin. Gusto ko silang lapitan at yakapin dahil sobrang miss na miss ko sila. Pero gustuhin ko mang gawin 'yon, 'di naman ako makalapit sa mga kaibigan ko dahil nakatayo ang lahat ng estudiyante dahilan para sakupin nila ang space sa pagdadaanan ko sana.

Ang mahalaga ngayon, nakabalik na ako! Sobrang saya ko dahil sa wakas, nasa modernong mundo na ako. Ang pamumuhay ko noon ay muli nang babalik ngayon.

Ilang saglit lang, mas lalo pang umingay ang mga kaklase ko dahil nanatiling nakahinto ang bus.

Ito ang huling eksena bago ako napunta sa Kaharian ng Norland. Kung gayon, bumalik na nga talaga ako!

Hindi ko na nga napigilang ngumiti dahil sa mga nangyayari.

Nagtagumpay ako sa misyon ko sa Norland!

"Are you crazy? Ngumingiti kang mag-isa, delikado na 'yan." I heard him chuckled.

Nilingon ko siya. May katabi pala ako. Hindi siya nakatingin sa 'kin bagkus nasa librong binabasa niya ang atensiyon niya. So, he's staring at me silently?

Alam kong siya rin ang may-ari ng kamay na sumapo sa noo ko. Mabait na sana siya, eh, kaso panandalian lang dahil hinigit niya rin lang 'yon kaya nauntog pa rin ako.

"Hindi ako baliw, 'no! Masaya lang ako dahil nakabalik na ako," sagot ko.

Gusto ko ngang magpakurot upang makasiguro na hindi ako nananaginip.

Isinara niya ang hawak niyang libro at seryosong tumingin sa akin.

Ang mga tingin niyang 'yon... pamilyar!

"Bakit? Saan ka ba galing?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang titig na titig sa kaniya. Hindi ko maiwasang suriin ang pamilyar niyang mukha. Ang bawat detalye ng kaniyang mukha ay kaparehong-kapareho sa lalaking nasa isipan ko ngayon.

Ang makapal niyang kilay na madalas niyang pagsalubungin noong unang kita ko sa kaniya sa mundo nila, ang mapupungay niyang mata na gustong-gusto kong titigan, ang matangos niyang ilong, at ang labi niyang hanggang ngayon ay ramdam ko pa ring malambot dahil sa huling halik na ibinigay niya bago ako nawala sa mundong 'yon.

Hindi ko pa rin siya sinasagot. Abala pa rin ako sa pagkumpirme kung tama nga ang iniisip ko sa kaniya nang lumakas ang ihip ng hangin dahil hindi sinasadyang natutok sa amin ng isa kong kaklase na nasa likod ang hawak niyang portable fan. Nahagip ang buhok ng katabi ko dahilan para makita kong muli ang kulay asul nitong buhok na tinatakpan ng mas maraming itim niyang buhok na nakapaibabaw.

The Kingdom Of NorlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon