SIAP: Escape Plan #07

1.9K 28 7
                                    

Escape Plan #07

Bakit ba kasi nagmamadali 'tong mokong na 'to?! Natatakot na kasi talaga ako sa mga kinikilos niya eh. Hindi ko malaman kung hinahabol ba kami o may pinagtataguan siya... SIGURO PAREHO! E ba't kasama pa ako???

Sa may likod ng ospital kami lumabas ni Tor kasi do'n daw kami hinihintay no'ng driver niya.

Tor: "sakay."  

Sabi niya sa akin. Nakakatakot talaga! KIDNAP BA ITO???

Becca: "AYOKO! GUSTO KO NG UMUWI!"

Nag-aalala na talaga sa akin si kuya. Saka baka lalong madagdagan 'yung punishment ko nito eh.

Tor: "sumakay ka na baka maabutan pa nila tayo."

Hinila ako ni Tor papasok ng kotse. I so hate him na!!! Simula ng umandar 'yung kotse hindi ko siya kinakausap. Galit talaga ako sa kanya.

Tor: "pagkapunta natin sa bahay niyo kunin mo 'yung lahat ng gadgets mo. Lalong lalo na 'yung camera mo."  

Huh?! Anong gagawin niya sa mga gadgets ko? Ibebenta niya? Nanakawin? Holdap ba to?  

Aba aba ang dami na niyang kaso! Kanina kidnap ngayon naman holdap!

Becca: "bakit?"  

Tor: "basta. Kung gusto mo pang mabuhay e sumunod ka sa akin."  

Becca: "member ka ba ng sindikato?!"

Tinignan niya ako ng masama. Aba nagtatanong lang ako noh! Galit ka na agad! At ikaw pa ang may ganang magalit! Amp!

Becca: "sino ba 'yung mga humahabol sa'tin? Sakaa ba't ako kasali? Ba't kailangan ko pang kunin 'yung mga gadgets ko? Sino 'yung kausap mo ka- "  

Tor: "ANG DAMING TANONG! NAKAKAIRITA! KAPAG HINDI KA TUMIGIL AKO MISMO MAGPAPATAHIMIK SA'YO!"  

Becca: O_O

Huhuh! Kuya tulungan mo ako!  

Biglang tumigil 'yung kotse nagulat ako ng makita kong nasa harapa na pala kami ng bahay namin. Pa'no niya nalaman 'yung bahay ko? Stalker ba siya?

Tor: "baba na. Tandaan mo 'yung mga sinabi ko sa'yo na kukunin mo."  

Becca: "pa'no 'yung kuya ko?"  

Tor: "nakausap ko na siya. Alam na niya 'to. Ipapaliwanag ko sa'yo pagnandoon na tayo."  

Becca: "pa'no 'yung sa school?"  

Tor: "daming tanong! Baba na. May less than 30 mins ka para kunin lahat ng mga gamit mo. Mag dala ka rin ng mga damit na pang isang linggo."  

Becca: "sa-"  

Tor: "BABA!"

Sinigawan na naman niya ako. Huhuh. Dali-dali na akong bumaba at pumasok sa bahay namin. Dirediretso ako papunta sa kwarto ko. Nagulat na lang ako ng makita ko sa kama ko ang dalawang maleta. Binuksan ko ito, sa isang maleta nakalagay ang mga damit ko, lahat ng karaniwan kong sinusuot, infairness alam ang taste ko wa. Sa kabila naman ay ang mga gadgets ko, pa'no nila nalaman ang mga bagay na 'to? Lahat ng cd, flash drives, external drives at memory cards ng cam ko nandito. Itinago lahat ng ito pero pa'no nila nalaman? Kinakabahan na talaga ako sa kanila. Sa may kama ay may nakapatong na isang sobre na kulay yellow

Ano to amazing race?!

Kinuha ko ito at binasa.  

Becca,  

Siguro'y natataka ka sa mga nangyayari ngayon pero ito na ang tamang panahon para malaman mo lahat. Sumama ka kay Tor. Alam na niya 'yung gagawin sa'yo. Nand'yan na rin sa mga maleta lahat ng mga kakailanganin mo. 'wag mo ng isipin 'yung sa school mo. Ingat ka do'n wah. 'wag pasaway. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo. Love you kulet.  

Love,  

Kuya Alex.

Kinuha ko na 'yung mga gamit ko at bumaba na. Pagkababa ko sa hagdanan e nakita ko si Tor. Kitang kita sa mukha niyang galit na galit na siya. Lagot ako nito! OTL

Tor: "ba't ang tagal mo?! 'di ba sabi kosa'yo 30 minutes lang?"  

Becca: "may hinanap lang ako."  

Tor: "anong hinanap mo? Hindi ba't nakaayos na ang mga gamit mo?!"  

Becca: "ANG DAMING TANONG!"  

Hahah ako naman ngayon! xP  

Nga pala mapapaalam muna ako kay Yaya Pilar. Agad agad akong tumakbo papunta sa may kusina para hanapin si Yaya Pilar.  

Becca: "ya?"  

Yaya Pilar: "Becca anak ikaw ba 'yan?"  

Narinig ko 'yung boses na nanggagaling sa may dirty kitchen. Noong papunta na ako sa may pintuan biglang may humigit sa akin.  

Tor: "lumabas na tayo bilis"  

Bulong niya sa akin. Halata sa boses niya kailangan kong mag-ingat.  

Becca: "bakit?"  

Tor: "malapit na sila."

Tumango na lang ako.

Becca: "Ya, alis na po ako bye! Nagpaalam na po ako kay kuya!"  

Hindi na ako nagpakita kay Yaya Pilar. Baka mapahamak pa siya. Buong byahe e tahimik kami ni Tor. Dahil nasa akin na ang mga gadgets ko e nakinig nalang ako ng music at pumikit.  

~nahihirapan na ang aking isip  

nauubusan na ng sasabihin sa iyo..  

nanlalamig na ba ang pag-ibig mo sa 'kin..  

giliw..  

nalilito ako, nais kong sagipin ang ating  

nalulunod na pag-ibig  

nguni't handa akong palayain ka  

kung ito ang 'yong hiling  

gaano man kasakit sa akin  

ibibgay sa yo  

ang tanging pakiusap lang  

wag mo akong kalimutan..~  

Pagmulat ko e nagulat ako sa lugar na nakita ko. Nandito na naman ako sa hardin na maraming puting rosas. Tulad ng dati e mayroon pa rin basket at gunting sa may lamesa. Kinuha ko na ang basket at gunting pero hindi ako kumuha ng mga rosas minabuti kong maglibot-libot sa hardin na tila nasa loob ako ng isang maze. Sa may bandang kaliwa ay may isang lalaki na nakatalikod, nakasuot ng puting polo at puting pantalon. Sa kanan nama'y isang lalaking nakatalikod na nakaitim polo at itim na pantalon. Sa harap ko nama'y isang din lalaki na nakatalikod, nakapulang polo at maroon na pantalon.

Noong haharap na sila sa akin laking gulat ko ng may humigit sa akin na parang nahuhulog ako.  

Nahuhulog na naman ako. TULONG!!!!  

Becca: "TULONG!!!"  

Nagising ako bigla. Hinahabol ang bawat hininga. Nananaginip na naman ako.  

Tor: "ok ka lang ba?"  

Becca: "'yung hardin..."

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now