KABANATA 2

1.6K 145 32
                                    


"Tila ikaw ay naguguluhan, Haya. Hayaan mo't ipapaintindi ko sa 'yo ang nangyayari ngayon," ani ng hindi ko mawari kung anong klaseng hayop ito. Hindi pa rin natatanggal ang takot ko sa kaniya lalo pa't lumipad na ito pababa at ngayon ay nakalapag na sa lupa.

Isa pang ipinagtataka ko, bakit tinatawag nila akong Haya? Eh, hindi naman iyon ang pangalan ko!

Malakas lang siguro ang pagkakauntog ng ulo ko sa bus kaya hanggang ngayon ay natutulog pa rin ako at panaginip lang ang lahat ng ito.

Sana nga, panaginip lamang ito.

"Gusto ko po muna sanang malaman kung bakit Haya ang tinatawag niyo sa 'kin? Zariya po ang pangalan ko," pagtatama ko sa kaniya.

"Ang salitang 'Haya' rito ay tumutukoy sa isang binibini, ito ay pagbibigay respeto na rin kung 'di pa alam ang tunay niyang ngalan."

So, ibig sabihin... ang Haya ay binibini? Miss sa English? Gano'n ba? Kakaiba nga naman talaga ang mundong 'to. They have their own vocabulary.

"Kaya huwag kang magtaka kung tawagin ka ng sino mang nilalang dito ng Haya sapagkat ikaw ay bagong salta lamang at hindi pa kilala ng lahat."

Ibig din bang sabihin na totoo ang lahat ng sinasabi niya sa nangyayari ngayon? Hindi ba ito panaginip lamang? Hindi ba nila ako prinaprank?

Ano ba talaga ang nangyayari?

Kung hindi ako kilala ng lahat, paano ako mabubuhay rito? Mag-isa ko lang sa mundong ito? Hindi ko yata kaya! Nasanay akong laging nasa tabi ko sina Mama at Papa. Hindi ko ma-imagine na wala sila sa buhay ko. Simula pagkabata hanggang ngayong 20 years old na ako, sila ang kasama ko.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maisip ko ang pamilya ko. Kumusta na kaya sila ngayon? Alam ba nilang nawawala ako? Hinahanap ba nila ako? Paano ko sasabihing nasa kakaibang mundo ako ngayon? Paano ako makakabalik sa mundo ko?

Unti-unti, nagsi-sink in na sa utak ko kung ano talaga ang nangyayari.

"Miss na miss ko na ang pamilya ko." Namuo sa gilid ng mga mata ko ang luha.

Humarap ako sa kaniya, itinabi ko muna ang takot. Gusto ko na talagang bumalik sa normal na buhay ko. Iniisip ko nga na kahit isang araw lamang ako rito, hindi ko na kaya. Paano na lang kapag manatili ako rito ng ilang araw o kaya ay aabutin pa ng ilang buwan? "Parang awa niyo na po, kung totoo man talaga itong nagyayari ngayon, p'wes, ibalik niyo na po ako sa mundo ko. Nakikiusap ako, please?"

"Pasensya ka na, Zariya, pero hindi ka maaaring bumalik sa modernong mundo hangga't hindi mo pa natatapos ang misyon mo rito."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkalito. "Misyon? Anong misyon po?"

Lumipad muli ito sa sanga na nasa tapat ko. Tumingala naman ako para tingnan siya at dinggin ang susunod niyang sasabihin.

"Iyon ay ang protektahan ang Kaharian ng Norland laban sa isa pang Kaharian na nais pabagsakin ito."

Kumunot ang noo ko. Ako? Pro-protektahan ko ang Kaharian ng Norland? Paano? Eh, 'di hamak na normal na estudyante lang ako. Anong magagawa ko para protektahan ito?

"Paano po? Eh, wala naman akong powers na gaya ng mga Prinsipeng nasa panaginip ko. Parang imposible naman po 'yon," ani ko na hindi pa rin naniniwala sa sinasabi niya.

"Malaki ang tulong na magagawa mo upang manatili ang kapayapaan sa Kaharian na ito. Ikaw ang magiging dahilan upang hindi magwagi ang isa pang Kaharian."

"Ano po bang Kaharian ang tinutukoy niyo?"

Dahil sa Kaharian na 'yon, napunta pa ako sa mundong ito para gampanan ang isang misyon.

The Kingdom Of NorlandWhere stories live. Discover now