(12) Twelve

323 32 15
                                    

ALEXIS

She's acting so weird.

Parang timang ang gaga. Hindi mapakali kanina pa. I mean, duh? Ano bang kinakatakot niyang aabutin kami ng hapon? Ang babaitang ito talaga, pinapasakit ang bangs ko. Hmp!

"What is your problema ba kasi?" inis na tanong ko saka tinaasan siya ng kilay. "6:30 makaka-uwi na tayo, atat ka, tih?"

Bigla niya akong hinarap. Nag-sway ang mahaba niyang buhok sa hangin, and, well, she's wearing a crown na in-order namin sa Shopee. Gold iyon, at ang buhok niya naman ay naka-braid ng kalahati. Sanaol ganiyan ka-haba ang buhok, hmp, na-i-inggit ako.

Pinanlakihan niya ako ng dalawang mata niya. She's not in her usual self. You know, 'yung cool, calm and collected, tss. "Strikto sa bahay namin. Walang OT si papa mamaya kaya maaga ang uwi niya!" asik niya sa akin. Pero nangunot ang noo ko nang makita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Agad din iyong nawala. Oh.

Gano'n ka-strict ang pops niya at hindi siya mapakali?

"Call your papa, duh? Simple as pie," suggestion ko. Napa-irap ako. Ibinalik ko ang paningin ko sa malawak na field kung saan may maraming students na naka-costume at nagpa-practice. Kami ni Nora Aunor? Wala, chill lang dito sa gilid kasi wala pa ang turn ng scenes namin.

Dinig kong mahinang natawa ang katabi ko. "Call your papa ka r'yan. Gusto mo kiss kita?"

WHAT?

Napa-harap ako bigla kay gaga. Naka-ngiti siya sa akin. Iyong ngiti na nawawala na ang eyes niyang naturally na "fox." You know, kapag magme-make up ka? Tss. Nakikita ko 'yan sa YouTube, hmp! Hindi ko magawa-gawa ang look na 'yun samantalang iyong kaniya ay natural.

Kung paslangin ko nalang kaya ang babaitang 'to at nang wala na akong ka-inggit-an? Good idea. But reckless. I should ask Tita Saica. No again. Reckless din kasi ang gagang iyon. Muntanga. And nope, hindi ako takot do'n. Kay Tito Augustus ako nasisindak. Acckk! He's my tito but he hot tho. ACCKKK!

"Kiskis kita sa pader, gusto mo?" asik ko sa kaniya. Sumandal lang siya sa pader at ibinalik ang kaniyang atensiyon sa mga nagpa-practice.

Maya maya ay napa-buga siya ng hangin. "I'mma get myself killed," aniya. "Mahaba lagi ang pila sa sakayan."

Oh.

'Yan pa rin ang inaalala niya?

I squinted my eyes. "Ang duwag mo naman, hindi ka naman siguro jojombagin sa bumbunan ng tatay mo." Oh, wait again. B-Baka mamaya jino-jombag nga siya? Lah, hindi naman siguro, anue?!

Ngumiti siya ng maliit. "Hindi," maikling sagot niya. Hmp. Hindi naman pala. "Hindi sa bumbunan, baka mag-ala-Sangwoo siya at baka baliin niya ang mga binti ko."

"Lah, tih?" gulat na naisambit ko. "Grabe naman iyon, hindi naman siguro, 'no!"

Napa-isip na naman ang maganda kong utak... kasi... k-kasi nga... kanina pa siya weird, iih.

Muli siyang natawa. "Hindi nga, tama ka. Baka haluan niya lang ng drugs 'yung gatas ko tapos gagalawin niya ako sa pagtulog ko."

My jaw literally dropped.

What in the fucking—what?!

Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya at naka-tingin pa rin siya sa harapan, she was smiling, pero mukha siyang nag-aalala talaga...

"N-Nora?" I called her name. I'm feeling terrified. I mean, WHAT THE FUCK, ANO BANG PINAGSASABI NIYA, NAKAKALOKA!

Hindi siya kumibo! Kaya naman ako na ang sumapok sa kaniya sa bumbunan. "Hoy, gaga! Ano ba 'yang pinagsasabi mo, shutangina!" Nalaglag tuloy sa lupa ang korona niya.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now