(30) Thirty

344 52 14
                                    

 NORA

Tuesday na. Dalawang gabi mula nang huling pag-uusap namin ni Alexis. Nag-leave ako at absent din si Cora ngayon. Katulad ng sinabi ko, lalabas kaming dalawa and she was really excited kaya agad din akong nagpaalam para mag-leave ngayon araw.

Saka...

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

Alam ko ring magtatanong siya nito pero hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong i-sagot ko kung dapat ko ba iyong sagutin. So I just smiled at her instead. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami patungo sa pakay ko. Alam kong magugustuhan niya talaga rito.

At sa tanong ni Cora... she was asking about her father--her real father. But I can't tell her the truth. I just... I can't. This will affect her while she's growing up. At ayoko ring isipin niya na hindi ko gustong mabuhay siya dahil nanggaling siya sa kasalanan ng ama ko.

"Sana nabuhay nalang siya," ani Cora habang kumakain ng ice cream. "'Yung kapatid ko po na sabi mo inalagaan mo ng mabuti."

Yeah. Hindi ko rin alam ang kasarian niya. But I think, it's a boy tulad nalang ng sinasabi sa akin noon ni Aileen. Oo, si Aileen.

"Matutuwa siya sa mga laruan at bulaklak na binigay mo kanina," sambit ko saka nginitian siya. Yumakap siya sa tagiliran ko at sumubsob doon habang naglalakad kami.

Dinalaw namin ang kapatid niya. Palagi naming ginagawa iyon kapag may oras akong libre.

"We're here," sambit ko nang makarating kami sa pakay ko. Nang tingnan ko si Cora ay nakanganga siya at nabitiwan niya ang ice cream. Naiiling na natawa ako at pinulot ang nasayang na pagkain. Inilagay ko muna iyon sa plastic at mamaya ko na itatapon.

"What... is this place?" ngangang tanong niya habang tinititigan ang labas ng shop na hinanap ko pa sa Google Maps last week. Naghanap talaga ako ng lugar na ganito. Kahit gaano ka-layo ay dadayuhin ko talaga.

"They sell stuff here. Like crystals and Tarot cards. You like those, right?"

Tinulak ko ang glass door dahilan kaya tumunog ang chime. Pagpasok namin sa loob ay walang tao pero may babaeng nasa counter at nagbabasa ng libro. Hindi kami pinansin ng babae pero sinulyapan kami nito saglit. Mukha siyang masungit. But anyways, ang ganda ng interior ng store nila. Wood ang style ng pader at kisame. Cozy. At bago sa paningin ko rin ang mga bagay na ibinebenta nila.

May nakapaskil din na huwag daw maingay at bawal ang pagkain.

"'Ma, gusto ko 'yun!" mahinang tili niya saka tinuro ang mga necklace sa isang estante. It's, uh, necklaces na ang pendant ay Zodiac symbols. Nilapitan namin iyon at tiningnan isa-isa ang mga designs.

"Hey, Leos are up here," ani ko saka inabot ang isang necklace at binigay kay Cora. I like the Libra one, too, kaya kumuha ako at inilagay sa maliit na cart na kinuha ko sa gilid kanina.

"I like this," ani Cora. "Can I have it?"

Tumango ako. "Yep. Lagay mo rito sa cart." At nilagay niya iyon agad sa loob.

Nag-ikot kaming dalawa, at tulad ng inaasahan ko, she picked those Tarot cards na may cool designs. Iyong kinuha ni Cora ay may nakalagay na Witches Tarot sa box at may pangalan na ELLEN DUGAN sa bandang itaas. Cool. Then, uh, meron ding ano, Oracle cards? I'm not sure, but since si Cora ang kumuha ng mga iyan at mukhang alam niya naman ang gusto niya, then go. And she looked really happy. Hindi ko nga alam kung dapat ba sa edad niya ito, pero gustong-gusto niya kasi at chinicheck ko naman ang bawat kinukuha niya kung walang nakalagay na hindi pwede sa bata. Meron kasi akong nakitang Oracles kanina na for Sex ba. Hindi ko alam na marami palang pagpipilian niyan.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon