KABANATA 27

846 71 70
                                    

"Nagawa ko 'yon dahil... mahal kita, Zariya."

"Nagawa ko 'yon dahil... mahal kita, Zariya."

"Nagawa ko 'yon dahil... mahal kita, Zariya."

Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil paulit-ulit na sumasagi sa 'king isipan ang sinaad ni Prinsipe Cozen kanina. Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala sa binanggit niya. Hindi ko nga sigurado kung tama ba ang rinig ko sa huling tatlong salita na iwinika niya, ang "mahal kita, Zariya". Matapos niya kasing sabihin 'yon, tinalikuran na ako nito. Iniwan niya akong gulantang sa mga katagang sinambit niya.

May isang Prinsipe na ang umamin ng kaniyang pag-ibig sa akin.

Hindi lang pala iisa. Maging si Prinsipe Arsh ay umamin na rin sa akin noong isang araw lamang.

Hindi masukat ang kaba ko kanina na dinagdagan pa ng takot. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko.

Nangyari na ang sinasabi ni Tata Lucio. Dahil sa pag-ibig na mayroon ang mga Prinsipe sa akin, nagkakagulo na ang lahat. Mas naging komplikado na ngayon ang mga nangyayari. Nagawa na ngang sumanib ni Prinsipe Cozen sa akin Ina. Nakaya na nitong kalabanin ang kaniyang sariling Amang Hari at ang kaniyang mga kapatid.

Nais ko siyang habulin ngunit mas pinili kong bumalik na lamang sa kusina dahil malapit na magtanghalian kanina. Baka magduda pa ang ibang Prinsipe kapag 'di nila ako nakitang pinagsisilbihan sila sa hapag-kainan. Kailangan ko na magmadali sa inuutos ni Manong Luisito para makabalik na ako sa kusina.

Malalim ang pag-iisip ko habang naglalakad pabalik sa loob.

Hindi ako mapakali sa lahat ng aking mga nalaman.

Ang mga natuklasan ko sa Kaharian ng Lacandia, ang usapan namin ni Haya Kaira, ng aking Inang Reyna at maging si Prinsipe Cozen ang dahilan kung bakit lutang ako maghapon... hanggang ngayong oras na ng pagtulog.

Lumingon ako kay Kharim Celia, mahimbing na siyang natutulog ngayon samantalang ako, hindi pa rin dinadalaw ng antok dahil sa dami ng iniisip. Hindi ako mapakali at mapalagay. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat ng nangyayari ngayon.

Mula sa nangyari kay Ysabelle, alam kong may kasalanan ako sa pagkamatay niya dahil hiniling ko kay Tata Lucio na magbalik-tanaw kapalit ng isang mabigat na parusa. Marahil ay ang pagsabog at pagkamatay ng Ina at kapatid ni Ysabelle ang parusang tinukoy ni Tata Lucio na humantong din sa pagkamatay ng kaibigan ko.

Isa pa ay ang hindi ko pagpigil sa pagtingin na mayroon ako kay Prinsipe Arsh kaya naman, maging siya ay umibig na rin sa akin. Mas pinairal ko ang aking puso kaysa sa isip. Pinipilit ko naman pigilan ngunit napakahirap.

Panghuli ay ang hindi ko pagpigil sa nararamdaman ni Prinsipe Cozen para sa akin. Kung nalaman ko lang nang mas maaga, hindi ko hahayaang sumanib ito sa aking Ina. Kakausapin ko siya at ipapaintindi ang posibleng kahihinatnan ng pakikipagsabwatan niya sa Kaharian ng Lacandia. Kung alam ko lang na iibig siya sa akin kahit hindi ko ginusto, sana ay noong una palang, iniwasan ko na siya. Dahil sa pag-ibig na mayroon siya para sa akin, nagawa niyang pagtaksilan ang sarili niyang pamilya.

Hindi ko ginusto ko ang lahat ng nangyari pero kusa itong nangyari dahil sa mga kilos na aking ginawa na wala naman akong kamalay-malay na ganito ang magiging bunga.

Sana ay mas nag-ingat ako. Sana pinag-isipan ko muna bago kumilos.

Dahan-dahan akong umalis sa aking kama at tumayo, maingat akong naglakad patungo sa gilid ng kama ni Kharim Celia. Kinuha ko ang kumot sa kaniyang paanan at marahang kinumutan siya. Tuwing naaalimpungatan ako, iyon ang aking ginagawa dahil ayokong malamok ito.

The Kingdom Of NorlandWhere stories live. Discover now