(8) Eight

277 37 16
                                    

ALEXIS

"Ma?" nag-aalangang tawag ko sa mader kong mahadera rin. Natigilan siya sa paglu-luto at agad na hinarap ako. Tinaasan niya ako ng dalawang kilay niyang on-fleek, her blue eyes were curious.

"Bakit?" tanong niya. "May babayaran ba kayo sa school?"

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. "Wala, eh... Hehe."

Muli siyang natigilan at napa-buntong hininga. Pinatay niya ang kalan at sa akin niya itinuon ang pansin niya.

Good thing wala sila ate. Ako nalang ang papasok. Wala rin si papa, malamang e-epal na naman ang gaga. Mawawalan ako ng chance tanungin ang maganda kong mother.

"A boy?" tanong niya. "Tsk, lagi naman," dugtong niya saka napa-kamot sa buhok niyang naka-undercut.

Yes. Balik undercut siya. But katulad ng dati, kahit anong ayos ng buhok ni mama, lagi niyang na-a-akit si papa.

Aba't sana all, kaloka!

"Hindi naman sa sinasabi kong 'wag kang mag-jowa, pero sa panahon ngayon, uso ang mga manloloko," aniya. "Isipin mo muna kung sincere ang lalaki. Matalino ka, alam mo iyan. Saka ipakilala mo sa ami—"

Agad na pinutol ko ang pag-sa-salita niya. "She's a girl, 'ma."

Natigilan siya at napa-tanga sa kagandahan ko. "Tangina, ano kamo?"

Nag-iwas ako ng tingin sa na-shookt niyang beautiful face. Ina-asahan ko nang magugulat siya, pero hindi ko naman ina-asahang mapapa-mura siya. Hehe. Sana pala hindi na ako nag-tanong.

"Hindi naman sa sinasabi kong may crush akong babae," sambit ko. "In case lang ba na meron, anong gagawin ko?" Pagak akong natawa. Mas fake pa sa friends mo ang tawa ko.

I heard her chuckled. "That'll make you a bisexual, Alexis. Hindi ka na magiging pure na beautiful unicorn."

E-Eh?

Nag-patuloy siya. "Saka ko lang din nalaman na bi ako noong nakita ko ang eight pack abs ng ama mo," aniya saka humalakhak ng nakakaloko. "Nasa isip ko, parang gusto kong hawakan. Yikes!"

"Eww ka naman, ma," bulong ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya. May naka-paskil na mapang-asar na ngisi sa mga labi niya. "Papasok na po ako," paalam ko saka tumingkayad ng kaunti para i-kiss siya sa pisngi.

Agad din akong lumayas sa kusina nang matapos akong mag-paalam. Takbo-lakad ang kagandahan ko hanggang sa maka-labas ako ng subdivision namin. Agad din akong tumawag ng Taxi.

Pagka-sakay na pag-ka-sakay ko palang ay napa-simangot na agad ako.

Bi? Huh, I'm not! I'm a pure breed unicorn kaya!

*****

"Fucking hell," sambit bigla ng katabi ko habang naka-tingin sa kung saan. "What a fucking goddess," aniya saka napa-hilamos sa mukha niya. "But how come na dyosa rin ang gusto niya? That ain't fair!"

I snorted.

Ang katabi ko? Si Jeffrey. Kasamahan namin sa acting chorvanes. Naka-tingin siya kay Sofia at Nora. Nasa isang sulok ang dalawang mahadera, tahimik na nag-uusap at dikit na dikit ang mga gaga.

Si Nora? Iba ang ayos niya ngayon. She's looking like a different person. She looks manly and playful, but in a good way. Her hair is in a ponytail, naka-suot siya ng sumbrerong naka-baliktad at kitang-kita kung gaano ka-symmetrical ang mukha niya. She literally looks like a different person right now. But it feels authentic. Parang siya na mismo iyan. Iyon bang iyan ang authentic self niya and not the other bitch na nakilala namin umpisa palang? Sesh.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now