SIAP: Escape Plan #39

1.1K 21 15
                                    

Ito ay dinededicate ko to kay Baby Icia (Patricia Ann Tenedero)

"minsan ang mga simplang bagay ang mas ganda."

-fragile333

Escape Plan #39

<Becca's POV>

Tor: "na-miss mo ako noh??"

Na...

Na...

NA-MISS?!!

Kapal...

Hindi ko siya na-miss noh. Hindi lang talaga ako sanay na wala 'yung presence nniya tuwing weekends. Madalas kasi 'yang pupunta sa bahay tapos manggugulo o kaya naman e magtetext ng quotes o mag-mi-miss call. Ah basta simula no'ng naging alipin ko siya (tanda niyo pa 'yun 'di ba? Kasi ako nakalimutan ko kung sa'ng chapter na 'yun) lagi na siyang ganyan.

Nilayasan ko na siya at dumiretso sa may cafeteria para balikan si Louie.

Oh bakit na naman kumukunot 'yang mga noo niyo?

Oo, alam ko na ang nasa utak niyo na para akong bi*ch at ang dami kong mga lalaki pero kung hindi 'yun ang nasa utak niyo e maigi.

Friends kami no'n ni Louie. FRIENDS. Close na kami noh!

Sana nando'n pa siya. Gutom pa kasi ako, ni hindi ko nga nagalaw 'yung inorder ko kanina e. Grabe naman kasi umentrance 'tong si Tor. Nasayang tuloy 'yung pasta ko.

Talagang binilisan ko na ang paglalakad ko para lang maabutan si Louie. Saka nagwawala na si Curly .

(Ms. Author: Curly ang name ng large at small intestine ni Becca. 'yung akin kasi ang name niya ay Twistie. *kkkkkrrrrruuuu* OMG! Gutom na si Twistie. Nainggit ata kay Curly.)

Noong papasok na ako sa may pintuan e sakto namang palabas na siya. NO! Hindi! Hindi siya p'wede umalis! NO! NO! NO!

Becca: "hep! Hep! Hindi ka pa p'wede lumabas. Gutom na ako. Kailangan mo akong samahan."

Hindi na siya nakapalag kasi hinila ko na agad siya papaunta sa may counter. Grabe naman kasi 'tong si Tor. Wrong timing manghigit. Imbis na nakakain ako kanina e.

Becca: "Ate ganda, pabili nga po ako ng iyon, iyon at saka po ito. Ahh.... ska po pala 'yon!"

Dami-daming food...

Curly ang dami nating kakainin!

Noong ibibigay ko na 'yung bayad ko.

???: "ako na. Miss bayad."

Nandito nga pala si Louie. Masyado akong nabulag ng pagkain at nakalimutan ko ng nandito siya. Nginitian ko na lang siya. Well sorry guys hindi ako tumatanggi sa grasya.

Becca: "salamat."

Kukunin ko na sana 'yung tray kaso itong si Louie kinuha agad. Grabe bakit kaya Louie ako ng Louie?! Louie. Louie. Louie.

Habang nakain...

Becca: "Pasensya ka na sa inasal ni Tor kanina wah. Ako na mismo ang humihingi ng tawad."

Louie: "wala 'yun. Alam ko naman kung anong nararamdaman niya. Gano'n talaga kapag pinoprotektahan niya ang mga taong mahal niya. Minsan hindi na natin alam kung nakakasakit na ba tayo ng iba o hindi."

Wow ang lalim no'n wah. Nosebleed....

Saka ano naman 'yung tinutukoy niyang mahal?

Becca: "ah..hehehe... si Tor? Wala 'yun! Friends lang kami no'n! Kaya nga niya ako lhabz e."

Sabay ngiti.

Tapos ngumiti rin siya. Waaahhhh! Ang pogi niya! Dapat makuhanan ko siya ng picture.

Becca: "wait!"

Kinuha ko 'yung camera ko sa bag ko .

Louie: "oh, para sa'n yan?"

Becca: "duh?! Malamang kukunan ka ng picture. 'kaw talaga!"

Tapos ngumiti siya.

*click!*

*click!*

*click!*

Becca: "yown! Salamat!"

No'ng itatabi ko na 'yung camera..

Louie: "saglit, 'wag mo muna ilagay sa bag mo 'yung camera mo."

Tapos kinuha niya 'yung camera.

Huh? Anong gagawin niy sa camera ko?!

Louie: "Hey!"

Tapos tumingin 'yung lalaking dumaan at itinuro 'yung sarili niya.

Louie: "oo, ikaw. Come here."

Lumapit naman si kuyang uto-uto. Tsk. Tsk. Uto-uto talaga.

Kuya uto-uto: "bakit?"

Iniabot ni Louie 'yung camera ko kay kuya.

Louie: "kuhanan mo kami ng picture."

Sabi ni Louie kay kuya.

Lumapit si Louie sa akin at nag-smile.

*click!*

*click!*

Tapos iniabot na ulit ni Kuya uto-uto 'yung camera ko kay Louie.

Louie: "pahingi ng kopya wah."

Becca: "sige ba!"

Yey! May picture na kami ni crushie ko! Oh bakit?

Alam naman ni Louie na crush ko siya e. =p

Becca: "nga pala daan ka naman sa studio ko.. d'yan sa may tabi ng Rainbow Kwekerz."

Louie: "sure! Basta ba may discount ako e."

Becca: "oo ba!"

Noong nag-bell na e sabay na kaming pumunta sa noon.

Nilagpas ko lang si Denise.

Wow si Denise napansin ko. Pa'no ba naman kasi makatingin... WAGAS!!! Pa'no naman kasi hindi ko naman siya ginagalaw tapos inirapan ba naman ako! Well, ayokong masira ang araw ko so pumunta na ako sa may upuan ko. Pagtingin ko sa may upuan ko, may isang box na nakalagay sa may desk ko.

Tuperware?!

Anong meron sa tuperware? At bakit may tuperware sa desk ko? At... at...

Becca: "Bes! Red!"

Sabay pa silang tumingin sa akin.

Becca: "kanino galing 'tong tuperware?!"

Nagshrug lang sila.

Maiba ako. Itong dalawang 'to parang nagkakamabutihan na. Kaya naman itong si Denise si Bes naman ang pinuprunterya.

Tinignana ko lang 'yung tuperware. Well, hindi naman siya talaga tuperware. May tawag dito e. Ano nga ba 'yun?! Lunch box na parang pang japanese. Color red at black tapos may print na flower na white. Ang ganda.

Maliban sa lunch box, may sobre rin siya sa tabi.

Hi Bex,

Sorry na po. Peace na po tayo.

-Jelly Ace

Jelly WHAT?!

Binuksan ko 'yung jelly ace este 'yung lunch box.

Isa na lang ang nagawa ko.

Ang ngumiti.

Ok fine, bati na tayo.

###

GUYS MAY GROUP NA SI FRAGILE

join this group on facebook: http://www.facebook.com/home.php?sk=group_202117453166600

http://www.facebook.com/home.php?sk=group_202117453166600#!/home.php?sk=group_202237293151775

tapos pa like po ng pages na: http://www.facebook.com/pages/Stuck-in-a-Photograph/219014798123359 at http://www.facebook.com/pages/Fragile333-on-Wattpad/208743829164905 maraming salamat

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now