SIAP: Escape Plan #59.3

636 10 1
                                    

NOTE ni Mawi:

May naiwan pa palang kasunod ung EP 59

UNEMPLOYED AKO! Help naman jan ba may alam kyo na pwdng pagapplyan.hhahahah

#####

Escape Plan #59.3

<Tor's POV>

Tor: "Becca!"

Buti na lang at nasalo ko siya. Dali-daling bumaba si Kuya Alex para ihanda 'yung sasakyan. Dinala na namin si Becca sa sasakyan tapos ay dumiretso na kami sa HQ. Si Tita Xandra hindi na talaga niya napigilang umiyak. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa mga nangyayari sa pamilya niya. Kinuha ko 'yung cellphone ko at dinail ang number ni Papa. Unang ring pa lang ay sinagot na niya ito.

Papa Amil: "anak bakit?"

Tor: "pa, si tito kasama mo? Si Becca..."

Tito Axein: " ANONG NANGYARI KAY BECCA?!"

Tor: "alam na niya ang lahat, tito. She freaked out and shot herself with the sleeping pellets directly into her head."

Tito Axein: "WHAT?! Alam ba ni Xandra?"

Tor: "opo. Nandoon kaming tatlo nila Kuya Alex noong nangyari 'yun. Papunta na po kami sa HQ."

Tito Axein: "sige susunod na kami."

Then he hang up.

Lord, ano na po bang nangyayari sa buhay namin? Bakit naman po ganito?

Alam ko naman po na hindi Ninyo kami pababayaan, lalong lalo na si Becca.

Pagkarating namin sa HQ ay may sumalubong na sa amin na mga nurse at doktor, may dala silang stretcher, ihiniga namin si Becca roon at pumasok na sa E.R. Hindi na kami hinayaan pang sumama sa tabi ni Becca kaya naman minabuti na lang namin pumunta sa may waiting area, maya-maya pa ay dumating na si Louie kasama sila papa at tito.

Tito Axein: "Xandra, anong nangyari?"

Napayakap na lang si tita kay tito at humagulgol.

Tita Xandra: "ka-kasalanan ko lahat ito."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay kailangan ko munang lumayo sa kanila...kailangan ko munang mapag-isa.

Nakita ko na lang ang sarili ko na papunta sa treehouse. 'yun lang kasi ang alam kong lugar kung saan p'wede akong makapag-isa ng ayos pero bago pa ako maka-akyat ng treehouse hindi ko na napigilan ang sarili ko, sinuntok ko 'yung puno at nagsisigaw.

Tor: "wala akong kwenta...napigilan ko sana siya...pero wala. ANG TANGA TANGA KO!

Wala akong nagawa kundi ang tumayo lang sa harapan niya at panoorin siyang bumagsak."

???: "siguro may dahilan kung bakit nangyari 'to"

Louie...

Louie: "pagod na siya at gusto muna niyang magpahinga."

Magpahinga? Kailangan ba talaga na sa ganitong paraan pa siya magpahinga?

Tor: "pero p'wede niyang ikamatay 'yun, p'wede siyang mawala sa atin ng gano'n-gano'n na lang. I CAN'T AFFORD TO LET GO OF HER LIKE THAT!"

Louie: "matapang si Rebecca at alam naman nating hindi niya hahayaang matapos na lang lahat sa ganitong paraan. She just wanted to take a break from all this drama."

Napaupo na lang ako sa lapag at huminga ng malalim, napaupo na din sa tabi ko si Louie. Tahimik lang kaming dalawa.

Hindi ko talaga kakayanin na mawala si Becca sa akin.

Louie: "mas maganda siguro kung bumalik na tayo sa loob baka mamaya kung ano pang maisipan mong gawin at gayahin mo pa si Becca."

Tumayo siya at inialok ang kamay niya, inabot ko naman ito.

Tor: "sa totoo lang gagawin ko na din sana 'yon."

End of Escape Plan #59

NOTE ni Mawi:

Pasensya na kayo kung ang tagal, nagjjob hunt kasi ako nitong mga nakaraang araw, isa ako ngayong Fresh IT grad and Unemployed.

Sunday ngayon at naisipan kong tyagaing itype ang UD ko, nakap0ne pa rin ako.huhuh.

Napapahaba na ang note ko.

Vote Comment and be a fan!

10 v0tes para sa next chapter!

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now