(2) Two

447 38 13
                                    

ALEXIS

"Seriously, mooom?" atungal ni Jalisco habang pilit siyang hini-hila na mama patungo sa gawi namin ng mga kapatid ko. He's so stubborn talaga! Like, haler? Minsan lang kami dal'hin ni mama at papa sa ibang bansa, tapos aangal pa siya? My gosh talaga!

But anyways, ayoko rin talaga sumama. Hmp. Kinuha lang kasing judge ang papa ko para sa isang contest chuchu rito sa Australia. At dahil kinuha nga siya, pumayag naman ang tatay ko. Kaso ayaw niyang sumama mag-isa, kaya naman inaya niya si mama.

Kaso ang problema, eh, ayaw ni mama na siya lang ang kasama kaya binitbit nila kami! It ain't fair! Bakit pati ako?! Saka bakit hindi sinama si Ate Alexa at sila kuya? Bakit kaming tatlo laaaaaang?!

"Ayoko rito!" atungal muli ni Jalisco. "Wala akong interes sa Folk Dance, okay? I'm not a fan of folk dances! Boring iyon!"

Totoo naman. Tse.

Biglang kinotongan ni mama si Jalisco. "Sira-ulo. Bayad 'to. Ano ngayon kung boring, ha? Ang mahalaga, may bayad," ngisi-ngising sambit ni mama sabay hila sa pulso ni Jalisco patungo sa gawi namin.

Naiiling na naunang nag-lakad si papa. Ang kambal kong si H ay nasa tabi ko naman at nanatiling tahimik. Siya lang yata ang natutuwa ngayon. Tamad kasi mag-aral ang isang ito kaya pabor sa kaniya na excuse siya sa school ng 4 days. Sana all masaya, hindi ba?! Kagigil.

"Ma? Pa? Where exactly are we going?" tanong ko habang sumusunod sa kanila. Walang snow ngayon pero napaka-lamig kaya naman balot kami ng jacket. Marami ring tao at halos walang pakilamanan ang mga gaga. Iba pa rin talaga sa Pilipinas. May nag-su-suntukan sa gilid, may hinu-huli ng MMDA, may nasa-sagasaan bigla kasi tumatawid sa hindi tamang tawiran, ganern. HAHA! I'm so proud! Pak na pak sa Philippines!

"Cathedral," sagot ni papa saka hinila ang pulso ko para maka-sabay ako sa pagla-lakad nila. "Hindi kayo mabo-bored doon, basta pay attention lang."

Napa-irap ako ng bongga. Malamang siya ang hindi mabo-bored. Boring din kasi siya. Hmp!

Hindi nalang ako pumalag pa. Nagpa-hila na lamang ako kasi naman gurl, ano pa bang magagawa ko? Kung tatakas ako, saan naman pupunta ang beauty ko? Ayokong ma-tegi nang dahil sa wild animals. Like, rawr.

Hanggang sa naka-rating nga kami sa destinasyon namin without riding a taxi manlang. Well, walking distance naman talaga siya mula sa hotel na pinag-stay-an namin.

Nang maka-pasok kami sa loob ay maraming tao, malakas din ang music pero hindi masakit sa tainga. And it's a cathedral nga. Napaka-laki at ang ganda! Literally na napa-nganga ako. OMG.

Naka-tunganga lamang ako habang pina-pasada-han ko ng tingin ang paligid. Gold. Everything's gold. Mula sa mga paintings, hanggang sa mga detalye sa pader ay napaka-perpekto.

Yeah, I don't like the idea na ang daming tao rito, pero tama nga si papa, hindi ako maba-bagot dito. Sa pag-tingin palang sa paligid, marami na akong mapag-li-libangan.

"Sakto lang tayo," dinig kong sambit ni papa pero hindi ko sila pinansin. Hinayaan kong hilain ako ni Jalisco patungo sa kung saan. At nang ibalik ko ang atensiyon ko sa mga kasama ko, nasa likuran na pala kami ni papa. Si papa ay naka-upo sa harap ng isang mahabang lamesa kasama ang iba pang mga tao.

And yep. Simula na nga. May magpe-perform na, but I don't care. This place is too beautiful. I can't miss this chance, ano. Kaya naman kinuha ko ang cam ko at umalis ako sa pwesto namin. I took pictures. Every detail, hindi ko pina-lampas. Hindi ko nga alam kung gaano ako ka-tagal sa kaka-libot sa paligid, malayo sa mga tao at sa mga kapatid ko. Basta nang bumalik ako, ma-lo-lowbat na ang cam ko at lagpas 600 photos ang kuha ko.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now