(25) Twenty-Five

267 47 18
                                    

   NORA

"And here it is, our final night alive. And as the earth runs to the ground, oh girl, it's you that I lie with..." mahinang kanta ko habang tinititigan ko siya.

She's beautiful. And her name's Cora. Ka-tunog ng pangalan ko. It's simply because she's my daughter and she's mine.

"Hindi ka bagay at ang anak mo rito," natatawang sambit ni Nanay Josie habang tinutupi ang kumot niya. "Hindi talaga pantay ang batas. Kung sana lang magkaroon ng himala at mailabas ka rito."

Mapakla akong natawa.

Himala? I don't believe in that shit.

Pero tanggap ko na. Unti-unti kong tinatatak sa kokote ko na mas magiging maayos ang buhay ng anak ko kapag kinuha siya sa akin.

Anong gagawin niya sa loob ng bilibid? Papanoorin kung paano ako mamamatay sa selda ko? Kung paano namin nililinis ang mga dumi rito? Anong kakainin niya? Ang mga pagkain dito na... Hindi. Ayoko. Kahit masakit sa akin, ibibigay ko siya. Makakapag-aral siya at magiging maayos ang buhay niya. Ayokong matulad ang anak ko sa akin. Ayoko nang gumawa pa ulit ng maling desisyon.

"Wala ka bang naging boyfriend, Nora?" biglang tanong naman ni Nanay Rosa. Siya ata ang pinakamatanda rito at siya ang pinakamatagal. Kaso niya? Murder din. Pero walang kasalanan ang pinatay niya--dala lang ng droga sa sistema niya.

Ngiwi ko siyang nginitian. "Meron po, isa. Break na kami."

"Aba't bakit?"

Eh.

"Malay ko sa kaniya," sagot ko lang saka nag-kibit-balikat.

Ayoko nang maalala iyon. Ang laki ng kasalanan ko kay Alexis at alam kong galit siya. I know him. Napaka-taas ng pride no'n at ang ego niya rin-- no comment. He's complaining because I'm a Libra. But bruh, he's a fucking Leo. And you know what that means lalo na kung mahilig ka sa Astrology. Buwisit na Alexis iyon at gustong-gusto niya lagi ng atensiyon.

And I know. I know na galit talaga siya sa akin at alam kong hindi na mawawala iyon.
It's Alexis fucking McGregor, I expect him to hate me to death. And that's fine, I know how to push his buttons. It's one of the reasons why I loved him, anyway.

Natigilan kaming lahat nang may pulis na nagsalita sa labas ng selda namin.

Ah. Siya si Sir Cambe. Sir ang tawag ko sa kaniya rito kaya niloloko niya ako kasi masyado raw akong pormal.

"Fernandez," tawag niya sa akin, pabulong.

"Po?"

"Laya ka na."

Ha?

Natigilan kaming lahat dahil sa sinabi niya. Bahagya siyang yumukod sa mga bakal at mariing tumitig sa akin. "Nora, makakalaya ka na. May mayamang umasikaso sa kaso mo."

"Ha?" takhang tanong ko. "P-Pero malinaw po sa korte na wala akong pag-asa pagdating sa paroles. Hindi na ako makaka-laba---"

Binuksan niya ang selda. Kahit naguguluhan ako ay tumayo na lamang akong bitbit ang anak ko. Napalingon ako kina nanay at sinenyasan lang nila akong sumunod nalang sa pulis.

"A-Ahm--"

"Sumunod ka nalang sa 'kin, Nora. Huwag ka masyadong mag-isip at kapapanganak mo palang," ani Sir Cambe at pina-una akong maglakad.

Napa-lunok ako at napa-yakap sa anak ko. Lalo na nang makalabas ako ng gate palabas ng gusali at nang tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko, ramdam at alam ko na talagang nasa labas na ako.

Pero...

B-Bakit...

P-Paanong...?

Mula sa labas ng main gate ay may nakita akong taong tila naghihintay. Parang kilala ko siya. Namumukhaan ko at--

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now