SIAP: Escape Plan #10

1.9K 29 8
                                    

Escape Plan #10

<Tor’s POV>

(A/N: “yown may POV na si Tor!. Sana magustuhan niyo. GAME!”

*Ms. Author is typing while listening to Urbandub*)

Tor: "tandaan mo responsibilidad na kita ngayon kaya simula ngayon…

you're mine."

Tama ba ‘yung sinabi ko? She’s mine?! Oo!!! She’s mine at magiging hell ang buhay niya ditto sa QGMI! Bwahahahah. Ano ba kasing pumasok sa utak ng reyna at kinuha niya ‘tong rocker chick na ‘to. Tama isa siyang rebel, rocker, pasaway, mabait, maganda… WHAT?! MAGANDA??!! Umayos ka nga Tor! Kadiri ka! Hindi gano’n ang mga type ko noh. Gusto ko ‘yung mahinhin, babae kumilos, at ‘yung tahimik ang buhay hindi katulad no’ng Rebecca na ‘yon!

Nakalimutan ko nga palang magpakilala, ay hindi nagpakilala na ako sa school ‘di ba?! ‘di ba?! SUMAGOT KA!

Ako si Jasper Amil Tormientez a.k.a Tor/Jazz/White Phoenix, simula pa noong pinanganak ako warehouse na agad ng QGMI ang unang bumungad sa akin. Sabi nila swerte raw ako dahil hindi ako kasama sa pagsabog ng kotse na sinasakyan ng mga magulang ko. Ang mga magulang na nila Migz ang kumupkop sa akin, ang reyna daw ang nakasaksi sa mga pangyayari noon kaya ihinabilin ako ng reyna sa mga Cruz. Wala pa akong isang linggo no’ng maulila ako, sabi nila tito Miguelito na kakalabas pa lang daw ng ospital ng mga magulang ko no’ng nangyari ang pagsabog. Jasper Amil Tormientez pa rin ang ipinangalan nila sa akin dahil ‘yun daw ang nakalagay sa tag ng stroller ko noon.

Malaki ang utang na loob ko sa QGMI lalong lalo na sa reyna. Sila ang nagpalaki, nagpakain, nagpaaral at nag-aruga sa akin. Tuniring nila akong tunay na kamag-anak. Kaya naman gano’n ang pakikitungo k okay Migz kanina e kasi may atraso pa sa akin ‘yan! Pero hindi ako galit sa kanya or something sa katunayan niyan e sobrang close kami niyan kaso no’ng isang araw e dinaya ako niyan sa pusoy dos. Oo, simpleng laro ng pusoy dos lang ‘yung kinababadtrip ko sa kanya! Pa’no ba naman e tininago’yung isang baraha ko! Natalo tuloy ako, no’ng una hindi ko pa alam na dinaya niya ako kaya ginawa ko ‘yung dare niya, gusto niyo bang malaman kung anong dare ‘yun??? ‘wag na baka tawanan niyo pa ako!

Hindi ko sasabihin.

Kahit pilitin niyo ako hindi ko talaga sasabihin.

‘wag niyo akong pilitin!

ARGHH!!!!

‘ETO NA SASABIHIN NA!

Pinakanta niya ako… ng naka-speaker as in naka-broadcast sa buong warehouse! Ang masaklap pa nito e hindi ako marunong kumanta kaya isang linya palang ng “ikaw na nga by willie r.” (kasama ‘yun sa dare) e malakas na tawanan na ang nangibabaw sa buong warehouse. Kahapon ko lang talaga nalaman na dinaya niya ako!

Hayst…

Ang boring naman dito sa kwarto. Gising pa kaya ang babaeng ‘yon?

Puntahan ko kaya…

Pumunta ako sa tore. Oo, tore. Well, tore lang talaga ang tawag naming kasi spiral ‘yung hagdanan nito. Nandito na ako sa harap ng pintuan niya. Kakatok ba ako? ‘wag na lang kaya.. dalawang minute na ako nakatingin sa pintuan niya.

???: “HOY!”

Tor: “AYKALABAW!”

???: “ang kapal naman ng mukha mo para tawagin akong kalabaw!”

Loko si Becca lang pala! Ba’t nasa labas siya?! Saka kanina pa ba siya d’yan sa likod ko?

Tor: “sa’n ka galling?”

Becca: “ba’t mo tinititigan ‘yung pintuan ko?”

Loko talaga! Nice answer!

Tor: “tatanong ko sana kung kumain ka na.

Tama! Kasi ako hindi pa. hahaha

Becca: “hindi pa nga e.”

Sakto!

Tor: “ ‘lika kain tayo.”

Becca: “ok.”

Pumunta na kami ni Becca sa may kusina ng area namin.

Becca: “amrunong ka ba magluto?”

Tor: “oo, kaso tinatamad ako. Gusto mo bang magluto?”

Becca: “tinatamad rin ako e.”

‘yun nga at dahil tinatamad nga kami e gumawa na lang kami ng sandwich.

Ni isa sa amin walang nagsasalita. Marunong din pala siyang tumahimik. Grabe para sa isang rakista masyado aiyang madaldal.

Becca: “pwede mo ba akong samahan?”

Tor: “saan?”

Becca: “may tambayan ba dito? ‘yung parang terrace. hindi kasi ako makatulog e, saka may baraha ka ba d’yan?”

Ano naman kayang gagawin niya sa baraha?

Tor: “meron bakit?”

Becca: “laro tayo.”

Tinignan ko ‘yung relo ko kasi baka late na mapagalitan pa ako. Mag-aalas otso pa lang naman kaya p’wede pa naman kaya pumunta kami sa kwato ko para kunin ‘yung baraha ko tapos pumunta na kami sa may tree house malapit sa area namin. Hindi talaga siya sa labas ng warehouse kasi sa loob nito may parang open area din. Basta! ‘yun na ‘yun. Hahaha.

Becca: “ang ganda naman dito.”

Tor: “Pinagawa ‘to para sa amin ni Migz este Kuya Migz.”

Naglaro kami ng pusoy dos ni Becca. Hahah talo naman lagi. Isang beses lang at siya nanalo. Nagyaya maglaro hindi naman pala marunong. Maya-maya e sumuko na rin siya.

Biniksan ko ‘yung bubong ng tree house para Makita naming ‘yung mga stars. Pareho kaming nakahiga. Medyo magkalayo kami kasi duh hindi naman kami close.

Becca: “ga’no ka na katagal ditto sa QGMI?”

Tanong niya sa akin habang nakatngin siya sa taas.

Tor: “simula noong baby pa ako.”

Becca; “ditto din nagtatrabaho ‘yung parents mo?”

Tor: “hindi, pero ‘yung kumupkop sa akin, oo ditto nagtatrabaho.”

Tumingin siya sa akin na parang nagulat at parang naaawa kaya umuwas agad ako ng tingin.

Becca: “sorry kung natanong ko.”

Tor: “ok lang.”

Becca: “alam mo Tor hindi ko alam kung kakayanin ko na magtrain, feeling ko mas gugustuhin ko pang kunin ako no’ng ‘gardener’ na ‘yun.ayokong mapahamak sila kuya Alex.”

Nakatingin pa din siya sa mga bituin.

Becca: “buti ka pa kahit wala na ‘yung tunay mong magulang e may magulang ka pa rin nakinikilala at nakakasama. E ako, wala, puro sila trabaho, pupunta lang sila pag may business trip dito sa pinas. Miski birthday naming ni kuya hindi sila pumupunta. Si yaya Pilar na lang lagi ang kasama naming.”

Tor: “magulang mo pa din sila. Ginagawa lang nila ‘yun par a guminhawa ang buhay niyong magkapatid..”

Oh ba’t tumahimik??? Paglingon ko… tulog na siya.

Tor: “gusto mo ako na lang mag-alaga sa’yo?”

Itutuloy…

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWo Geschichten leben. Entdecke jetzt