SIAP: REAL EPILOGUE

438 9 0
  • Dedicado a SA LAHAT NG SUMUPORTA SA SIAP AT SA AKIN
                                    

NOTE NI MAWI: LAST CHAPTER NA TOH KAYA IVOTE NIYO WAH!

Real Epilogue

<Tor’s POV>

     ???: “sino ka nga ulit?”

Ilan taon na ang lumipas mula noong nagising siya. Minsan dalawa hanggang apat na bese sa tatlong buwan ko naririnig ang tanong na ‘yan.

     Tor: “Becca, ako ang pogi mong cheesecake.”

     Becca: “Cheesecake? Hindi ka naman mukhang cheesecake e.”

Nag-home school kami ni Becca hanggang sa makagraduate kami ng high school. Noong college nag-Fine Arts ako, hidden talent ko ang pagdrawing. Si Becca naman ipinagpatuloy ‘yung hilig niya sa photography kahit na minsan e nakakalimot pa din siya sa mga bagay-bagay. Ganito lang kami Becca, makakalimutan niya ako tapos maaalala tapos makakalimot ulit.

Bawat moment pinipicture-ran niya tapos inilalagay niya sa photo blog niya bago siya matulog para kapag kinabukasan e makalimot siya ay doon niya lang titignan kung anong mga nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw.

     Becca: “Sige na nga. Ikaw ang cheesecake ko. I love you.”

Bigla akong napalingon noong sinabi niyang ‘i love you’. Ewan ko ba pero ang sarap pakinggan.

Tor: “o naniniwala ka na?”

Tumango siya.                        

Becca: “Sabi ng puso ko na ikaw nga ang cheesecake ko, na mahal daw kita.”

Niyakap ko siya at binulong...

     Tor: “oras na para makita mo siya.”

     Becca: “sino?”

     Tor: “basta.”

Noong matapos na siyang makapaligo at magbihis ay dinala ko na siya sa kabilang kwarto.

     Becca: “kaninong kwarto ‘to?”

Sabi niya. Nandito kami sa tapat ng pintuan ng kabilang kwarto. Narinig ko bigla ang iyak niya.

     Becca: “naiyak na siya.”

Inakbayan ko siya at pagkatapos ay binuksan na ang pinto. Lumakas lalo ang iyak.

Napatingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa naririnig at nakikita niya.

Dali-dali siyang lumapit dito.

     Becca: “P’wede ko ba siyang buhatin?”

     Tor: “Oo naman, anak mo rin siya noh.”

Nagpakasal kami ni Becca matapos ang graduation ko ng college at makalipas ng dalawang taon ay isinilang niya ang napakaganda naming panganay na si...

Becca: “Reamille Sarmiento-Tormientez, napakagandang bata. Ilang buwan na siya?”

Tor: “Magdadalawang buwan. August 26 ang birthday niya, saktong 12-“

Becca: “12:01AM, nandoon ka pa nga noon, hawak-hawak mo ang kamay ko.”

Napangiti na lang ako sa mga sinabi niya. Si Remi naman tumahan na din noong kinalong siya ng nanay niya. Umupo kami sa isang rocking sofa sa loob ng nursery room ni Remi. Kinuha ko ang isang photo album at ipinakita ito kay Becca habang ipinaghehele niya si Remi. Ikinuwento ko ang lahatng pangyayari sa mga pictures, maya-maya pa ay ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

Becca: “Sorry...sorry kasi bigla-bigla na lang kitang nakakalimutan, kayo ni Remi. Ang dami mo nang nagawa para sa akin tapos lagi pa kitang nakakalimutan. Sorry kung naging pabigat ako sa iyo.”

Tor: “Ano ka ba... ‘wag mo nang isipin ‘yun basta ang mahalaga ay buhay ka.”

Masaya ako na buhay ka.

At masaya din ako dahil ngayon mayroon na tayong prinsesa na si Remi.

Makalimo ka man nandyan pa din naman ang mga litrato na kinuhanan mo, na kahit anong mangyari e kapag nakita mo ang mga ito ay maalala mo ang mga pangyayari sa buhay natin.

“The moments that we’ve been together that were capatured will always be stuck in a photograph and will also be always in our hearts.”

The end.

NOTE NI MAWI:

GRABE SA WAKAS TAPOS NA ANG SIAP... 2YEARS DIN TOH! HAHAHA.... HALA BA'T NAKAKA-IYAK?! MAWI WAG KA NA UMIYAK... NAKAKALUNGKOT KASI TAPOS NA .... MAMIMISS KO 'YUNG MGA CHARACTERS KO. PARA KO NA RIN SILA NG KAPATID...

NEXT TIME NA AKO MAGNO-NOTE... HINDI KO NA KAYA E. 

SANA NAGUSTUHAN NIYO. 

SALAMAT AKING KAIBIGAN.

SALAMAT AT NATAPOS MO DIN BASAHIN ITO.

HANGGANG SA MULI.

-MAWI

Stuck in a Photograph by Mawi CataranOnde histórias criam vida. Descubra agora