SIAP: Escape Plan #52.2

928 16 20
                                    

Continuation of Escape Plan #52

<Tor's POV>

Mamaya na 'yung party.

Pupunta ba ako?

Pero wala naman akong kapartner e.

Sabagay kahit naman dati wala akong kaparter pero napunta naman ako kaya ano namang pinagkaiba no'n sa party ngayon 'di ba?

Tumingin ako sa orasan ko...

Tor: "dalawang oras pa pala."

Naligo na ako para mamaya magbibihis na lang ako 'di ba?

Pagkatapos kong maligo tumingin ulit ako sa orasan.

Tor: "1 and a half hour."

Inayos ko na ung isusuot ko. Semi formal 'yung party kaya naman nag-tux na lang ako. Hindi ko muna isinuot 'yung coat kaya naman humiga muna ako sa kama.

Tor: "sino kaya 'yung escort ni Bec-yyyyyyyaaaaaaaaawwwwwwnnnnnn!!!!"

<Becca's POV>

*Christmas Party at QGMI*

Do'n na kami nagkita-kita sa party.

Grabe pala sila magparty dito. Ang saya! Ganda ng mga decorations! Parang hindi mga agents 'yung mga kasama mo e.

Kuya Migz: "o Becca ba't nagsosolo ka?"

Becca: "wala pa po 'yung escort ko."

Kuya Migz: "gano'n ba? Wait lang ha may aasikasuhin lang ako do'n. enjoy ka lang sa party."

Tumango ako tapos umalis na siya. Nasaan na ba kasi siya! Lumabas muna ako do'n sa may garden at tinawag siya.

Becca: "nasaan ka na?!"

Nakakainis naman o! nandito na sila bes e. kinukulit ako kung nasaan raw 'yung "boyfriend" ko sabi ko naman na baka may dinaanan lang.

???: "ayokong makita 'yung boyfriend na sinasabi mo."

Sabi no'ng sira ulo na nasa kabilang linya.

Becca: "pag-hindi ka pumunta dito TORMIENTEZ BREAK NA TAYO!"

Tor: "huh?? Anong bre-"

Ibinaba ko na 'yung phone ko. Kapag hindi pa niya na-gets 'yung sinabi ko, aba break na kami!

Oo tama kayo, si Tor 'yung sinasabi ko na boyfriend ko. Ngayon ko sana siya sasagutin ng formal kaso wala, mukhang ayaw ata e.

Pumunta ako do'n sa may tree house kasi nakakapikon talaga siya.

Kainis hindi man lang naisip na siya 'yun! Like duh, siya lang 'yung manliligaw ko noh! Saka hindi man lang niya naisip na hindi naman p'wedeng maging si Louie 'yung kasi private party 'to at hindi rin p'wedeng maging si Theo kasi ummm... hindi na siya nagpapakita sa akin sa hindi malamang kadahilanan.

Binuksan ko 'yung bubong ng tree house. Katulad no'ng dati, ang ganda talaga ng mga stars dito. Humiga ako do'n sa may bean bag na color black. Nakakatuwa nga kasi naka-white dress ako. Litaw na litaw 'yung kulay ng damit ko dahil dito sa bean bag na'to.

Becca: "Hay naku Tor,,, sasagutin na nga kita ngayon e wala ka pa."

<Tor's POV>

*ALERT!ALERT!*

Tor: "huh?"

Nasaan na ba 'yung phone ko? Kinapakapa ko sa kama 'yung phone ko kasi kanina pa nagriring 'yun. Ang sarap-sarap ng tulog ko istorbo talaga.

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now