(20) Twenty

317 49 15
                                    

A/N: Wala akong galit sa mga Libra dahil ako'y isa ring Libra. HAHAHASHA

ALEXIS

I didn't know that loving her was scary. Or baka OA lang talaga ako? Am I just overreacting? Or...

"Hey, bro. Calm down," ani H. "Hindi ka niya iiwan, ano ka ba? Saka..." Napa-kamot siya sa ulo niya. "Masyado pa kayong bata and she's also your first girlfriend. I mean... Ano, eh..."

"You're thinking that this is just a puppy love?" mapaklang tanong ko. "Mukha bang puppy love 'to? We've been together for 1 year and 3 months."

"I know, I know." He sighs. "Mukha siyang may tinatago sa totoo lang..." I know. "...'wag ka sanang magalit, bro. Pero, paano mo naman nasabing iiwan ka niya?"

"Basta alam ko lang." At ramdam ko iyon. Isa pa, minsan nagpa-pahiwatig na si Nora sa akin. Pilit ko siyang kinakausap kung anong problema niya. Kung ano bang iniinda niya. Pero tulad ng dati, wala naman siyang sinasabi. I tried asking her friends, her own sister, but nothing. Wala silang sinasabi. At nagagalit ako dahil para naman kay Nora iyon. I hate to think that they're acting so fucking selfish.

"It's about her father," ani H. "Yo, sa ating tatlo, ako ang pinakabobo, pero halatado namang may problema sa tatay niya. Maybe nalaman ng papa niya na may relasyon kayo, then sinabi ng papa niya na hiwalayan ka niya."

"At kapag hindi niya ginawa, may consequences." Biglang may nagsalita sa likuran namin.

The fuck?

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. At napataas ang isang kilay ko nang makita kong si Jalisco iyon. Nag-uusap kasi kami ni H sa labas. Naka-puwesto kami sa hagdan at nakakapag-takhang um-epal ang hubad kong kapatid. May hawak pa siyang apple at ngunguya-nguya ang buwisit.

"The hell are you doing here?" asik ko.

"Chill, I'm just sharing my opinion here. I'm not planning to steal your girl even though I really wanted to."

Asar ko siyang sinamaan ng tingin. "You're really an asshole."

"Hindi ka pa nasanay?" iiling-iling na sambit ni H. "Kahit namang anong landi ni Jalisco kay Nora, hindi papatulan ni Nora 'yan."

Tss.

Napa-irap ako.

Hindi ko nalang pinansin si Jalisco at bumalik nalang ako sa pwesto ko.

"It's the father," ani Jalisco sa likuran namin. "I assure you, Alexis. It's the father."

The father, huh?

"Ayaw ni Nora magsalita," halos bulong nalang na sambit ko. Napayakap ako sa mga tuhod ko habang naka-titig ako sa labas.

Buti pa si Ate Alexa, healthy ang love life. Humaharot lang sa kapitbahay. While here I am, dealing with a complicated situation.

"Obviously, there's something bad about her father kaya ayaw niyang magsalita."

"Her father is a bad news." Si H.

Hindi na ako sumagot pa. Sakto ring tinawag na kaming tatlo ni mama para kumain. Pero hindi ako nakakain ng maayos. Hanggang sa nasa higaan na ako. Ang mga kambal ko, tulog na.

Kinabukasan, maaga akong pumasok because I know that Nora is already on their classroom. Hindi nga ako nagkamali. Nang magtagpo ang paningin namin, parang gusto kong maiyak. Bukod kasi sa wala akong tulog magdamag, hindi rin siya nagre-reply sa kahit anong text messages and chats ko. Ni sumagot nga sa tawag ko, hindi niya ginawa. Hindi rin siya nagpahatid sa akin kahit nagpumilit ako. I know some people might think that I'm overreacting, but I am really scared.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now