SIAP: Escape Plan #58

693 9 4
                                    

NOTE ni Mawi: Hi guys!!! hindi niyo ba ako namiss? bakit hindi niyo ako kinakamusta? hayst.... i-promote niyo naman ang SIAP sa iba. nahina na yung reads natin.... pa'no ako gaganahan gumawa niyan?

oh siya--eto na po ang EP#58

#####

Escape Plan #58

Tor: "so ibig mo bang sabihin na na-set up tayo?"

???: "Technically, yes."

Napalingon kami do'n sa babaeng pumasok ng board room.

Anong ginagawa niya dito?

<Tor's POV>

Naging komplikado ang lahat. Dumagdag pa siya.

Kuya Migz: "Good morning po tita."

Tita?!

Kailan pa niya naging tita si Yaya Pilar.

Ngumiti siya kay kuya tapos sinenyasan niya 'yung dalawang body guards ata niya. Nananaginip ba ako? I mean iba 'yung itsura niya. Naka-office attire siya at kagagalang-galang ang itsura.

Don't tell me agent din siya?

kung agent siya e bakit ngayon ko lang siya nakita?

Yaya Pilar: "Tor. Stop that."

Tor: "stop what?"

bulong ko.

Yaya Pilar: "Stop staring. It's rude."

Tumingin na lang ako sa lamesa pero naaaninag ko pa rin ang paggalaw niya. Pinaupo siya ni kuya do'n sa pang-boss na chair tapos umupo naman sa tabi ko si kuya.

Tor: "alam mo lahat 'to? Spill it."

sabi ko kay kuya.

Yaya Pilar: "ako na ang magpapaliwanag sa'yo Jasper."

Ngayon ko na lang ulit narinig 'yun pangalan na 'yun.

Yaya Pilar: "Ako si Alexandra Rodriguez-Sarmiento.."

Tor: "Meaning...ikaw ang..."

Yaya Pilar: "...the Queen...

And Rebecca's real mother."

Real mother??

Tumingin ako kay kuya, binigyan ko siya ng alam-mo-ba-yung-mga-sinasabi-niya look.

Kuya Migz: "about the queen thingy, yes but the whole real-mother portion, honestly, nagulat rin ako."

Tor: "Alam na po ba ni Becca?"

Umiling lang siya.

Yaya Pilar pa din ba ang dapat kong itawag sa kanya?

Tor: "pero pa'no po 'yun ya-"

Yaya Pilar: "Tita Xandra na lang itawag mo sa akin."

Tor: "tita Xandra, pwede niyo po ba i-kwento kung bakit po umabot sa ganito ang lahat?"

Tumangon siya at huminga ng malalim.

Tita Xandra: "ganito kasi 'yon... Magsimula tayo sa pagkakakilala namin ni Daniel, Denise' father. We're high school buddies. Actually, lima kami e, ako, si Axein, 'yung daddy nila Rebecca..."

Nasaan kaya 'yung daddy ni Blu? Saka bakit "daddy nila Rebecca" yung term na ginamit niya at hindi "asawa ko"?

Tita Xandra: "...si Daniel, daddy ni Denise as I've mentioned earlier, si Macy, 'yung nasirang asawa ni Daniel, sumalangit nawa ang kaluluwa niya..."

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now