(38) Thirty-Eight

189 26 5
                                    

 ALEXIS

"Eat," mahinang sambit ko saka inilapag sa sahig ang kainan ni Chuchu. May laman itong dog food at alam kong gutom na siya. But strangely, hindi niya iyon ginalaw. She was just staring at me.

"I know, bud. I know." Inabot ko ang ulo niya at hinaplos iyon. "Mas blooming ka pa sa 'kin, good for you."

Natigilan ako nang dumapa siya sa sahig habang nakatingala lamang sa akin. At kung kaya niya lang magsalita, alam kong awang-awa na rin siya sa 'kin. Kahit naman ako naaawa na sa sarili ko.

At hindi na ako maka-punta kay Nora dahil lagi akong lasing. Hindi ko alam kung ilang araw o linggo na ba, pero tawag nang tawag sa akin sila Jalisco at wala akong balak na makipag-usap kahit kanino. Kaya naman binilin ko sa guard na huwag magpapa-pasok ng kahit sino sa miyembro ng pamilya ko.

Pero nagkamali ako sa sinabi kong iyon dahil may nakalimutan ako--

"Aileen, please leave me alone," anas ko saka tumayo at nilingon siya. Nakatayo siya sa pinto ng unit ko at medyo malaki na ang tiyan niya.

She's pregnant. Hindi ko alam kung sa akin iyan. Wala akong pakialam. Kung sa akin, edi paninindigan ko. Ewan. Hindi ko alam. Maybe I should just die so I won't be thinking about some depressing shit anymore.

"Leave you alone?" kunot-noong tanong niya. "I am pregnant. This is your child!"

God.

"And?" sarkasmong tanong ko. "Sadly, hindi uso ang kaso ng lalaki na pinagsamantalahan, Aileen. It's sad, actually. At iyon naman talaga ang ginawa mo. You're such a slut."

Nag-igting ang panga niya at mukhang nairita siya sa sinabi ko na siyang totoo naman.

"If that's my child, so be it. Hindi ko naman pababayaan ang bata."

"I want you to marry me," demand niya pa. "Why won't you just accept it? Hindi na babalik si ate."

"And?" tanong ko muli. "Alam ko na 'yun, puwede bang manahimik ka na?"

Naririndi na ako. I don't wanna talk to anyone. Especially to this woman. I don't want to hurt her kaya pinapanatili ko ang distansiya naming dalawa. Kasi kapag nalapitan ko siya, God knows kung anong kaya kong gawin. I'm bigger than her-- way bigger, and I could just crush her skull then shoot myself. I could just do that-- pero nasa katinuan pa ako at alam kong hindi ko puwedeng gawin iyon.

"Alexis, please!" desperadang aniya. "Please, just be with me. May anak ka na sa akin, and this child needs you."

"I know, but I can't marry you. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo." Malapit palang, pero kahit tuluyan na akong masiraan, hindi ko siya pakakasalan.

Kaya kong panindigan ang bata, pero ang matali sa babaeng hindi ko naman mahal? Nah, that's bullshit.

"I can kill this child, you know," pambabanta niya pa sa 'kin.

Mahina akong natawa. Sumandal ako sa counter at pinag-krus ang mga braso ko. "Then do it. Mukha bang may pakialam ako?"

"But this is your child!" tili niya saka humakbang palapit sa akin. At hindi ko talaga alam kung saan niya nakukuha ang kapal ng mukha niya. She needs to stop this. Ewan ko kung anong dapat kong gawin para tumigil siya. Except of killing her, of course.

"I know and I don't care. Hindi ko ginusto iyan at mas lalong hindi maganda kung ikaw ang magiging ina ng bata."

"What?"

"Hindi ka naging mabuting kapatid, Aileen. Sa tingin mo ba kaya mong mabuting ina?" Mapakla akong natawa. "You need a fucking reality check."

"Fuck you!" asik niya saka padabog na lumabas at pabalbag na isinara rin 'yung pinto.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now