(29) Twenty-Nine

287 47 5
                                    

 NORA

Muntik na akong matanggal sa trabaho.

I'm an idiot.

Well, tinalon ko ang counter and I punched him straight in the face. He deserved it. Siya ang dumayo sa akin at nagsimulang mambuwisit, nagawa niya halos na ipa-tanggal ako, and you know what?

I guess I need to stop finding Aileen because it's not worth it! Yeah, it's not worth it. Ayoko nang magpa-pasok ng mga buwisit sa buhay ko kaya bahala sila r'yan at mananahimik na ako. I still have mental issues at dadagdag pa sila? Nah, thanks. I'm good. Mabuti pa sila't walang iniintindi, eh, ako, marami. Kapal ng mukha nila para dumagdag.

Marami pa naman akong mapapasukang trabaho kung sakaling tinanggal nga ako. May ipon pa ako at kahit ba isang taon akong hindi magtrabaho, makakapag-provide ako sa anak ako. I'll stay here, lielow na rin para hindi ko na makita pa sila Alexis. But hindi ako natanggal--sadly.

Well, alam ko rin kung paano niya nalaman kung saan ako nagta-trabaho. Si Jalisco, remember? Iyan lang ang naiisip kong dahilan kaya nalaman niya kung saan ako.

"You lost your job?"

"Almost."

Nangunot ang noo ni Cora. Mula sa salamin ay tinitigan niya ako. "Why?"

I chuckled. "I punched a customer."

Napa-singhap siya at nilingon ako bigla. "OMG, why?!"

"Why are you shocked? You punched your classmate, too, right?"

Kumurap siya at nanlalaki pa rin ang mga mata niyang mabibilog. "Yes, 'ma. But you're kind, calm and collected. That customer must be a Leo for making you snap like that."

Natawa ako at ibinalik nalang ang atensiyon ko sa buhok niya. "Maybe he is."

Yeah, he is a Leo. And he's annoying. Really, really annoying. That Alexis, lumitaw lang siya pero trabaho ko agad ang nawala. Kailangan ko na talagang manahimik dito sa bahay at alagaan ang anak ko kapag nawalan na ako ng trabaho. Fuck saving money. Sa ngayon, mas mahalaga ang peace of mind ko or else I'm gonna lose my shit.

"Okay na," anas ko nang matapos ako sa pagbe-braid sa buhok niya. "Baba na tayo, I'll cook."

Tumango siya at agad na nanakbo palabas ng kuwarto niya. Sumunod din ako agad at nang matapos kong asikasuhin ang anak ko, saktong dumating din ang nag-aalaga sa kaniya. Agad din akong umalis ng bahay at pumasok na sa trabaho.

Napaka-init sa labas. Tirik na tirik ang araw at ang sakit sa balat ng araw. At nang pumasok naman na ako sa loob, sobrang lamig naman ng aircon. Hindi ko alam kung saan lulugar.

"Musta, Nora?" tatawa-tawang bungad sa akin ni Arki. Sa kabilang counter siya at siya lang ang kumakausap sa akin dito. "Nasapak mo 'yung guwapo kahapon, ah? Anong nangyari?"

Naiiling na natawa nalang ako. "Wala. Nairita lang ako."

"Kakilala mo ata, eh? Nag-uusap kayo, 'di ba?"

Hmff. Chismosa.

Hindi ko na siya pinansin dahil ayokong makipag-usap. 'Yan din ang dahilan kung bakit hindi ako gusto ng mga katrabaho kong babae kasi madalas na hindi ako nagsasalita. Feeling maganda raw ako.

Hindi naman feeling iyon. Maganda naman kasi talaga ako.

And yes, they talk shit about me, kesyo malakas daw ang kapit ko sa boss namin kasi malandi raw ako o ano. Dinig ko sila minsan na pinag-uusapan ako, pero wala akong pakialam. Kasi unang-una, hindi nila ako kilala. Wala silang alam sa buhay ko at ganoon din ako sa kanila. Mas mabuti nang manahimik kesa sa magsalita ako ng hindi maganda.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu