SIAP: Escape Plan #02

2.2K 29 3
                                    

Escape Plan #02

Becca: "ba't ka nag-s-sorry?"

Tumigil ako sa paglalakad.

Nagtaka siguro siya kung bakit ako tumigil sa paglalakad kaya lumingon siya sa'kin.

Red: "wala 'yun 'lika na kain na tayo sa caf."

Hinila niya 'yung kamay ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit siya nag-s-sorry. Loka rin 'to sisterette ko na 'to.

Nang makarating kami sa cafetiria.

Red: "sis hanap ka na ng upuan natin ako na bibili ng food natin."

Becca: "Ok. Fettuchini sa'kin sis saka iced tea."

Kinuha ko 'yung wallet ko sa bag ko. No'ng iaabot ko na sa kanya 'yung pera bigla siyang nawala. Paglingon ko nasa may counter na siya kaya naghanap na lang ako ng mauupuan namin.

Becca: "'yown!"

Tumakbo ako sa may table malapit sa may bintana ng...

Becca: "Whoah"

Bigla may umupo sa chair na uupuan ko!

Becca: "hoy! Nauna ako sa d'yan! Lumayas ka nga!"

???: "kung nauna ka, bakit ako ngayon ang nakaupo at hindi ikaw?"

Nakatalikod siya sa'kin pero kilala ko 'yung boses na 'yun.

Becca: "Tor p'wede ba."

Tor: "hindi p'wede."

Becca: "FINE!"

Umalis na ako para maghanap ng ibang table.

Tor: "share na lang tayo sa table."

???: "Ano bhe may nahanap ka nang table?"

Napalingon ako dunsa nagsabi ng bhe. Si Red pala.

Becca: "hindi pa nga eh. Sorry."

Tor: "dito na lang kayo."

Red: "hindi na p're nakakahiya sayo."

Tor: "ok lang aalis na din naman ako."

Becca: "aalis? Eh kararating mo lang kaya."

Tor: "something just came up. 'Geh una na ako."

Tumayo na si Tor at umalis.

Becca: "Tor! Thanks!"

Tapos nginitian niya ako. Minsan talaga hinid mo malaman kung mabait siya o hindi.

Umupo na kami ni Red.

Pumasok na namn sa utak ko 'yung pags-sorry niya.

Becca: "umm.. Red ba't ka nag-sorry sa akin kanina?"

Inabot niya sa'kin 'yung inorder ko.

Becca: "thanks..."

Ngumiti lang siya. Grabe kakaibang bading 'to ang tahimik!!! Nagdadalawang isip tuloy ako.

Red: "dahil sa dalawang dahilan."

Huh?

Dalawa???

Becca: "ano naman 'yun?"

Red: "una, hindi kita napagtanggol sa bruha na 'yun..."

Mali ako...ka-FED nga.

Becca: "pangalawa?"

Red: "pangalawa, 'yung babae kaninang nakaaw-"

Becca: " 'wag mong sabihing girlfriend mo?"

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now