SIAP: Escape Plan #59.1

704 11 3
                                    

Note ni Mawi: salamat sa mga nag-comment at nag-vote last update! medyo nakapagsulat ako kaya heto muna ang first part ng Escape Plan #59

#####

Escape Plan #59

"honesty is the best policy but truth hurts." -fragile333

<Becca's POV>

Tor si Louie.

'wag mong hayaang mamatay sila.

Nagising ako sa kalagitnaan ng malamig na daan. Nanghihina ang buong katawan ko, ang na tanging naaalala ko lang ay noong sinaksak ako ng babaeng nakamaskara. Kinapa ko 'yung sa may bandang tiyan ko, at doo'y nakatusok pa rin ang kutsilyo niya. Unti-unti ko itong tinanggal sa aking katawan.

Sh1t mali atang unti-unti kaya binigla ko ang pagtanggal.

Becca: "Ahhhh! Hu-huuu"

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Pinunit ko ung laylayan ng bistida ko at inilagay sa may sugat. Tinanggal ko rin 'yung laso sa bistida ko para itali ng mahigpit sa tyan ko upang huminto ang pagdudugo.

Mga ilang sandali pa ay sinubukan ko ng maglakad muli..

Bawat paghakbang ko pakiramdam ko babagsak ako. Hindi ko na alam kung paano ako makakalabas sa maze na 'to.

Nasaan na ba kasi si Kuya Alex? Si Tor, si Louie, si Red at Yanie?

Becca: "k-kuya..."

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Becca: "kuya ayoko na dito..."

Lumiko ako sa may kanan at nakita kong may bungalow sa may dulo nito. Pinilit kong makarating doon.

Becca: "tulong! May tao po ba dito?"

Walang sumasagot kaya naman sinubukan ko kung bukas ang pintuan.

*click*

Becca: "tao po?"

Kinapa ko 'yung pader sa may tabi ng pintuan kung may switch ng ilaw.

*click-click-click*

Simple lang 'yung bahay. May sofa pero walang tv. Pumunta ako sa may dulo, kusina ata. Kusina nga. Naghanap ako ng restroom o kahit anong pwede kong gamitin para malinis 'yung sugat ko.

Sakto namang may first aid kit sa may kabinet sa restroom.

Tinggal ko 'yung laso sa tyan ko. Natuyo na 'yung dugo at dumikit na 'yung ibang bahagi ng tela sa sugat ko. Kinailangan ko pang buhusan ng agua oxinada ung sugat ko para mahiwalay 'yung tela sa sugat at para malinis na din ito. Puro bula na ito, dahan-dahan kong hinila ung tela, para akong hihimatayin sa sakit.

Becca: "hooo-hooo-hooo"

No'ng matanggal na 'yung tela ay nilinis ko na sugat at nilagyan ng gasa tapos binendahan ko. Naglinis na rin ako ng katawan tutal nakakita naman na ako ng malinis ng bimpo. Ang problema ko na lang ay pa'no ako makakapagpalit ng damit. Itinali ko na 'yung buhok ko gamit ang isang goma na nasa first aid kit.

Isinuot ko na lang ulit 'yung bistida ko kahit na puro dugo ito. Nilibot ko 'yung bahay, umakyat ako sa ikalawang palapag. Pinakiramdaman ko muna kung may tao noong nasigurado kong wala namang tao e tumuloy na ako. May dalawang kwarto pero parehong nakakandado ito kaya naman minabuti kong bumaba na. Umupo muna ako do'n sa may sofa sa may sala. Huminga ng malalim at pumikit.

Namimiss ko na si kuya Alex pati na din sila mommy at daddy...

...lalo na si Tor.

Huminga ulit ako ng malalim sa huling pagkakataon pagkatapos ay unti-unting minulat ang aking mga mata.

Becca: "may istante pala dito."

Lumapit ako sa may istante sa may tapat ng sofa. May mga figuring at picture frames. Masasabing kong antique ang mga ito, ang gaganda. May isang pumukaw sa atensyon ko- isang litrato ng isang lalaki at babae- kinuha ko ito. Tinitigan ko ito, luma na din 'yung litrato, mga kasing edad ko 'yung babae.

Becca: "parang may kahawig 'yung babae..."

Tinitigan ko ito ng mabuti...

Becca: "...hindi."

Tinignan ko 'yung likod ng frame,

Xandra,

Mahal na mahal kita.

-Axein

???: "Rebecca..."

Biglang siy-silang pumasok. 'yung babaeng nasa litrato medyo may edad na siya kumpara sa nasa litrato-may kasama siyang mga lalaki. Nagsilapitan 'yung mga lalaki sa akin.

Becca: "whoah-whoah... Lumayo kayo sa-hey! 'WAG NIYO AKONG HAWAKAN! ANO BA!"

???: " 'wag ka ng magmatigas Rebecca, sumama ka na sa amin. Hindi ka naman namin sasaktan, hindi kita sasaktan."

Becca: “HHHHIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNDDDDDDDDIIIIIIIII!!! LUMAYO KAYO SA AKIN!!! AHHHHHHHHHHHHH”

Ano ba kasing kailangan nila sa akin?! Naalala ko na naman 'yung sugat ko. Fvck nakirot na naman siya.

???: "Rebecca, sumama ka na sa amin. Lumalala na ang sugat mo anak."

Becca: " 'wag mo akong tawaging anak-hindi kita na-"

???: "ako ang totoong nanay mo. Matagal ko ng gustong sabihin pero hindi p'wede kasi ayaw ko kayong mapahamak ng kuya mo."

Pilit kong iniintindi ang mga salitang lumalabas sa bibig niya pero hindi ko talaga kaya. Ang tagal kong hinintay ang kalingan ng ina tapos bigla na lang niya sasabihin ang mga bagay na ito? Oo, aaminin kong pinagdarasal ko dati na sana siya na lang- ang babaeng nagpalaki at nag-aruga sa amin ni kuya- na sana siya na lang ang nanay namin pero ngayon parang hindi ko matanggap.

???: "Rebecca, ana-"

Becca: “TAMA NA! TUMIGIL KA NA! HINDI TOTOO ANG MGA SINASABI MO!”

Kumaripas na ako ng takbo papalabas, Hindi ko na ininda ang sakit na raramdaman ko mula sa sugat ko.

Tor ayoko na...

...tulungan mo ako.

Nang makalayo na ako, hindi ko na talaga kinaya. Napaupo na ako sa lapag, nakalagay ang magkabilang kamay sa may sugat ko. Ramdam ko ang init ng dugong dumadaloy sa sugat ko.

Malapit na ata akong mamatay

Becca: “bakit mo kami niloko? Alam mo ba kung gano'n ako nangulila sa'yo. Ang gusto ko lang naman e makasama ang mga magulang ko.”

Kung totoo nga 'yung sinasabi niya siguro m-

???: "REBECCA!"

To be continued...

###

Note ni Mawi: Pa'no na 'yan? Pa'no niya kaya matatanggap ang tunay niyang mga magulang?

COMMENT GUYS!!! AND VOTE!!! SPREAD THE NEWS!

Stuck in a Photograph by Mawi CataranWhere stories live. Discover now