(33) Thirty-Three

303 48 14
                                    

  NORA

Naalimpungatan ako nang may ingay akong narinig. Napa-dilat ako at naramdaman ko pang naka-patong ang braso ni Alexis sa baiwang ko. Katulad ko ay mukhang nagising din siya at agad na umupo sa kama.

"What in the fucking world are you doing here?"

Nilinga ko ang pinanggalingan ng ingay.

Ah!

Jalisco?

Napa-upo ako at medyo antok pa na inayos ang buhok ko.

Nakatayo siya sa gilid ng kama. May hawak siyang cellphone na kasalukuyang nag-ri-ring at naka-simangot siya kay Alexis. "You dumb fuck. Iniwan mo ang phone mo sa bahay!"

"I did it on purpose!" asik ni Alexis saka napahilamos sa mukha niya. "Bakit pumasok ka lang bigla dito, ha?"

"Sabi no'ng cute na bata sa baba, pwede raw, eh." Ngumisi si Jalisco. "Akala niya yata iisa lang tayo and she called me her papa."

Argh. Cora.

"The dog didn't attack you?" tanong ko, kunot-noo. "Kahit magkamukha naman kayo ni Alexis, your scent is still different."

"Oh, yeah. The dog." Tumango siya. "Muntik na akong makagat. Pero kinuha agad no'ng cute na bata."

"She's my daughter." Napa-kamot ako. "Anong oras na ba?"

Nilinga ko ang side-table at nakita kong 6:30 palang. At Sabado ngayon. Ang aga naman yatang nagising ni Cora?

"Ano bang pakay mo?" inis na tanong ni Alexis saka hinugot ang nakatupi niyang T-shirt sa gilid at isinuot iyon. "Ang aga-aga pa!"

"Fuck you. May tawag nang tawag sa 'yo. Sa trabaho mo iyan," ani Jalisco sabay hagis ng phone kay Alexis na agad naman nitong nasalo. Nang mabigay niya na kay Alexis ang phone ay wala siyang paalam na lumabas ng kuwarto.

Inaantok na napa-higa muli ako.

"Hello?" Si Alexis. "Yeah... Huh? I already told you that... Yeah. I won't come back. Just fucking do it and-- what? I'm resigning, you idiot!"

Init ng ulo. Kunot na kunot ang ulo niya at halatado talagang badtrip siya. Kung bakit ba naman kasi nambulabog si Jalisco ng ganitong oras? Gusto ko pang matulog.

"Fine, fine. Go to hell," mariing mura niya saka pinatay ang tawag. Pabalbag niyang hinagis sa side table ang phone niya at iritableng humiga rin siya muli.

"Ano 'yun?"

"Tumawag 'yung manager ko."

"And?"

"Pinapabalik akong US. Kung aalis na raw ako, kailangan kong magpakita muna ro'n."

Oh. So, babalik siyang abroad? Saka akala ko naman kaibigan niya lang ang kausap niya kung sigawan niya iyong nasa kabilang linya.

"Aalis ka ngayon?" tanong ko saka napa-hikab.

Humarap siya sa akin at agad na niyakap ako palapit sa kaniya. "Yeah. Ngayon na sana agad para mabilis din akong makabalik."

"Hmm," sagot ko saka pumikit. Inaantok talaga ako. "Then go. Bakit kasi bigla ka lang umalis doon? You're darn stupid."

"I know," mahinang sagot niya saka humalik sa pisngi ko. "Can you... come with me?"

Umiling ako. "Ayoko. Kaya mo na 'yan."

"Seriously?"

"Yeah. Seriously."

"They're going scold me, Nora. I need you there."

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora