(14) Fourteen

246 34 9
                                    

ALEXIS

"Ang panget ng bahay mo, gurl," bored na lait ko habang ngumu-nguya.

Ngumiti siya ng maliit. "Oo. Kasing pangit ng ugali mo."

"Hey!" ungot ko. "What's with the attitude, huh? I'm just kidding! Nagbibiro lang, ih..." asik ko saka inirapan siya. Inirapan niya rin ako at nagpatuloy siya sa pag-kain.

Hmf. Sungit.

Tinitigan niya ako sa puwesto ko. "Nagbibiro ka?" she asked. "Ako hindi."

What!

Tinaasan ko siya ng kilay. Pero narinig kong tumawa ang kapatid niyang mukhang mahadera kaya natigilan ako at napa-tingin sa gawi niya sa lamesa. Sa pagkaka-alam ko, naka-apat na hita ng manok na siya. At mukha talaga siyang mahadera, mukhang bully. Pretty din siya, kaso maldita ang dating. Si Nora Aunor kasi, pretty na mukhang mabait—which is hindi at nevaahhh.

"Ate, doon ako pala ako sa kabila mamaya matutulog," aniya. Nagitilan naman si Nora at kunot-noong hinarap ang kafated niya.

"Akala ko ba ayaw mo ro'n?"

Ngumiti ang bata. Well, bata kasi siya for me. "Hindi, okay lang."

Meh.

Tapos ay tumingin sa akin iyong kafated nga ni Nora. Ngumiti siya sabay tayo. "Enjoy kayo, 'wag masyado maingay." Dinig ko na sinabi niya iyon bago pa siya mawala sa paningin ko. Pumasok siya sa isang pinto, katabi ng isa pang pinto na may nakadikit na cutie na stickers.

HA?

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-gets ko kung anong sinabi ng kapatid ni Nora. Nang tingnan ko naman si Nora, eh, parang... hindi niya na-gets? Kasi abala lang siya sa pag-kain tapos...

"Hoy, ano bang tinuturo mo sa kapatid mo at ang green minded, ha?" asik ko sa kaniya.

Tiningala niya ako at tinaasan ng kilay. Then she chuckled. "Mukha ka kasing gagawa ng hindi maganda, ayan tuloy."

Grr!

"Hey!" asik ko. "How dare you, hindi ako magkaka-interes sa 'yo, yucks!"

Hindi siya sumagot. Pinagpatuloy lang niya ang pag-kain. At kung ako ang tatanungin, masarap naman siya magluto. Nagluto siya ng Fried chicken at Pork Asado. Sarap kaya. Not bad. Saka... maasikaso siya sa bwisita. Yes, bwisita. At ako iyon. Ang pinaka-pretty na bwisit sa lahat.

"You know, sa America, normal lang na makipag-hook up with a young age, 13 years old, ganern, minsan nga 12 lang," kwento ko. "One night stands kemelut."

Well, mga pinsan ko sa America, mahaharot. Dami boylets. Kadalasan sa side ng mga McGregor. Palibhasa natural nang mahaharot ang mga tito ko kaya napasa na sa sunod na generation ang kalandian nila. Harhar!

"Edi uso rin sa 'yo 'yun?" ngunguya-nguyang tanong niya. "Iw."

"Ew, gaga, hindi po," sarkasmong sagot ko agad. "I'm virgin and young kaya!"

She smileds. "Good for you." Tapos ay nalipat ang paningin niya sa 'kin. "Save mo 'yan para sa 'kin."

WHAT?!

Akmang magrereklamo palang sana ako nang tumayo siya at kinuha ang mga pinag-kainan namin. Hindi ko siya tutulungan kasi pretty ako. Pinanood ko lang siyang maghugas sa lababo nila, with her hair na nag-s-sway-sway pa sa bawat galaw niya.

Gosh, why is she so pretty, anyway? Ano kayang hitsura ng mama niya? She must be so pretty kasi hindi naman kamukha nila Nora ang... yeah... hindi nila hawig... 'yung papa nila.

That guy—

—the reason why I am here.

Humalumbaba ako sa lamesa nila. I'm watching her, para akong masusuka sa kaba kasi obvious namang tatanungin ko siya mamaya. But she seems peaceful though. Mukhang okay siya ngayon. Hindi siya mukhang stressed. Siguro kasi nga, tulad sa narinig ko kanina, hindi raw uuwi ang papa niya. Kasi kung uuwi iyon, malamang pina-alis niya na agad ako.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon