SIAP: Escape Plan #28

1.4K 23 9
                                    

<<<<<<<vote-vote-vote!

naenjoy na naman mag-update! hahha.

#####

Escape Plan #28

<Yanie's POV>

Red: "sabi nila kapag sa mga ganitong sitwasyon kailangan natin siyang kausapin para magising siya agad at makarecover."

Nandito kami ngayon sa hospital simula noong pangyayari. Bali mag-iisang linggo na kami dito. Si Becca hindi pa rin siya nagigising. Si Tor naman mag-iisang linggo na ding hindi nakakatulog ng ayos. Nakakaawa nga siya hindi siya kumakain, laging tuliro tapos 24\/7 pang nakabantay kay Becca. Sinisisi niya kasi 'yungsarili niya sa pangyayari. Kung hindi daw siya sumama e 'di wala sana daw nangyari kay Becca.

'yung parents naman ni Becca hindi man lang umuwi, tumawag lang sila. Si Kuya Alex at Yaya Pilar lang ang laging nanadito. Si Yaya Pilar nga todo iyak grabe. Sa bagay hindi ko rin naman siya masisisi kasi simula ng ipinanganak 'tong si Bes e si Yaya Pilar na ang tumayong ina at ama. Madrama pero totoo.

Red: "Labas lang ako."

Sabi ni Red sa akin. May tumatawag siguro hawak kasi niya 'yung phone niya. Tumango lang ako tapos nilapitan ko si Tor.

Yanie: "okay ka pa?"

Tanong ko sa kanya pero hindi ko siya tinignan. Nakatingin lang ako kay Bes.

Tor: "okay pa."

Hindi ko pa kilala masyado 'tong si Tor pero sa nakikita ko mahal niya ang kaibigan ko. Kahit hindi niya aminin e halata naman.

Yanie: "gigising din siya."

Hindi niya ako pinansin. Lumapit siya kay Bes at umupo sa may silya na katabi ng kama na hinihigaan ni Bes. Mahimbing ang tulog ng babaeng may benda sa ulo.

Matagal na kaming magkaibigan ni Becca. Mabait siya at marunong makisama sa mga tao. Alam niya kung ginag@go lang ba siya o hindi (maliban na lang kung magaling talaga magpanggap). Simple at masiyahin (in a way), minsan tahimik. Malayo sa ugali ko na taklesa at malakas ang boses na tipong nakalunok ng isang buong sound system (ika nga ni Bes). Masaya kami dati maliban na lang no'ng nangyari ang isang bagay sa dati naming school , sa sobrang galit e lumipat siya ng school. Lilipat na rin sana ako ng school pero ayon kinailangan ko pang magsakripisyo para lang makalipat. Sabi ng parents ko na kailangan kong idonate ang mga damit ko sa isang charity chorva. Grabe isang buwan ko pinagisipan 'yun at dahil sa mahal ko ang BFF ko e pumayag ako sa deal nila at eto na ako ngayon. Bilang reward sa pagiging mabait kong kaibigan e ibinalik nila sa akin ang mga gamit ko makalipas ang tatlong linggo.yey!!! hahahaha

Bes gising ka na..

Yanie: "sabi nila kapag sa mga ganitong sitwasyon kailangan natin siyang kausapin para magising siya agad at makarecover."

Inulit ko 'yung sinabi sa akin ni Red. Tapos lumapit ako kay Bes.

Yanie: "Bes, labas lang ako hanapin ko lang si Red."

Bineso ko si Bes tapos nagpaalam na rin kay Tor.

Lumabas na ako ng room pero pagtingin ko sa may gilid...

Yanie: "sorry hindi ko sinasadya. Bye."

Tapos umalis na ako.

Red: "Yanie!"

Hindi ko siya pinansin. Binilisan ko 'yung paglakad ko para makaalis na agad sa lugar na 'yun.

Akala ko pa naman magpapakatotoo na siya.

Akala ko LABS niya ako pero bakit gano'n?!

<Red's POV>

Mag-iisang linggo na kaming pabalik-balik sa ospital gawa ni Becca. In comma kasi siya ngayon gawa ng napuruhan siya sa ulo.

Kanina pa may tumatawag sa akin. Nakakairita na.

Red: "Labas lang ako."

Sabi ko kay Yanie.

Tapos sinagot ko 'yung tawag.

Red: "bakit ba? Ano bang kailangan mo?"

???: "nasaan ka?"

Red: "nasa ospital."

???: "so totoo ngang naaksidente si Becca."

Red: "masaya ka na?"

???: "hindi pa, kaya nga ako pumunta dito para makita ko mismo yung kalagayan niya e."

Nandito siya?!

Paglingon ko sa may likuran ko...

Nandoon siya. Nakatayo sa hindi kalayuan nakangiti na parang nakakaloko.

Unti-unti siya lumapit sa akin at bigla akong hinalikan.

Red: "DENISE ANO BA?!!"

Denise: "hindi mo lang ba ako na-miss?"

Red: "umalis ka na.."

Denise: "e kung ayoko?"

Red: "u.ma.lis.ka.na."

Tinaasan niya ako ng kilay tapos ngumiti ulit.

Denise: "okay."

Tapos lumapit siya ulit.

Denise: "Good-bye kiss ko muna."

Tapos hinalikan niya ulit ako.

Yanie: "sorry hindi ko sinasadya. Bye."

Shit! Si Yanie!

Bigla siyang umalis.

Red: "Yanie!"

Dire-diretso siya sa paglalakad na tila walang naririnig.

WRONG TIMING NAMAN WOH!!!

Denise: "sino siya?!"

Red: "wala ka ng pakialam do'n! UMALIS KA NA!"

Denise: "Fine! Pero kapag nalaman kong may namamagitan sa inyo, i'm going to kill her."

Tapos tuluyan na siyang umalis.

######################

salamat sa lahat ng sumubaybay ng SIAP...

abangan ang mga susunod na chapter.

anong nga bang meron kila Red at Denise? pa'no na si Yanie?

sino si Blackhunter?

bakit hinahabol ni THE GARDENER si BECCA?

bakit mukhang magiging main character si Yaya Pilar?

bakit ang dami kong tanong? hahahaha

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now