(5) Five

425 49 27
                                    

ALEXIS

"Bakit ba ayaw mong kumanta?" asar na tanong ni mama sa akin. "Come on, sing! Sina-sayang mo ang talent mo, aba!" Inambahan niya ako ng suntok but I didn't care, duh. I'm too pretty to mind them. Saka wala ako sa mood kumanta, ano! Na-ubos lang naman ang pera ko kanina, kaya nope. I won't sing. Never!

Saka ew! Sing? Me? Like, duh? Ayoko nga! Masyadong lalaki ang boses ko kapag kumanta ako! Masisira ang dignidad ko at ang pagka-babae ko!

"Ayoko po, yuck," sambit ko saka umirap kay mama. Nanlaki ang kaniyang pretty blue eyes, at mukhang GG na naman siya sa ka-gandahan ko. Aba't sa mama ko lang naman na-mana ang kakaibang alindog ko. Malakas ang dating ng aking momshie. Sexy and gorgeous like me. Hihi.

"Aba't, lintek na baklang 'to!" asar na sighal sa akin ni mama, then luminga siya sa pwesto ni papa. "Peste ka, Marshall! Kasalanan mo 'to kaya naging ganito itong si Alexis, eh!" hiyaw niya kay papa.

Si papa na naman ang sinisi ni mama. Buwahahaha!

Mula sa hapag-kainan ay nanlulumo na nilingon kami ni papa. "So, kasalanan ko pa?" Tapos ay ngumisi siya bigla ng nakakaloko. "Duh? Ano ka ba, sis? Hayaan mo siya, haler? He doesn't want to sing so let him be, ew." Saka pumilantik ang hinliliit niya.

Napahalakhak ako. Si mama naman ay masama ang titig sa amin ni papa. Buwahahaha! OMG, he nailed it!

"Sa labas kayo matutulog, ha," sambit ni mama saka tumayo mula sa pagkaka-salampak niya sa sofa na ka-tapat ng couch na inuupuan ko. Nilayasan niya kami. Asar siyang nag-lakad palayo sa amin, at kahit short shorts at sando lang ang suot niya, defining her sexy body, hindi pa rin maalis sa kilos niya ang pagiging maangas. Ahihi.

I love my mom, too, ya know. Kahit na mahilig din siya sa magaganda. Hehe.

Ngunit saglit lang ay nagka-tinginan kami ni papa, nanlalaki ang mga mata namin parehas.

Oh my, sa labas kami matutulog?!

"Ikaw kasi, eh! Bakit ayaw mong kumanta?!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni papa.

Napa-irap ako ng bongga.

Ako naman ang sinisi niya ngayon, eh siya nga itong nagba-bakla-baklaan! Grr!

Saka isa pa. Ayoko talagang kumanta kasi nga my voice is disgusthang, and I hate it!

"Tsk," ani papa saka isinara ang laptop niya. Nauna siyang tumayo. "Halika, doon tayo sa garahe."

Napa-nguso ako.

Masisira ang skin ko!

*********

Walang naganap na beauty rest sa akin kagabi because obviously, my dad and I slept outside. Magagalit si mama kapag hindi kami sumunod, 'no! She's the Queen and the King of our family. Ang hindi susunod, walang baon ng isang buwan! Naubos na nga ang baon ko ka Nora Aunor, tapos mawawalan pa ako ng extra income kay mama, edi kawawa naman ang magandang ako?

"How's my performance?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang may mahaderang sumulpot sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay naka-silip pala siya sa akin. And she's smiling so widely na naman. Tsk! Kumikinang-kinang pa sa tuwa ang brown eyes niya, and as usual, naka-ladlad pa rin ang long hair niya.

Napa-irap ako. "It's okay."

Performance sa report ang tinu-tukoy niya. Nag-report kami sa AP kanina and siya ang pinili ko. Kasi kahit hindi ko aminin sa maganda kong sarili, magaling talaga siyang mag-paliwanag. Siya ang kinuha ko kasi ayoko ng mababang grade dahil sa mga pabigat kong mga ka-group mates. Kaming dalawa lang ang kumilos, tsk!

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon