SIAP: Escape Plan #35

1.2K 26 17
                                    

"maigi ng sabihin ang nararamdaman mo sa isang tao kaysa sa itago ito. sabi nga ng nakararami, 'nasa huli ang panget este ang pagsisisi'. kaya para hindi maging panget este magsisi e umamin na agad."

-fragile333

Escape Plan #35

<Yanie's POV>

???: "Yanie..."

Gising na siya! Gosh sa wakas! ang tagal ko ng nandtio. Nakakabugnot na. Saka nakakainis na 'tong bading na 'to!

Lumapit ako sa may kama niya at umupo sa silya na katabi no'n.

???: "Yanie..."

Sabi niya, hindi pa siya gising. Nagdedeliryo siguro. Joke!

Yanie: "Red.."

Sabi ko tapos hinawakan ko 'yung kamay niya.

Ang lambot naman ng kamay niya, siguro tamad 'to. Wait may agent bang tamad?

Agent.

Agent na nga din pala ako ngayon. Kung hindi dahil sa mga death threats na 'yun hindi naman dapat ako magiging agent. Buti na lang at tinaggap ako ng QGMI. Sino kaya 'yung sira ulong nagpapadala sa akin ng mga death threats? Siya din kaya ang may gawa nito kay Red?

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Red. Sorry kung ako man ang dahilan kung bakit ka nasa ganitong kalagayan ngayon. Hindi ko naman ginusto 'to. Hindi ko talaga binalak na mapunta sa ganitong sitwasyon. Hindi kailanman sumagi sa utak ko na maging agent.

Nagtataka siguro kayo ngayon kung sino ba talaga si Yanielle Yvonne Dela Cruz.

Ano ba talaga ang mga sikreto sa buhay ko.

Sorry pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon. Naghahanap pa ako ng 'right person' para ikwento ang mga ganyang bagay.

Yanie: "hayst.."

Napatingin ako sa mukha ni Red. Hindi ko akalaing gwapo siya at kung hindi makakasalubong mo siya sa daan e hindi mo talaga maiisip na bading siya.

Hindi naman sa ayaw ko siyang maging kaibigan pero ayoko na ulit maulit ang dati. Ayoko ng umasa at umibig tapos sa huli e malalaman mo na lang na hindi pala pwedeng maging kayo.

Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mga sandaling ito. Sa tuwing nakikita ko si Red e naaalala ko ang mga bagay na gusto ko ng kalimutan. Mga bagay na lubos na nakasakit sa akin noon.

???: "'wag ka ng umiyak... nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak e."

Sabi ni Red. Mahina pa rin siya. Ano ba kasing nangyari sa kanya?

Dali-dali kong pinahiran ang mga luha ko at inayos ang sarili.

Yanie: "u-umiiyak?! Si-sira ka ba?!"

Red: "ok fine, hindi ka na umiiyak."

Hay naku naman kasi!

Yanie: "ano ba kasing nangyari sa'yo?"

Red: "sinagip ka."

Sabi niya. Malamig 'yung pagkakasabi niya. Seryoso ba siya?!

Yanie: "weh?"

Red: "e 'di hindi"

Seryoso nga siya. Pa'nong...

Napayuko na lang ako.

Yanie: "ku-kung niligtas mo ako...hays... nga pala... SA ANONG PAGKAKATAON MO NAMAN AKO NILIGTAS?!"

Red: "let's just say I have to save you that time.. 'wag mo ng itanong ok. Gano'n talaga kapag mahal mo, kailangan mo silang iligtas sa mga taong gustong manakit sa kanila."

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now