KABANATA 40

1K 83 66
                                    

Halos nalibot na namin ang buong paligid ng Simala Shrine Church at malapit na rin magtakip-silim pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naalala ni Prinsipe Arsh. Maya-maya lang ay uuwi na kami at lilisanin na itong simbahan.

Sayang lang dahil ang ine-expect ko ay maalala niya ako habang naririto pa kami dahil malaki ang tulong nitong disenyo ng simbahan upang alalahanin ang mga memories namin noong nasa Kaharian pa kami ng Norland.

"Oh, bakit nakabusangot ka riyan?"

Tumingala ako kay Kaith na abala pa rin sa pagkuha ng mga pictures sa mini garden na nasa likod ng simbahan. Ako naman ay nakapangalumbabang nakaupo sa likuran niya.

Hindi ako sumagot sa kaniya at nanatili pa rin ang ekspresiyon ng aking mukha.

Mukhang wala na talagang pag-asa na maalala niya ako.

Mas mahihirapan na akong ipaalala sa kaniya kapag bumalik na kami sa campus. Tanging ang History subject lamang ang kumukonekta sa amin at hindi sapat ang oras na 'yon upang ipaalala sa kaniya kung sino ako sa past life niya.

Pero paano nga kung tama siya?

Baka nga mali lang ang akala ko... na hindi naman siya si Prinsipe Arsh.

Na baka sa sobrang pagka-miss ko sa mga Prinsipe, humahanap lang ako ng mga taong kamukha nila o hinahanapan ko lang ng kaparehas nila. Baka nga hindi na talaga sila nage-exist sa modernong mundo.

Mananatili na lang silang isang magandang ala-ala nang nakaraan.

"Feeling ko, hindi na ako magkaka-boyfriend," wala sa kawalan kong bulalas.

Napalingon ang kaibigan ko nang marinig niya ang sinabi ko at humagalpak ito sa tawa. "Iyan ba ang iniisip mo kanina pa? Na hindi ka na magkakajowa?"

Tumango na lamang ako.

"Paano mo naman nasabi?" natatawa pa rin niyang tanong.

"Eh, paano? 'Yong lalaking gusto ko ay hindi nage-exist sa mundo natin." Mas bumusangot pa lalo ang mukha ko. "Iyong taong mahal ko, naiwan sa nakaraan."

Hindi na nakapagsalita si Kaith. Alam kong hindi niya ako maintindihan dahil wala naman siyang alam tungkol sa paglalakbay ko sa Kaharian ng Norland. At wala rin akong balak na ik'wento dahil baka sabihan pa ako nitong nababaliw na.

"Okay, Class..." Napunta ang atensiyon naming lahat kay Ma'am na bagong dating. "Get your things na at magsiayos na. After 15 minutes, uuwi na tayo."

May ibang estudyante na rinig pa rin ang mahina nilang reklamo. Mukhang ayaw pa talaga nilang umuwi dahil nag-request sila kanina sa pinaka-head ng Philippine History subject na kung p'wede ay mag-overnight na lang sa pinakamalapit na hotel dahil gusto pa nilang mamasyal bukas. Hindi kasi kami nakagala sa iba pang tourist spot na malapit dito dahil maghapon kaming naglibot sa simbahan. Pero kahit anong request ang gawin namin, hindi pa rin nila kami pinagbigyan. Kailangan daw naming umuwi ngayong gabi dahil iyon ang nakasaad sa memo na in-approve ng President ng University.

"Zariya, tumayo ka na riyan. Kailangan na nating pumunta sa harapan upang hintayin ang bus," utos sa akin ni Kaith.

Wala akong ganang tumayo.

Hinarap ako ng kaibigan ko. "Huwag ka nang pa-sad girl diyan. Malay mo, bago tayo makauwi, may bebe ka na." Matapos niyang sambitin 'yon, tinapunan niya ako ng nakakalokong ngiti.

Sa huling pagkakataon, nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng simbahan.

Kung nabubuhay man si Prinsipe Arsh sa mundong ito, sa simbahang ito ko nais na magpakasal sa kaniya.

The Kingdom Of NorlandWhere stories live. Discover now