(34) Thirty-Four

272 43 7
                                    

   Warning: This chapter may trigger some readers. I know I fucked up, sorryyy. Readers' discretion is advised.

NORA

Nakahiga ako sa kama ko at tulala lamang ang paningin ko sa kisame. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sa palagay ko, madaling araw na. Hindi ko alam kung makakatulog pa ako, mas magandang hintayin ko nalang siguro ang umaga kasi kapag nakatulog ako, hindi ko ma-a-asikaso si Cora. Ilang oras palang din kasi ang pagitan mula nang pumunta rito si Aileen at hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya.

At hindi ko alam kung bakit kailangan pang maging ganito?

Nora, sampung taon na ang nakalipas, hindi mo pa rin ba kaya maging maayos? Hanggang ganito nalang ba tayo?

I don't wanna die. I don't wanna kill myself even my mind is telling me to. Ayokong iwan ang anak ko. Ayokong gayahin si mama.

Mariin akong napapikit. Kahit hindi ko sinasadya ay nakatulog ako. No. Hindi ako nakatulog. Pakiramdam ko lang ay nananaginip ako kahit gising pa naman ako. Dahil pag-gising ko kasi, nakahiga ako sa dati kong kama. Doon sa dati naming bahay kung saan tiniis ko ang impyerno.

Malalim na ang gabi. Umupo ako sa gilid ng kama ko habang pilit akong tumititig sa madilim na pinto ng silid ko.

Nananaginip ba ako? Hindi ko alam.

Napalingon ako sa aparador kung saan may salamin na nakasandal doon. Ah. It's me. Why am I young there? My reflection, it was me, but younger.

Maliit akong napangiti. Malamang ganito ang magiging hitsura ni Cora kapag tumuntong siya sa edad na kinse o disi-sais. Kamukhang-kamukha ko kasi ang batang iyon.

Nawala ang ngiti ko.

Dapat ba akong matuwa kasi hindi niya naging kamukha si papa? Siguro nga. Kasi kung pati si papa ay kamukha niya. Siguro ay RIP nalang sa akin.

Pero wala naman akong pakialam. Ang anak ko ay mananatiling anak ko, walang mababago roon. Wala siyang kasalanan sa kahit anong nangyari sa akin. Siya ang bunga ng ginawa sa akin ni papa, pero wala siyang kasalanan at mahal na mahal ko ang batang iyon. Ang daming pinag-daanan ko bago ko siya isilang, ngayon pa ba ako mag-iisip ng hindi matino?

Nagitla ako nang tumunog ang pinto. Agad na nabalin ang atensiyon ko roon at nag-adjust na ang paningin ko sa dilim. Kita kong bumubukas ang pinto, dahan-dahan, at dinig ko rin ang mahinang langitngit nito.

Bahagya akong napa-atras sa kinauupuan ko. Napalunok ako at ramdam kong kumalabog ang dibdib ko. Kahit malamig ay pinagpapawisan din ako. Nalimutan ko na ang tungkol kay Cora. Hindi ko na maalala kung sino ba siya sa buhay ko.

Unti-unting bumubukas ang pinto. At nang makita kong may matang sumilip sa uwang no'n ay tahimik akong napa-hikbi.

Pinapanood ako ng mga mata na iyon. Ramdam ko. At natatakot ako. Lalo na nang dahan-dahang bumukas lalo ang pinto at nakita ko na nang tuluyan si papa. Bahagya siyang nakayuko at nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa akin.

"'Di ba sinabi kong matulog ka na?" mahina ngunit madiing sambit niya.

Mariin akong napalunok. "P-Papa..."

Nang narinig niyang tinawag ko siya ay unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi niya. Amoy ko rin ang matapang at mabahong halimuyak ng alak. Uminom ulit siya. Palagi niya namang ginagawa iyon.

Tumayo siya ng tuwid at mas lalo akong natakot sa katotohanang hindi ko kayang lumaban. Hindi ko kayang lumaban sa kaniya. Malaki siyang tao at kahit anong gawin ko, ibabalbag niya lang ako at wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now