(11) Eleven

385 48 26
                                    

NORA

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang silbi ko sa mundo. Bakit sa dinami-rami ng mga sperm cells na nakikipag-karera ay ako pa ang nakarating sa finish line?

Bakit ako pa?

Bakit?

"Stop reading that," sita ko kay Aileen. Kapatid kong mas nakaba-bata sa akin ng isang taon.

"Bakit ba nangingialam ka?" pabalang na tanong niya sa akin habang naka-tutok ang paningin niya sa libro.

Napa-buga ako ng hangin at ipinag-patuloy ang pag-aayos ko sa aming pinag-kainan. Nalagot ako kagabi kay papa. Nalagot talaga ako, sobra. Hindi ko nga alam kung paano ko... tsk. Nevermind.

Saglit na nilingon ko si Aileen. "Mali ang pagkaka-intindi mo sa pedophile, Aileen, ano ba?" pigil na inis na tanong ko. "Hindi magandang basahin 'yan lalo na't wala ka pa sa edad."

Inirapan niya lamang ako.

"Do you even know what is a pedophile?" mahinahong tanong ko muli. "Stop reading that. Marami akong libro sa taas."

At... pedophile? Simpleng sagot lang. Ang ama ko. Ang tatay namin mismo.

Hindi ako pinansin ni Aileen at narinig ko pa ang pabalang niyang mga bulong.

"Putangina, Aileen!" hiyaw ko saka ibinagsak sa lamesa ang mga plato. "Hindi ka ba makikinig sa akin?!"

At kanino niya ba nakuha ang pesteng libro na iyan? A relationship between a 9 year-old kid and a 30 year-old adult? Is that even normal?! That. Is. Not. Romance! Why are these people normalizing that shit?!

"Ano ba kasing pakialam mo?!" asik niya sa akin. "Nagbabasa lang naman ako, bakit ba nangingialam ka?!"

Naputol na ang pagti-timpi ko. Nilapitan ko siya at agad na pinagsa-sampal ng ilang beses sa magkabilang pisngi. Hanggang sa ako na mismo ang tumigil dahil sa nanakit na mismo ang mga palad ko.

Humihikbi siyang napa-hawak sa mga pisngi niya. Pero wala akong pakialam. Pagod na ako sa araw-araw na ganito. Pagod na ako. Hindi ba puwedeng makapag-pahinga manlang ako? Na kahit isang araw ay tumahimik ang utak ko?!

"Wala kang utang na loob, hayop ka," madiing sumbat ko sa kaniya. "Palibhasa, wala kang alam sa nangyayari sa pesteng bahay na 'to. Wala kang alam."

Ma-pakla akong natawa. "Ni pag-aaral ng maayos hindi mo magawa. Ayan, tumanda kang tanga."

Galit na tinalikuran ko siya. Agad kong binalikan ang mga huhugasan ko sa lamesa. Kinuha ko ang mga iyon saka ko dinala sa lababo.

Tahimik akong nag-hugas. At nang matapos ako ay nilinis ko ang bahay. Ilang minuto nalang din kasi ay pauwi na si papa. Si Aileen? Hindi ko alam kung magus-sumbong siya, pero sanay naman na akong malintikan. Bahala siya sa buhay niya.

Nanginig ang mga kamay ko nang eksatong nadinig ko ang pagbusina ng motor ni papa sa labas. Napatigil ako sa pagpu-punas ng mga bintana, saka ko madiing nakagat ang sarili kong labi.

Tangina.

Magiliw na lumabas si Aileen kahit na ka-ga-galing niya lang sa pag-iyak.

May tumakas na luha sa mga mata ko, na agad ko ring pinunasan. Nang bumukas ang pinto ay agad na hinahanap ako ng paningin ni papa. Nag-tagpo ang aming paningin—ang mga mata niyang kahit sa panaginip ay hindi ako nilubayan.

"Nandito na pala ang maganda kong anak," aniya saka ngumisi ng nakakaloko.

Napa-iwas ako ng tingin at nanginginig na ipinag-patuloy ang ginagawa ko.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt