SIAP: Escape Plan #13

1.4K 19 3
                                    

Escape Plan #13

<Tor's POV>

30 minutes na kaming naghihintay dito sa may waiting area.

(A/N: "malamang kaya nga waiting area kasi do'n ka maghihintay. Alangan namang sa parking lot ka maghintay."

Tor: "pilosopo."

A/N: "Tom0!"

Tor: "hay naku, ms. Author makinig ka na sa guro mo."

A/N: "opo boss! Babush! Becca get well soon.")

Ayan lumabas na si dok.

Ano ba kasing pumasok sa utak no'n at nahimatay?? Hay naku naman Rebecca Alexie pinapakaba ako.

Tumayo agad si Kuya Migz at kinausap 'yung doctor. Nakita kong tango lang ng tango si kuya. Ano ba kasing pinaguusapan nila? Hindi ko na talaga 'to kaya! Kailangan ko ng malaman ang lagay ni Bex. Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

Tor: "Kuya,"

Tumingi sa akin si kuya tapos tumingin ulit kay dok. Ano ba 'yan nakakaloko naman sila! Sabihin niyo na kasi 'yung dahilan! Kinakain na ako ng guilt dito o!

Tinapik ni dok si kuya sa balikat at umalis na. Si kuya naman tulala. Ano bang nangyari! Napapapraning na ako.

Migz: "Tor, kailangan nating mag-usap."

Ang lamig talaga ng pagkakasabi niya sa akin no'n. Lord, buhay pa naman siya 'di ba? Ano ba yang iniisip mo Tor! S'yempre buhay pa siya! Oo, buhay pa siya.

Umupo ulit si kuya sa may waiting area tapos sumunod ako.

Migz: "Tor..."

Nakayuko siya at parang ambigat-bigat ng dinadala. Ano ba kasi 'yon?! Spit it out men!

Tor: "Anong sabi ng doktor?"

Seryoso kong sinabi 'yun. Nakakaguilty na kuya Migz!

Migz: "Si Becca kasi.."

Tor: "Ano?! ANO BA KASING NANGYARI SA KANYA? 'wag mo akong bitinin p'wede??"

Migz: "sabi ng doktor, ano..."

Ano?! Binibitin ako e!

Migz: "hindi pa daw niya alam kung kailan magigising si Becca."

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi pa alam kung kailan magigising...

In coma si Bex gawa ko...

Migz: "ok ka lang ba? Namumutla ka na.."

Tumango ako.

Tor: "Magigising pa naman siya 'di ba?"

Tumingi siya sa akin tapos yumuko.

Tor: "Please sabihin mo sa akin na magigising siya..."

Migz: "HaAHAHAHAHAHAH!"

huh??

Anong nakakatawa?

Loko! Tinitrip ata ako nito!

Tor: "Hoy! Ano bang nakakatawa huh?"

Tumigil siya at tumingin sa akin. Halatang halata na pigil na pigil siya sa pagtawa.

Migz: "pfft! Pfft! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! Nakita mo sana 'yung mukha mo! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"

Gaaaaaaaaa!!! Guuuuuuuuw!!! Ka Migz!!!

Grabe tumataas ang presyon ng dugo ko sa kuuumaaag na 'to!

Halos maglumasay na siya sa hallway kakatawa!

Tor: "Migz g@go ka talaga! Ano ba kasing nangyari sa kanya ha?! Hindi ka na nakakatawa!"

Migz: "huh-huh... Hahahahah.."

Sinamaan ko na talaga siya ng tingin.

Migz: "ok, ok! Kasi...Hahahah! Sabi ng doktor, stress lang daw siya...Hahahah! Pero totoong tulog siya. Pinagpahinga muna siya at binigyan ng vitamins. Grabe ka naman kasi hindi mo man lang siya pinagbreakfast! Kaya kasalanan mo pa rin saka ilang laps mo siya pinatakbo??"

Tor: "ahh...Ehh...Ilang laps?"

Lagot...Sasabihin ko ba?

Tor: "ano kasi...Umm...Twe-"

Migz: "WHAT?! Twenty?! Eh G@go ka rin pala Tor e! KUNG IKAW NGA TWELVE LAPS HINDI MO KAYA SI BECCA PA KAYA?? Twenty?!"

Tor: "Five laps lang talaga papagawa ko sa kanya kaso no'ng malapit na siya sa five nagcollapse na siya"

Migz: "Kahit na! Hindi mo dapat siya tinutorture ng ganyan."

Tama siya. Masyado nga akong naging harsh sa kanya.

Tor: "sorry..."

Migz: "alam mo naman sigurong may punishment 'yan.."

Tor: "i know."

Migz: "Tomorrow, 5 AM sa field."

Tinanong ko si kuya kung p'wede kong puntahan si Bex, sabi niya ok lang daw kaya naman agad akong tumungo sa kwarto niya.

Pagkapasok ko nakita ko siyang nakahiga. Kinuha ko 'yung isang upuan at umupo sa tabi ng kama niya.

Medyo normal na ulit 'yung kulay niya hindi katulad kanina talagang putlang putla siya.

Medyo singkit pala siya pero pinoy pa rin ang dating. Ang kulet ng buhok niya kulay brown na mahaba, bagsak at medyo wavy 'yung dulo na parang pang anime. Mahaba ang pilik-mata, rosy chicks.

Hindi ako p'wedeng ma-inlove sa isang rebeldeng katulad mo. Hindi p'wede. 'di ba Mix hindi p'wede? Tama ako 'di ba?

Naalala ko na naman si Mix. Bakit mo naman kasi ako iniwan?? Daya mo naman e. Sabi mo walang iwanan!

???: "Tor..."

Tor: "Mix ikaw ba 'yan?"

???: "ako nga Tor..."

Tor: "Mix bakit mo ako iniwan? Nasaan ka?"

Nasaan ka Mix? Magpakita ka sa akin please.

Mix: "kailangan ka niya Tor."

Tor: "sino?"

Mix: "Paalam Tor..."

Tor: "MIX SANDALI! SINO 'YUNG TINUTUKOY MO??!"

Nawala na ng tuluyan si Mix. Napansin ko na lang nasa isang garden ako.

Isang garden maze.

???: "tulungan niyo ako!"

Sino 'yun? Parang pamilyar sa akin 'yung boses na 'yon.

???: "TOR!!"

Tor: "Becca!"

Bakit gano'n nandilim lahat...

Becca: "TOR!"

Nagising ako bigla! Nananaginip lang ako.

Becca: "TOR!!"

Napalingon ako kay Bex. Binabangungot na naman siya.

Tor: "GISING NA BECCA!"

Becca: "TOR!! Tulong!"

Niyuyugyog ka na siya pero hindi siya magising!

Tor: "Gumising ka sabi e!"

Kinurot ko 'yung braso niya at nagising na siya. Sa wakas! Natakot ako do'n!

Hinahabol pa din niya 'yung hininga niya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

Naramdaman ko na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Tor: "Ok ka na Bex. Nandito lang ako."

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now