(28) Twenty-Eight

279 46 12
                                    

NORA

"Told you not to bring that dog here." Napakamot ako. "Inampon mo siya without my permission? Cora, dapat tinanong mo muna ako."

Hindi naman ako hi-hindi kung magpapaalam siya. Haaay. Hindi ko na alam. May rules ako sa bahay na ito, but my only daughter is breaking them all, happily.

Tuwang-tuwa na hinimas niya ang ulo ng aso. "But he's cute, isn't he? He can kill people!"

Shit. Yeah. He can... literally kill people dahil ang laki niya. Siya 'yung aso na nakatali sa puno ng mangga sa tawid. Tatlong araw na siya roon at napansin ko ngang walang amo iyong aso, at si Cora naman, gustong-gustong kunin 'yung aso. Tsk.

"Fine. He'll stay here. Don't teach him how to rip faces off, okay?"

Tumango si Cora at tumawa. "Thank you, 'ma. Wuv you."

"Wuv you, too," nangingiting sagot ko pabalik saka pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.

It's Saturday. Walang pasok si Cora, pero ako meron. Saka dahil nga Sabado, hindi ako papayagang mag-leave kasi maraming customer ng ganitong araw. Saka walang papalit sa akin kasi hiring nga kami. Kulang kami sa tao.

"'Ma?" dinig kong tawag muli sa akin ni Cora.

"Hmm?"

"Nakita ko 'yung calling card sa lamesa kagabi. Who's Jalisco McGregor? My new dad?"

Mahina akong natawa. "No, he's a friend."

"Lalaki? I thought you hate men?" Natigilan ako at napakurap.

Hate men... I don't, but I stay away from them because... I don't trust them. Kahit si Cora, iniiwas ko. I just... I just can't find myself trusting strangers. Especially when they are men. Hindi ako judgmental, pero iyon ang katotohanan ngayon. Never, ever trust strangers. Lalo na kung lalaki sila. At kapag iba sila kung tumitig sa iyo. Or when they're being manipulative and shit. Fucking throw them out or call the police because...

My father abused me since I was a kid, right? I know exactly the signs and the patterns. He made me feel I'm loved, pero sinasaktan niya ako. I thought touching your child is normal at all, pero habang tumatanda ako noon ay napapagtanto ko na hindi tama ang ginagawa ni papa. Malaki ang naitulong sa akin ng ilang taon na therapy. Kamuntik na rin kasi akong bumigay noon, tatlong taon palang si Cora at gusto kong kunin nalang ang buhay ko. I wanna kill myself kasi saka na pumasok sa utak ko kung gaano ka-walang kwenta ang buhay ko. I used to hate myself.

"I don't hate men," sagot ko. "I just don't trust them."

Mapait akong napangiti.

Ngayon ko na rin talaga naramdaman ang pagod. Mental at pisikal. Wala akong ka-tulong, wala akong kasangga. Hindi ko rin naman natapos ang kolehiyo noon, sinubukan ko kasing mag-aral ulit. Si Cora ang pangunahing dahilan kaya hindi ako nagtuloy sa pag-aaral. Maliit pa siya, at ako ang kailangan niya. Maselan din siya at sakitin, palagi siyang nasa hospital kaya hindi ko na rin tinuloy ang pag-aaral para ako na mismo ang mag-aalaga sa kaniya. I just... I'm lonely. I have no friends, I have nothing to talk to. And my mind is killing me. Lalo na kapag nalilimutan kong uminom ng gamot o kapag nauubusan ako at hindi ako nakakabili kaagad.

Talking to myself is hell, too, you know. Hearing those voices are... it's hell. Everything is hell. Idagdag pa na mag-isa lang ako palagi. Ang nag-aalaga kay Cora? She's not actually my friend. Ni hindi kami nag-uusap kapag walang dahilan o kapag hindi iyon konektado sa trabaho niya.

But I can do this, right? I NEED to do this, right? I can't fail my child. Katulad nga ng sinabi ko, siya nalang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ako at gumigising sa umaga. Ni hindi ko nga inaasahang aabutin ako ng sampung taon na walang masamang ginagawa sa sarili ko. Sapat na siguro ang pag-iyak sa gabi bago ako makatulog. I'm that lonely. I'm seeking for something, or someone, pero hindi ko alam kung ano iyon. Ang bigat sa pakiramdam tuwing naiisip ko iyon. Madalas na nawawala ang will kong mabuhay kapag...

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon