(21) Twenty-One

301 50 10
                                    

 ALEXIS

Hindi ko alam kung matatawag ko ba 'tong normal na araw lang. But it's scary to think na iyon nga ang dapat kong itawag sa araw na ito ngayon.

Everything went smoothly. And I have my guards up.

"Nora, eat this." Inabot ko sa kaniya ang isang lunch box ko. Binuksan niya ito agad saka nilantakan ang laman no'n. Uh, it's a homemade siomai. She really loves it kaya lagi akong gumagawa.

"Hmm," she hummed. "Ang sarap."

Nginitian ko siya ng tipid. Kinain ko rin ang akin saka ako nanahimik habang nakatingin sa mga puno. This is really just a normal day. Tulad noon, tulad ng nakagawian, we're here. Every lunch break. And yes, I still got no sleep. Kahit hindi ko rin itanong, alam kong ganoon din siya.

I really don't get it. Hindi niya gusto ito, pero bakit kailangan niya pang gawin? Alam kong magbabago ang isip niya. She loves me. I know she does. Sana iyon nalang ang sundin niya. I don't want her to disappear. Ayoko. So I pray to God every night, at sa pagkakatanda ko, hindi na ata ako pumalya. Hindi ko alam kung ang korni ko, pero ayoko talagang mawala siya. I'm gonna swallow my pride. I'll beg if she wanted me to. I will fucking kneel.

"You're gaining weight," puna ko habang ang mga mata ko ay nasa mga puno pa rin naka-focus. "It's cute."

"Ang dami mong pinapakain sa akin," she said, then giggled.

I smiled once again. Hindi na ako sumagot pa. Dinadama ko lang ang hangin dito. Malamig, and it feels really good. My heart doesn't tho.

Natigilan ako nang sumandal siya sa akin. Her head is on my arm. Yakap-yakap niya rin ang braso ko at sanay na sanay na ako dahil lagi niyang ginagawa iyan. Para siyang Tarsier, at maninibago ako kapag nawala iyan.

"And here it is, our final night alive. And as the earth runs to the ground," mahinang kanta niya kaya napalingon ako sa kaniyang gawi. Naka-tingin siya sa 'kin, ang pisngi niya, naka-squish dahil naiipit sa braso ko.

"You want a kiss?" natatawang tanong ko.

Umiling siya.

"No? You don't want a kiss?"

"Ayoko."

Napangisi ako. "Of course, you want a kiss."

Mahina siyang natawa. And she's beautiful. "Ayoko nga."

I leaned in her direction. "You sure?"

"Yeah."

"No, you're not."

You're not even sure about your decisions, Nora. You'll regret it. You'll regret everything and I will regret loving you, too. And I don't want to regret anything. I don't want to regret... this.

Tinitigan niya lamang ako. Tapos ay hinila niya ang dulo ng uniporme ko. "Yeah, I changed my mind."

Hindi na ako nagsalita pa. I just planted a small kiss on her lips. "I love kissing you, Nora."

"Halata naman," she whispered.

I kissed her once again. Then again, and again. Masama bang sulitin ko 'to?

"Will you call me gay if I'm going to cry in front of you?" tanong ko dahilan para matigilan siya. Bahagya akong humiwalay sa kaniya para titigan siya. Nakatatak na ata ang bawat detalye ng mukha niya sa isipan ko. And I know that I'm going to have a really hard time trying to forget that face.

Tuluyan ko na siyang binitiwan. Then just that, I started to cry. Umiwas ako ng tingin sa kaniya para hindi niya na makita pa, I just can't help it. I really just can't help it. I know I look really pathetic right now, pero anong magagawa ko? Mahina ang loob ko. And this shit. This shit is giving me so much pain and I can't handle it.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now