SIAP: Escape Plan #57.1

764 21 11
                                    

Note ni Mawi: 

hi guys! happy holidays! hindi umabot 'yung votes at comments ng 20 kaya tinamad akong magsulat...

pero...

dadapwa't mabait ako e heto na ang unang bahagi ng EP #57

#####

Escape Plan #57

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko.

 

Hindi ko na talaga alam.

<Becca's POV>

Sabi ni Denise na si Mix at Yanie ay iisa. Noong una hindi ako naniniwala pero nang makita kong guilty si Yanie o Mix parang bigla na lang akong nakaramdam ng kirot na mistulang sinasaksak ako ng dahan-dahan.

Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa mga tao sa paligid ko. Una kay Louie, hindi ko lubos maisip na magagawa niyang traydorin kami ng ganito. Niminsan hindi sumagi sa kukote ko ang mga ganitong pangyayari na kalimitan e sa mga telibisyon at sinehan ko lang napapanood. Nakakaloko lang e. Tapos may pangalawa pa akong nalaman na may kasinungalingan bumabalot kay Yanie-Mix. Don't tell me na may portion din na bigla ko na lang malalaman na hindi ko pala totoong magulang ang mga kinikilala kong mga magulang ngayon kasi kapag pati 'yong bagay na 'yun e nangyari pa sa akin e hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko sa buhay ko.

Sa ngayon, e hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang mga susunod pang mga impormasyon.

Denise: "Cousin, meet Rebecca, she's the one who stole my bestfriend away from me, and her family is the reason why my father and my brother died!"

Ako? Sa pagkakaalam ko e niminsan hindi ko pa nakikilala ang mga magulang at kuya niya.

Becca: "Anong pinagsa-"

Denise: "Nagulat ko ba kayo? Didn't you've heard? Namatay ang papa ko dahil sa QGMI! At alam kong kasali ang family mo dito! At si kuya..."

Talagang nagulat ako! Hindi lang sa mga pinagbibibintang niya e alam na din niya ang tungkol sa QGMI. At ano naman ang kinalaman ng kuya ko don sa kuya niya?

Denise: "...si kuya...n-nagsuicide siya dahil inagaw ng kuya mo si Ate Maggie!"

Si Ate Magz? Kilala niya si Ate Magz...

Denise: "Mahal na mahal ni kuya si ate Maggie pero 'yung kuya mo Rebecca e bigla na lang umextra sa picture! Matagal ng magkakilala si kuya at ate Maggie... Nagpakamatay ang kuya ko dahil sa kuya mo! Kasabay ng paglusob ng QGMI sa hide out nila papa!"

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now