(18-19) Eighteen - Nineteen

370 51 7
                                    

 ALEXIS

It's good to see that she's having fun with my brothers. The only thing I don't like, is the fact that she's also having fun with Jalisco. Seloso na ako o ano, but I really don't like it. Not a little bit.

"Talo na naman ako?" asar na asik ni H saka pabagsak na sumandal sa couch. Poor him. Kahit kailan din naman, hindi ko natalo si Nora sa chess o kahit sa Uno at Tongits. Halimaw si Nora, and that shit makes me wanna strangle and kiss her at the same time. Tse!

Minsan iniisip ko nang masyadong perfect si Nora. But nope, she's not perfect. Hindi nga iyan nag-so-sorry kahit siya ang may kasalanan. Kailangan pa ako ang unang susuyo kahit na siya naman ang dapat na gumawa no'n dahil siya nga ang may kasalanan. Hmp!

"Tabi."

Agad na lumaki ang tenga ko nang itulak ni Jalisco paalis si H sa inuupuan nito.

Fucktard, I didn't gave him the permission to talk to my girlfriend! But what can I do? My parents are here and I just can't start a fight right now. Baka jombagin ako ng tatay ko, edi naalog ang pretty brains ko?

"Let me play," aniya saka mabilis na inayos ang chessboard at ang mga churaranes na nakalagay doon.

And then, nagsimula silang maglaro ni Nora. In the end, natalo rin siya ng bebe ko. At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Laking turn on kasi kay Jalisco iyon.

I mean, alam kong mas higit ng utak ni Jalisco ang utak ko so that means na halimaw din siya like Nora. At kung natalo siya ni Nora, alam niya sa sarili niyang hindi siya mabo-bored kung si Nora ang magiging babae niya.

Asshole.

Tumingin sa akin si Nora Aunor mula sa pwesto niya. She looks uncomfortable. Oh, I know. Jalisco's staring like a hawk. At wala pang damit ang punyeta.

Alam na naming maganda abs mo, Jalisco. Papansin ka?

Tumayo ako at nilapitan si Nora. Napatingala sa akin ang magaling kong kapatid at gusto ko siyang sabunutan ng bongga. He knows that I'm in a bad mood because of him. I mean, isn't it obvious, pipol? Nilalansdi niya ang bebe ko!

"Ililibot ko sa labas si Nora," paalam ko sa kanila just to be polite. Mula sa hapag-kainan, napa-tingin sa akin si mama at papa na nag-uusap kanina. Tinanguan lamang nila ako saka muli silang nag-usap ni papa. Ewan ko kung ano na namang chismis ang pinag-uusapan nila, pero alam kong tungkol na naman iyan sa company nilang chuchurara.

Agad na tumayo si Nora at mabilis na humawak sa kamay ko. See? Ayaw niya rito. Not because marami akong kapatid, iyon ay dahil kay Jalisco, kung makatitig 'kala mo mangangain ng buhay.

"Labas po muna kami," paalam din ni Nora kila mama saka kumaway.

"'Wag na kayong bumalik," ani H. "Itago mo 'yang shota mo, susuntukin ko 'yan."

Talagang itatago ko!

Hinila ko na agad paalis si Nora. At nang makalabas kami, nakahinga ako ng maluwag. Wala akong insecurities sa katawan dahil maganda ako at super sexy, ang problema ko lang, pagdating sa pagiging "lalaki", eh, naiirita ako kasi mahirap nga! Paano ko ba malalamangan iyang kambal ko? I don't know how and I know that I can't.

"I fucking hate that guy," simula ko. "Ayos ka lang ba?"

Nilinga ko si Nora sa tabi ko. Tahimik siyang tumango at yumakap sa braso ko.

"Akala ko wala siya ngayon. He's supposed to be with his girl," dugtong ko.

Yeah. May girlfriend ang gagong iyon na minsan niya nang dinala sa amin. 'Yung short-haired girl na mukhang Dora ang buhok. She's nice. Surprisingly nice for Jalisco. Mahinhin iyon at maliit na babae.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now