SIAP: Escape Plan #25

1.3K 27 3
                                    

<<<VOTE MUNA KAYO.... hahahaha choosy ako e..

sa mga bagong nagbabasa e maraming salamat at nakaabot kayo sa chapter na to!!

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, LIKE, TWEET AND BE A FAN NA RIN

remember: "ang hindi magvote ay kakainin ng lupa..."

hehehe..

enjoy reading..

----#####----

Escape Plan #25

<Tor's POV>

Sabi ko naman kasi kay Red hindi ako sasama kasi nando'n si Louie.

Tor: "ayoko. Baka mabadtrip lang ako."

Red: "sabagay talagang mababadtrip ka lang kapag nakita mong mag-kasama si Becca at Louie. Bagay sila noh. Mabait si Louie at aminado ako na gwapo siya tapos si Becca naman maganda, matalino at sexy... perfect couple. Saka balita ko crush ni Becca si Louie e."

So? Paki-alam ko naman kung may crush siya do'n? Gwapo? E MAS GWAPO PA AKO DO'N EH!

Tor: "..."

Red: "siguro pagkatapos no'ng trip sa Batangas baka sila na."

Tor: "hindi pwede. Hindi ako makakapayag na maging sila."

Sila? Hindi gano'n si Becca! Hindi siya easy to get! At hindi ako papayag na maging sila! Huh? Ano daw? Hindi ako payag? Hay naku Tor ano na bang nangyayari sa'yo??!!!

ANO BANG SINABI KO KAY RED?!?!

^__________^ <- Red

Tor: "'wag ka ngang ngumiti ng ganyan. Para kang sira."

Red: "gusto mo siya." ^______^

Tor : "hindi. Bilang kaibigan ayoko lang na naglalalapit siya do'n kay Louie. Hindi ko siya gusto para kay Becca."

Red: "at sino gusto mo para sa kanya? Ikaw??"

Tor: "Bakit hindi? Este Bakit naman ako?!"

Kaibigan ko lang si Becca.

Red: "ayaw pa kasing umamin."

Tor: "EWAN KO NGA SA'YO BADTRIP KA."

Umalis na ako mahirap na baka ano pang masabi ko dito sa lokong 'to. Imposible naman kasing magustuhan ako ni Becca.

Red: "bahala ka,,, ikaw rin baka maunahan ka. Baka maunahan kita."

Napalingon ako kay Red.

Red: "Honestly crush ko rin siya...nakakainis nga e ang bigat ng kalaban ko."

Red. Bawiin mo 'yung sinabi mo. Hindi mo gusto si Becca.

Tor: "seryoso?!"

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now