(35) Thirty-Five

279 45 13
                                    

NORA

Amoy alcohol at disinfectant.

Masakit ang bandang tiyan at tagiliran ko pero hindi na ako masyadong nanghihina. Uhm... Ah, nasaan ba ako? Am I dead? May alcohol ba sa kabilang buhay? Bago ba ako maka-pasok sa entrance ng impyerno ay dapat bang mag-disinfectant muna o i-check ang temperature?

Funny ka na no'n Nora? You just fucking stabbed yourself and your daughter--

Shit. Cora!

Mabilis akong napadilat at napa-bangon. Pero napa-daing ako nang maramdaman kong mas sumakit ang tagiliran ko kaya muli akong napahinga. Hinihingal kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Puti. Pader... kisame... maliwanag ang ilaw at...

Ospital. Nasa ospital ako. Buhay pa ako.

"Kalma, Nora."

Agad na napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko.

Jalisco. It's Jalisco.

"Si... Si..." Shit. Nanunuyo ang lalamunan ko.

"Ayos lang si Cora," masuyong aniya. "Huwag ka munang kumilos. Okay lang ang bata, binu-bully niya 'yung mga doktor sa kabila."

I heaved a deep sigh. I'm relieved. Sana... hindi siya galit sa akin. Hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko gustong saktan siya. Sana... Sana hindi siya... Shit.

Pero... maiintindihan ko naman kung ayaw niya na akong makasama. I just... I almost killed her. Jesus, what have I done? What have I fucking done?!

"Sounds like her," sambit ko at saglit na napa-pikit. "Uhm, ilang oras akong tulog?"

Nilinga ko si Jalisco. Nginitian niya ako at... mukhang hindi naman siya galit sa akin o ano. I mean... sinaktan ko ang anak ko.

"8 hours," sagot niya. "Ilang oras lang, parating na rin si Alexis. You should tell him everything, gumamit siya ng dahas sa airport"

"He killed somebody?"

"Almost," aniya saka mahinang natawa. "Man, that guy is still into you. Marry him already."

Well...

Hindi ko alam kasi...

Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok si--oh. It's Miss Soren at may kasama siyang babae na maikli ang buhok at may bangs. Dora style.

Tumayo si Jalisco at nilapitan ang babae at humalik sa pisngi nito.

Oh. His wife.

Meh. Hindi sila bagay.

Natatawang umupo sa dulo ng kama si Miss Soren. "I know, right? Hindi sila bagay."

Oh, shoot.

Ngiwi akong natawa.

"I mean, look at them." I did. "Jalisco's looking like a Cocaine user and his wife's gorgeous."

Exactly.

Pero namula ang mga pisngi ni Dora nang sabihin ni Miss Soren na gorgeous siya. Heh. Another woman of culture. I know how she feels, 'cause Miss Soren is really, really attractive and sexy. Or maybe it's the way she smile.

"Shut up, mom," asik ni Jalisco.

"Pero totoo naman," mahinhin na sambit ni Dora. Ang boses niya, napaka-feminine at ang hinhin ng pagsasalita niya. Pati ang kilos niya ay pinong-pino. Mukha siya ng tipo ng babae na nag-ba-ballerina at mahilig sa aesthetics.

"Anong totoo naman?" simangot na tanong ni Jalisco.

"You're looking like a piece of shit. Why did I marry you, anyway?" She shrugged. At sinabi niya iyon sa tapat ng mukha ni Jalisco. She's spitting blades, holy fuck.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now