(1) One

682 60 43
                                    

ALEXIS

Nakaka-inis. Na-i-inis ako. Super!

Masama ang titig na tinapunan ko ng tingin iyong si Nora Aunor. Nakiki-pag-tawanan siya kila Jake at si Jake naman ay panay suklay sa lintek niyang buhok na iyan. Crush ko si Jake, pero parang gusto ko siya minsan ipa-kalbo para wala na siyang susuklayin pa, buwiset siya.

Ka-close rin ng Nora na iyan sila Jamaica. Wala pa siyang one week dito pero bakit—grrr! Nakakairita!

At saka panay ang gitara niya. Haler? I can do that, too! I can play instruments and I can sing if I want to! Maganda ang boses niya, malamig. Pero mas maganda ang akin!

Teka, nai-insecure ba ako?

Hindi, ah!

Saka hindi niya naman siguro kasalanan na maganda siyang pinanganak. Tss. Siguro ipapa-baril ko nalang ang mama niya. Kasalanan niya ito! Bakit siya umiri?! Bakit niya inilabas sa mani niya itong isinumpang babae na ito?!

Charot lang, mga momshie. I'm not a murderer, ano. Kung may papatayin man ako, si Nora iyon mismo kasi pasikat siya!

Sakto ay nagawi ang paningin sa akin ng baklita. Bahagyang lumaki ang maiitim niyang mga mata nang makita niya akong naka-tingin sa kaniya. Kumaway siya at ngumiti ng malawak. With sparks-sparks pa sa mga mata niya.

Tinarayan ko siya. Saka ako kumuha ng libro sa bag ko para mag-basa nalang.

Hmp!

'Wag mo siyang pa-pansinin, Alexis. Mas maganda ka sa kaniya. Super ganda mo kaya 'wag mo siyang papatulan. Magbasa ka lang. Oo, basahin mo lang iyang Japanese book na iyan para mas masanay ka sa—

"Baliktad kang magbasa."

"Ay, bakla ka!" tili ko nang may nag-salita sa tapat ng maganda kong tenga! Omg!

Humarap ako sa pinanggalingan ng tinig. Automatic na tumaas ang isang kilay ko nang makita ko ang mataray pero pretty niyang mukha.

"Kailangan mo?" tanong ko, using my maldita accent in Tagalog.

Humalumbaba siya sa sandalan ng upuan ko habang naka-titig sa akin ang madidilim na mga mata niya. "Sabi ko, baliktad ang pagbabasa mo."

What?

Tiningnan ko iyong librong hawak ko.

Aba't baliktad nga.

Inayos ko ang puwesto nito. "Oh, ayan, maayos na. Pwede bang umalis ka na sa harapan kong mahadera ka?"

Tinitigan ko siya ng super talim. Mas matalim pa sa hotdogdigidog ni Jake.

Pero natameme ako nang tumawa siya. Nag-tungo siya sa katabi kong upuan at doon siya umupo.

"Nag-aaral ka ng Japanese?" tanong niya. "I can teach you if you want, I'm fluent."

What?

She's what? Fluent in what?!

Nakaka-inis na talagaaa!

"Are you telling me na mas better ka sa akin in every aspect?" inis na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya, iyong nakataas ang isang gilid ng labi. "Yeah. I'm better than you. Happy?"

Oh my God!

"How dare you!" singhal ko sa kaniya. "How d—"

"Chill, nagbi-biro lang ako," aniya saka tinapik ang braso ko. "Mahirap lang ang pamilya namin. I just love to study kaya fluent ako sa Japanese, Mandarin and German." Tapos ay kumindat siya sa akin.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon