(32) Thirty-Two

285 51 13
                                    

NORA

Nang magising ako ay umaga na. Malapit nang mag-tanghali nang tingnan ko ang orasan at medyo masakit ang ulo at katawan ko. Hindi rin kasi ako nakatulog kaagad, kinailangan ko pang uminom ng sleeping pills.

My sleep? Ah. Wala akong panaginip, pero hindi ko ramdam na nakatulog ako. My body's still tired. Pero kailangan kong bumangon ngayon para--

Shoot. I forgot. May pasok si Cora!

Malamang hindi na siya nakapasok dahil tulog ako. Nanonood nalang siguro siya ng TV ngayon sa ibaba at nilalaro ang aso niya. Bakit hindi niya ako ginising? Ayaw pa naman ng batang 'yon na lumiliban siya sa klase. Malamang maghapong magtatampo iyon.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako.

Pero nagulat ako nang makita kong naka-upo sa sofa si Alexis at siya lang ang nanonood ng TV. Katabi niya ang aso ni Cora at ito ang unang naka-pansin sa akin. He just started to bark at me. Pati ang buntot niya ay nag-likot.

Mahina akong natawa. Great. He's happy to see me alive, huh.

Nilingon din ako ni Alexis. Nagtagpo ang aming paningin at ang kaninang bored na ekspresyon niya ay nawala. "Hey. Pumasok na si Cora."

"Kanina ka pa rito?" medyo antok pa na tanong ko.

"I never left," aniya. "Nasa sasakyan lang ako simula kagabi."

A-Ah.

Napa-kamot ako sa batok ko. Mukha ngang hindi siya nakatulog ng maayos, pero bagong ligo siya at iba na ang damit na suot niya. Malamang ay dito na siya naligo.

Tumayo siya at nilapitan ako. Saglit na napataas ang mga kilay ko nang makita ko ang nasa kamay niya. At nang i-abot niya iyon sa akin ay takhang napa-tingala ako sa kaniya. Meeting those beautiful eyes; I can tell that he's shy.

Mahina akong natawa. "White roses?"

"Ayaw mo?" inis na tanong niya. "Tapon ko nalang sa labas."

Tatawa-tawang kinuha ko ang bouquet sa kamay niya. "What's with the attitude? Nagtatanong lang naman ako."

Maldita.

Tinitigan ko ang bulaklak sa bisig ko. Oh my, they're so pretty. At mabango, huh? Aayusin ko ito at ilalagay sa vase. I know that this is actually expensive. Iyong balot pa nga lang ay mukhang masakit sa bulsa. Pati iyong card, sophisticated masyado. It's just a freaking card na may nakasulat na Nora, but... it's pretty. Everything about this bouquet is so pretty.

I felt something touched my forehead. Saglit akong napa-pikit at maliit na napangiti. He kissed me.

"Thanks," sambit ko. "This is really pretty."

"Hmm," he hummed as he kissed my forehead once again. "Tanghali na, mag-o-order nalang ba ako ng makakain?"

"Ang gastos mo," puna ko. "I'll cook. May mga stocks ako sa ref."

Saglit na inilapag ko sa couch ang bulaklak at patakbong nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at tiningnan kung ano ang mga pwede kong lutuin.

Hmn. May mga karne pa rito.

"What do you want to eat, anyway?" tanong ko habang tinitingnan ko ang mga natirang rekado sa chiller. Isinara ko ang ref at saglit na nagmuni-muni ako sa lababo.

Hindi ko alam ang lulutuin ko.

"Sa labas nalang tayo kumain."

Natigilan ako.

Oh, nasa likod ko siya and I didn't even heard his footsteps. Ganito talaga kapag kagigising ko lang ay may magbibigay sa akin ng bulaklak.

"Sa labas?" tanong ko. Pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya. I heaved a deep sigh when he suddenly hugged me from my back and kissed my temple.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now